A/N: Dedicated to ginja309
Dom's POV
Kinabukasan....
Nagising ako dahil sa gutom na tinamo ko. Hindi kasi ako nakakain kagabi dahil sa hindi na ako nagising.
Bumangon ako sa aking hinihigaan at pumunta sa washroom ko. Naghilamos lang ako ng mukha tsaka nagbihis para makababa na din at makakain. Kanina pa kasi nagrereklamo tong tiyan ko.
Wala naman akong gagawin ngayon bukod sa paglalakwatsa. Actually, hindi kasi ako napapakali lang dito sa bahay ng walang ginagawa. Ako yung tipong hindi marunong mag stick on one place.
Pagbaba ko ng bahay, naghahanda na si manang ng makakain ko. "Good morning manang!" masayang bati ko sa kaniya.
"Nandiyan kana pala hija, good morning din. Kumain ka na at baka gutom na gutom ka na, kinatok kita kagabi pero hindi ka naman nagising. "
"Napagod po yata kasi ako sa biyahe manang, hindi ko na namalayan ang katok niyo."
"Oh, sige na, kumain ka na. Tumawag nga pala ang mommy mo dito." Huminto siya at ikinuha niya ako ng tubig. Naupo naman ako para makakain na din ako. "Sabi niya na bukas pa daw sila uuwi ng daddy mo."
"Ah, opo manang. Para naman makarelax sila dun kahit papano. Alam niyo naman po sila mommy't daddy. Workaholic masyado, yan tuloy hindi na nakakarelax. Hindi na nga ako nasundan manang eh." sabi ko at tumawa naman siya.
"Ikaw talagang bata ka eh no." sabi niya at hinaplos haplos ang buhok ko. "Pag naging mommy ka na din sa kalaunan, maiintindihan mo na talaga ng lubos kung bakit wala silang relax sa trabaho." sabi niya sa akin. Ngumiti nalang ako sa kanya.
"Manang, kamusta na nga po pala ang mga anak niyo sa probinsiya? Diba tatlo sila?" tanong ko sa kaniya. Nabanggit niya kasi noon na may tatlo siyang anak.
"Ah, okay naman sila sa probinsiya. Ang panganay kong si Nica, nakapag asawa na at may tatlo ding anak. Si Jason naman eh ayun, nakapag asawa na din at may limang anak. Yung bata talagang iyon, kahit kailan. Hay. Si Diana naman, ang bunso ko. Siya lang ang nakapagtapos ng pagiging teacher. Wala pa yung asawa at anak." kwenti niya sa akin.
"Mabuti naman po pala manang." sabi ko sa kaniya. Ngumiti lang siya sa akin at tinapos ko na rin ang aking pagkain. "Kumain na din kayo manang at aalis po ako, pupunta po ako ng mall. Isang buwan nalang din kasi at pasukan na naman. Mamimili po ako ng mga gamit ko." sabi ko sa kaniya.
"Oo sige basta mag iingat ka ha. Hindi na natin alam ang panahon ngayon. Ang rami rami ng masamang tao na nakapalibot sa ating mga mabubuti." sabi niya. Naguilty naman ako sa sinabi niya. Masama nga ba kaming tao? Pero hindi naman kasi kami nananakit ng mga taong inisenti. Tsaka, hindi naman kami pumapatay. Argg,, tama na nga.
"Oo naman manang,."sabi ko nalang at tumayo na. "Tapos na po ako, magbibihis lang ako at aalis na din." sabi ko sa kanya, tumango naman siya sa akin. "Anyway manang, ang sarap na naman ng luto mo, hehe." nakanguting sabi ko.
"Sus, ikaw talagang bata ka, yan ang nagugustuhan ko sa iyo eh, masiyado kang mambobola." nakangiting sabi ni manang. "Salamat Zoe."
"Walang anuman manang! Kain ka na, bihis lang ako sa taas." sabi ko at umakyat na sa hagdan.
Pagdating ko sa kwarto ko, tinignan ko muna kung anong oras na.
Time Checked:
9:19 am
Masiyado pa namang maaga para pumunta sa mall kaya magf-facebook muna ako. Matagal na din since I last visit this account. Actually kasi, hindi naman ako puro social media. I'm busy with my other stuff, specially my gang.
YOU ARE READING
The Gangster Inlove With The Emperor
Ficção CientíficaA GANSTER: Zoe Dominique Sanchez - a childish daughter of Mr. and Mrs. Sanchez. She is in her 19 years of existing, studying at Jackson National School taking up Business Administration Major in Management in her 3rd year of college. She is beautif...