Dom's POV
Nandito kami ngayon sa HQ dahil dito ang meeting place namin. Handa na ang lahat para sa aming first ever appearance in Gang World which is kailangan namin lumaban at manalo.
"Let's go." mahina at cold kong sabi sa kanila. Nauna na akong lumabas at pumunta sa aking motor. Naramdaman ko naman na sumunod sila and the next thing happen. Nag uunahan na kami hanggang umabot sa Arena.
Sinuot na namin ang mga mask namin at pumunta na kami sa backstage. May coordinator naman na lumapit sa amin and yeah, siya yung lalaki kahapon. Tinignan niya kaming lahat bago siya nagsalita. "Nandito na ang makakalaban niyo. Ihanda na ninyo ang sarili niyo dahil hindi sila basta-bastang mga gang. After ng laban ng nasa stage ngayon ay kayo na. "
Tumango nalang ako sa kanya at nauna nang umupo sa mga upuan. Mabuti nalang at naglagay sila ng upuan dito nakakatamad kayang tumayo sa isang tabi. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko dahil inaantok ako. Sa dami ba naman kasi ng araw, ngayon pa ako dinalaw.
Ilang minuto ang lumipas at napadilat ang mga mata ko nang maramdaman ko na may tumabi sa akin. Pagtingin ko, si Charl pala. Tumingin din siya sa akin at nagpang abot ang aming mga mata. Kita naman sa expressions niya na nag aalala siya sa akin.
"What?" tanong ko sa kanya. Hindi ko parin inaalis ang tingin ko sa kanya.
"Ok ka lang ba? Kanina ka pa kasi wala sa mood. Hindi ka naman ganyan kapag lumalaban tayo. " sabi niya sa akin. Makikita mo talaga sa mga mata niya na nag aalala siya.
"I'm okay." sasagot pa sana siya pero napansin niya din siguro ang pagkabad mood ko. Tumahimik nalang siya at pagkalipas lang ng ilang segundo bigla nalang naghiyawan ang mga tao sa loob mg arena.
"Wooh!!! " panay ang hiyawan ng mga tao sa loob ng arena.
"Black Darkstone, humanda na kayo," maawtoridad na sabi sa amin ng coordinator.
Nagsitayuan naman sila sa pangunguna ni Charl. Alam kong excited na sila and ako rin pero, nakakainis tong mood swing na to ha! Kanina pa ito gumagambala sa akin.
"And now, for our tonight's highlight,please welcome the Black Darkstone for their first appearance and first battle!!!! " sigaw ng announcer at lalong naghiyawan ang mga tao.
Isa-isa niya kaming tinawag gamit ang mga codenames namin and I can't help myself but to be proud. Atlast, kasali na din kami.
After niya kaming tinawag ay sumunod naman ang aming makakalaban. By the look on their faces, malalaman mo na talaga na malakas sila. But, I know we will win. We'll make this a job well done. Kaya namin ito.
Sinabi lang ng coordinator ang rules and regulations sa laban namin. Pwede kang gumamit ng weapons mo but, strictly prohibited ang pagpatay sa opponent mo. Besides, this is legal and connected to the police. Yes, it is legal and connected to the police. Kaya nga hindi ka basta-basta nalang makakapasok sa Gang World Official kung hindi ka karapat-dapat. Baka madumisan pa ang pangalan ng management.
Anyway, sa paglinga-linga ko sa paligid may nakita akong isang pigura ng lalaki na nakamask at all black costume. And his face sounds really familiar to me. He's sternly looking at me with his dark black eyes.
"And for tonight's judging panel, please welcome Mr. Gaman the head management of GWO, Mr. Kiyuroki as the NBI representative and please all rise for emperor Dark Blade! " sigaw ng coordinator sa mic at nagwala ang mga tao sa loob ng arena. Kaya pala he looks really familiar to me because that guy is Dark Blade the emperor!
"At this very moment, we will start the battle between Black Darkstone Vs. Dragon Blazer!" sigaw niya at tumunog ang bell sa gitna na kung saan hudyat ng aming pagsisimula.
YOU ARE READING
The Gangster Inlove With The Emperor
Science FictionA GANSTER: Zoe Dominique Sanchez - a childish daughter of Mr. and Mrs. Sanchez. She is in her 19 years of existing, studying at Jackson National School taking up Business Administration Major in Management in her 3rd year of college. She is beautif...