Kabanata 21

77K 1.7K 34
                                    

"Welcome po, Sir Chance! Ma'am!" Bati sa kanila ng ginang na may edad na.

Kakarating lamang nila sa Cavite kung nasaan ang rest house ng mga McLennan. Halos tatlong araw lamang ang tinagal nila sa hospital. Kailangan pa sana na isang linggo siya roon upang matignan ngunit naging mapilit ito. Wala silang nagawa kung hindi sundin na lamang ang gusto nito.

Ngumiti si Chance sa matanda. "Thank you po Lola Nita. Kamusta po?" Magalang na bati nito sa matanda.

"Maayos naman po. Maayos rin po itong resort, Sir."

"By the way, this is my wife, Carly."

Ngumiti ang matanda sa kanya. "Magandang umaga ma'am! Welcome po!"

Masayang kumaway siya rito.
"Good Morning po!"

"Pasok po kayo!"

Agad naman silang sumunod. Inalalayan niya ang asawa sa paghakbang. Hindi pa kasi ganoong magaling ang mga sugat nito. Nang makapasok sila sa loob ay namangha siya sa ganda nito. Karamihan sa mga gamit ay halatang antigo at kumpara sa Mansion nila Chance, ay mas maaliwalas ito. Pinaghalong crema at mahogany ang kulay ng bahay at napaka aliwalas ng paligid.

"It's Dads favorite rest house so mostly of the design is by him." Komento ni Chance. Tumango lamang siya.

Umupo sila sa sofa habang inaantay ang mga gamit nila na kinukuha ng driver mula sa sasakyan. Habang nagmamasid sila ay may isang batang babae at lalaki ang tumakbo at tila nag hahabulan sa harapan nila. Parehas silang nagulat sa presensya ng mga bata.

The little girl giggled and hurriedly went to her. Kumandong ito sa kanya. Ang kulot na buhok nito na tumatalbog sa bawat hagikgihik nito ang kinutuwa niya. Matambok rin ang nanunumalang pisngi nito.

Ang batang lalaki naman na kahawig nito ay lumapit sa pwesto nila. Nang napansin nito ang batang babae ay nalukot ang mukha nito at nagpapadyak habang nakanguso. "Daya! Baba kaw!" Sigaw nito sa batang babae.

Tumawa lamang ang batang babae bago umakap sa kanya. "Ayaw!"

Nang mapansin ni Chance na paiyak na ang batang lalaki ay binuhat niya ito at kinandong sa hita nito. Tuwang-tuwa naman ito at pumalakpak.

"Naku mga batang ito! Baba diyan!" Humahangos naman na dumating ang matanda at pilit na pinapababa ang mga bata. The kids just shook their head stubbornly.

"Hayaan niyo na po, nanay Nita." Nakangiting wika niya. "Kanino nga po palang mga anak ito?" Nagtatakang tanong niya.

Nahihiyang tumingin naman ito sa kanila. "Kay Clive ho ang mga bata. Pinakiusapan po kasi ako na bantayan sila. Pasensya na po! Nasa siyudad po kasi ang mama nila at mamaya pa ng gabi ang uwi. Si Clive naman ay busy sa resort." Kinakabahan na wika nito.

Mabilis naman siyang umiling. "Naku! Okay lang po! Ang c-cute nga po nila eh! And besides, it's fun to have children here." Masayang wika niya bago nilingon ang asawa. "Right?"

Chance nodded. Nilalaro nito ang kamay ng batang lalaki. "Its okay nanay Nita. And besides, their are my nephew and niece."

Napakunot siya ng noo. Kaninong anak ba ang mga ito?

Masayang tumango ang matanda. "Salamat po. Siya nga pala, nai-ayos na po namin ang kwarto nito. Pwede na po kayong magpahinga."

Tumango siya at muling inalalayan ang asawa. Kinakailangan pa nilang magpahinga dahil mula sa hospital ay dito sila nagtungo ng asawa. 

"Mag pahinga kana muna." Saad niya sa asawa. Kumunot ang noo nito.

"You rest too, Carly." Matigas na utos nito bago inilahad sa kanya ang kama.

Billionaire's Secret (Billionaires Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon