Kabanata 27

65.9K 1.3K 49
                                    

"Paano ko sasabihin sa kanya?" Problemadong wika ni Carly habang paikot-ikot sa opisina ni Pierre.

Ang binata naman ay nakaupo sa swivel chair nito at abala sa mga papel na nasa harapan nito. Hindi niya alam kung nakikinig ito o hindi.

"I can't just leave without saying anything!" She said in frustrations.

Narinig niya ang malalim na paghinga ni Pierre. "Then don't tell him kung inaalala mo na mas lalo lang siyang na i-istress."

Natahimik siya. Two days ago, Pierre informed her that her mother want to see her already and Pierre well fly back to Greece next week and she wants to come to see her mother.

Pierre is right... Chance is not mentally prepared for her news... Sobrang gulo ng kompanya nito ngayon na halos doon na ito natutulog at hindi na gaanong kumakain.  She's worried for his health mentally and physically dahil hindi maganda kay Chance na maghalo-halo ang matitinding emosyon rito especially anger.. 

Napadungaw siya sa cellphone na nasa kanyang lamesa. Tumatawag ang sekretarya ng asawa.

"Hello-"

"M-ma'am..."

Natahimik siya ng marinig ang pinaghalong takot at kaba sa boses ni Angelo— ang sekretarya ni Chance.

"Bakit? May problema ba?" Kinakabahang tanong niya. Sa boses pa lamang nito ay alam niyang may hindi na tama. Napatingin sa kanya si Pierre ng may pagtataka marahil napansin ang pangamba sa kanyang mukha.

"S-si Sir Chance po, Ma'am.... Nagwawala po siya sa opisina niya."

Nanlaki ang mata niya kasabay ng takot na namuo sa buong katawan niya. "Pupunta na ko. Wag niyo siyang hahayaan na lumabas ng opisina niya okay?" Bilin niya bago ibinaba ang tawag. Mabilis siyang umalis roon at hindi na pinansin ang tawag ng kaibigan.

Halos paliparin niya ang motor para lamang mabilis na makarating sa kompanya ng asawa. Hindi niya pa naiparada ng maayos ang motor ng makarating siya basta na lamang siya tumakbo sa elevator at pinindot ang floor ng opisina ni Chance...

Halos mapamura pa siya ng makita niya ang repleksyon sa salamin ng elevator. Gulo-gulo ang buhok niya at pawisan pa siya but she doesn't careless.

Nang makarating sa tamang floor ay agad siyang lumabas. Naabutan niya si Angelo at isang guard na nasa tabi lamang ng pinto at halos aligaga na. Nang dumako ang tingin ni Angelo sa kanya ay nakitaan niya ito ng relief.

"Ma'am!" Bungad nito.

"Anong nangyare?" Hinihingal na tanong niya bago dumako ang tingin niya sa pintuan ng opisina ni Chance...

"Nagwala po siya noong nakatanggap siya ng tawag. Idagdag pa po na ilan sa board members ang gusto ng I pull out iyong mga shares nila dahil sa pagbaba ng kompanya... Mayroon rin po na balita na kumakalat na bayarang abogado raw po si sir Chance..." Bigong wika nito.

Halos nanlambot siya ng narinig. Ni wala man lamang siyang alam sa nagyayari sa asawa. Naging abala siya sa sariling problema na nakalimutan niya ang asawa niya.

Tinapik niya ito sa balikat bago lumapit sa pinto. "Ako na ang bahala." Saad niya bago binuksan ang pintuan gamit ang sariling Susi niya na ibinigay ni Chance.

At halos manlambot ang tuhod niya sa nakita. Everything is a mess. Nagkalat ang mga basag na vase at frame. Tumaob at nabasag na ang salaming sofa table nito at nakataob narin ang sofa. Nagkalat sa paligid ang mga papel.... And in the middle of the messy room is Chance who's sitting quietly behind his table. Nakayuko ito habang nakasabunot ang kamay sa buhok.

"ANGELO! I SAID FVCKING LEAVE! MOTHER FVCKER!" Pagmumura nito. Nakayuko parin ito. Imbis na natakot ay mas lumapit siya rito at Lumuhod sa harap niya. She cupped his face. Chance stilled. Dahan-dahan itong nag-angat ng tingin and something inside of her died when she saw his face looking lifeless, lost and hopeless...

Billionaire's Secret (Billionaires Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon