Dom's POV
Nagising ako sa malakas at paulit ulit kong alarm.
Time Check:
4:00 amAnong oras nga ba ako natulog ka gabi? Tss, kasalanan to ni Xyra. May pa 'sulit the moment' pang nalalaman kasi.
Ang sarap pang matulog pero 5:30 kami kukunin ng private plane namin. Hindi nalang kasi kami nag plane pabalik sa manila dahil hassle na kung kukuha pa kami ng ticket. May private plane naman kasi sina lolo't lola na binigay sa akin.
Labag man sa loob ay bumangon na ako at pumasok sa washroom. Bahala na, mamaya na ako maliligo pagdating sa bahay.
Pagkatapos kong mag linis ng sarili nagbihis na ako at hinanda ang mga dadalin ko pabalik.
Time check:
4:37 amPagkatapos kong ihanda ang lahat pumunta ako sa kwarto ni Xyra at ginising siya. Tss, yan ang napapala sa mga taong OA, sulit-sulit kasi para namang hindi pa nakakabakasyon kahit kailan.
"Hoi!" tawag ko. "Hoi Xyra! " hindi pa din. "Pag ako nawalan ng pasensya sayo bahala ka dyan, bubuhusan kita ng malamig na tubig." pagbabanta ko. At ayun, nagising din.
"Ang aga-aga pa Zoe" pikit matang sabi niya.
"Tss, gumising kana diyan kung ayaw mong maiwan, 5:30 dadating ang private plane kaya bilisan mo diyan. Ang tagal tagal mo pa namang magbihis." mahabang sabi ko. Napadilat naman ang kaninang pikit niyang mata.
"Sige na nga." nagmamaktol na sabi niya at biglang pumasok sa washroom. Gaya ko hindi nalang din siya naligo at nagbihis. Pero hindi gaya ko, matagal talaga siya kung magbihis, papalit palit kasi, 'FASHION' nga daw.
"Ayy, ang pangit naman neto." sabi niya at kumuha ng iba pang mga damit. Halos 30 minutes din siyang nagpapalit palit ng damit, titingin sa salamin at kung para sa kanya hindi maganda yung damit palit na naman. Kung tutuuisin maganda naman siya at bagay lahat ng damit para sa kaniya.
"Tss, bilisan mo dyan, 5:20 na hindi pa ready tong gamit mo." inis kong sabi sa kanya. Napanguso naman siya at nagmamadaling inayos ang mga bagahe niya.
Saktong 5:30 ay tapos na siya at pababa na kami para makaalis na. Nadatnan naman namin sina mommy at daddy na nakaupo sa sofa at nag uusap ng magka hawak kamay. Ang cheesy lang pero hindi pwedeng maging bitter dahil parents ko sila.
"Good morning mom and dad." masayang bati ko sa kanila. Lumingon naman sila sa amin at tumayo para yakapin kami.
"Good morning tita and tito." maarteng sabi ni Xyra sabay yakap din sa kanila.
"Good morning Baby and Clare." sabi ni mommy.
"Aalis na ba kayo?" tanong ni daddy sa akin.
"Yes dad, sorry talaga at mauuna kami." malungkot na sabi ko sa kanya.
"It's okay baby, basta mag iingat lang kayo. Babalik naman kami sa Manila sa susunod na araw. Mag eenjoy na muna kami ng mommy mo dito. Sabi mo nga it's time for us to relax. Hehe, basta call us from time to time baby." nakangiting sabi ni daddy, yinakap ko naman sila at nagpaalaman na sa isa't isa.
Hinatid nila kami kung saan naghihintay na ang private plane ko.
"Bye Mommy and Daddy." sabi ko at hinalikan sila sa pisngi.
"Bye baby and Clare." sabi ni daddy sa amin. Tumingin naman siya sa operator (? hindi ko po alam yung term, Mianhae!) ng private plane. "Pls. be safe, take care of this two young lady." sabi ni daddy.
"Yes Sir." tanging sagot ng operator at sumakay na kami.
Time Check:
5:48 amHabang nasa biyahe kami ay tulog na tulog si Xyra sa tabi ko. Tss, kababaeng tao ang lakas kung humilik.
YOU ARE READING
The Gangster Inlove With The Emperor
Fiksi IlmiahA GANSTER: Zoe Dominique Sanchez - a childish daughter of Mr. and Mrs. Sanchez. She is in her 19 years of existing, studying at Jackson National School taking up Business Administration Major in Management in her 3rd year of college. She is beautif...