Kabanata 7

81K 2K 53
                                    

Dinala siya nito sa hotel kung nasaan Ito tumutuloy. Tahimik parin Ito at randam niya ang galit nito para kay Clark. Kahit siya naman ay naiinis rin kay Clark dahil kung hindi lamang siya hinawakan ni Chance sa bewang ay baka nalunod na siya roon.

"Uhmmm.. May-may kwarto naman kami." Maingat na wika niya. Baka kasi siya ang paglabasan nito ng galit.

"No. You will stay here." Malamig na wika nito. May kinuha Ito sa bag nito na nakapatong sa kama bago nagtungo sa banyo. Hindi niya na alam kung anong dala nito.

Kinuha niya ang cellphone niya sa bag at tinawagan si Larry.

"Asan kana? Oh my god! Nagiinit ang ulo ko sa Clark na iyan! Hambog!" Nangangalaiti na sigaw ni Larry sa kabilang linya.

She sigh. "Nasa hotel ako Larry. Baka pupuntahan kita mamaya riyan sa hotel natin upang kuhanin ang mga gamit ko." Mahinahon na wika niya.

Pumayag naman Ito. He even asked her to come with them mamayang Gabi. Okay na raw ang mga nakuha nilang shoot. Wala na itong naging tanong patungkol kay Chance.

Umupo siya sa kama at inantay ang paglabas ni Chance. Natuyo na siya dahil sa hangin noong nasa yate sila.

Halos isang oras rin ang tinagal ni Chance sa loob ng banyo. Nag shower pala Ito. Ngayon ay nakasuot na ito ng robe at tumutulo ang tubig mula sa buhok nito. He looks calmer now.

"C-Chance.... I need to see Larry. Kukunin ko yung ibang gamit ko." Paalam niya. Bahayang tumagilid ang ulo nito bago tumango.

"I'll come with you." He said in calmer voice. Tumango siya. Medyo nilalamig na siya sa suot niyang rash guard.

"Uhmmm. M-may extra ka bang T-shirt riyan?" She asked.

Umiling ito. "Take a bath. I'll asked someone to buy you clothes." He said. Tumango na lamang siya at pumasok na sa loob ng banyo upang maligo.

Matapos ang kalahating oras ay tapos na siya. Nagsuot muna siya ng robe bago lumabas. Naabutan niya si Chance na may kausap sa Teresa. At sa kama ay may isang paper bag ng isang brand ng damit na pangbabae at isa pang maliit na paper bag.  Agad na kinuha niya Ito at tinignan.

Isa itong summer dress na kulay asul. Long sleeve Ito at aabot sa itaas ng kanyang tuhod ang sukat. Medyo backless naman ang likuran nito. Hindi siya showy na damit but it's still look elegant. Sinunod naman niya ang isa pang paper bag. She gasp nang nakita niya ang isang pares ng underwear. A pair of sexy lace panty and bra.

Shit! Mukhang saktong-sakto sa kanya! Sino ang pumili nito? How did he know her size of bra?

Nanglingunin niya Ito ay nakatitig na Ito sa kanya. Nakasandal ito sa barandelas habang nasa teynga parin nito ang cellphone. Damn! He looks perfectly good with that damn long sleeve polo! Bukas pa ang tatlong unang butones nito kaya lantad na lantad ang dibdib nito.

Napalunok siya at mabilis na kinuha ang mga paper pag at muling pumasok sa banyo upang magbihis. Dahil wala siyang dalang kahit ano ay hinayaan na lamang niya ang buhok na medyo basa pa na nakalugay. Hindi narin niya ito sinuklay.

Nang makalabas ay naka ayos narin si Chance. Agad niya itong inaya dahil hapon na. Sa kabilang isla lamang ang hotel kung nasaan si Larry. Halos kalahating oras lamang ang itinagal ng byahe nila. Mabilis silang nagtungo sa hotel kung nasaan ang kaibigan niya. Nag aantay Ito sa tapat ng hotel habang dala ang gamit niya.

"Let's have some fun first!" Larry exclaimed. Lumingon siya kay Chance. Tumango naman Ito kaya agad silang nagtungo sa isang elite bar. Chance paid all their drinks na kinatuwa ni Larry. Ang mga kasama nila sa isang sofa ay ang mga staff lamang.

Billionaire's Secret (Billionaires Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon