Prologue

9 0 0
                                    

Mga bata pa sila na may murang mga pag iisip. Mga batang wala pang alam sa katotohanan sa buhay.

Ang simpleng habulan pag nagkakaasaran.

Ang simpleng pagtatanggol sa isa't isa pag may umaaway na iba.

Ang simpleng pangongopya ng exam dahil hindi nakapag aral ang iba.

Ang simpleng sabay sabay na pagkain sa Canteen na ayaw may maiwan kahit sino sa kanila.

Lahat ng simpleng bagay na yun naging komplikado simula ng dumating aa buhay nila si Shei.

Si Shei.

Nakatambay sa puno ng acacia sina Daniel. Habang nagbabasa ng aklat si Mark, kinukulit ito ni Daniel kung sino ang babaeng itinuturo nito mula sa malayo.

"Hindi ko sya kilala." Tugon ni Vince.

Lumapit si Daniel kay Vince.

"Vince, kilala mo yung magandang babae?" Sabay turo sa direksyon nung babae.

"Alin? Eh si Ms. Gracia yun ah. Wag mong sabihing may gusto ka kay Ms. Gracia? Mangkukulam yan Daniel!"

"Gago ka Vince." Sabay kotong sa ulo ni Vince. Lumapit naman si Daniel kay kay Denver umaasa na may mas matinong sagot ang isa pa nyang kaibigan.

"Denver."

"Hindi ko kilala yun." Sagot agad ni Denver kahit wala pa itong tanong.

"Magsama kayo ni Vince." Angal ni Daniel.

At huling nilapitan nya ang pinakamatanda sa kanilang magbabarkada. Si Drew.

"Drew." Pagtawag ni Daniel. Hindi na ito umasa ng tugon ng kaibigan kaya diniretso na nya ito tungkol sa kanyang pakay. "Kilala mo ba yun? Yung magandang babae?" Pursigido si Daniel na makilala kung sino yung bagong babae sa school nila.

"Sheina." Isang pangalan ang binitawan ni Drew na ikinagulat ni Daniel.

"Shaina?" Paglilinaw ni Daniel.

"Sheina." Diin ni Drew.

"Ahh. Sheina! Teka, bakit mo pala alam ang pangalan nya?" Pagtataka ni Daniel.

"Nagpakilala sya sa akin kahapon."

"Hoy hoy hoy, Drew! Akin na lang sya ha. Kahit nakilala mo sya kahapon, ako nagsabi ngayon na sa ating lahat ha. Akin na lang sya." Litanya ni Daniel sa buong grupo at mapapansin na wala namang interesado sa babaing nagugustuhan nya. Kaya nagkaroon sya ng pagkakataon na maging kampante sa babaeng gusto nya.

The other week, nakasalubong ng barkada si Shei.

"Hi Drew!" Magiliw na bati ng dalagita kay Drew na nginitian lang nman ng binatilyo at si Daniel ang umeksena.

"Hi Sheina. Sheina is your name, right?"

"Yes. Then you are?"

"Daniel! I am Daniel!" At agad nitong inabot ang kamay ng dalaga.

"Nice to meet you Daniel. By the way, call me Shei."

"Yes. Shei. Nice to meet you too Shei."
Kung may swerte sa araw na ito, si Daniel yun.

"So do you have plans tonight?" Tanong ni Daniel sa dalagita perp agad sinikp ni Drew ang binatilyo.

"Oucccch. Drew. Para saan yu-.."

"Shei, salamat sa oras mo ah. Kelangan na lang namin umalis." At biglang hinila ni Drew ang kaibigan.

"Teka nga lang! Drew! Ano yung ginawa mo?" Pagwawala ni Daniel.

"Hoy Daniel, kumalma ka dyan. Para kang bata." Si Mark.

At tawang tawa lang ang dalawa nina Vince at Denver sa mga kilos ni Daniel.

"Nakakaturn off brad yung sinabi mo kay Shei." Paalala ni Drew.

"Ha? Anong masama kung niyaya ko lang sya ngayong gabi? Kakain kami. Anong masama dun?"

"Bro, ang bilis mo sa ganan. Wag ganun!"

"Lalong hindi sasama sayo si Shei kung niyaya mo agad sya kung kakikilala pa lang nya sayo."

Napaisip si Daniel sa paalala ng mga kaibigan.

"Kung bukas ko na lang sya yayain?"

"Ulol." At iniwan sya ng mga kaibigan nya.

"Teka! Bakit kayo umalis? Paano ba ang gagawin ko ha? Tama ba yun? Bukas ko na lang sya yayayain ha?"

Pero nawala na ang mga kaibigan nya.

"Ang labo nyo naman oh." Sabay kamot sa ulo ng binata.

Pero nang sumunod na araw, mas nagkakilala pa si Daniel at Shei na naging dahilan para mapalapit ang loob nya sa dalagita at mapalayo naman sa mga malalapit na kaibigan.

Hindi na sumasama si Daniel sa paglalaro ng barkada lalo na pag naghahabulan kapag nag aasaran. Pinalalampas nya lahat ng pang aasar sa kanya kase itinuro sa kanya ni Shei na huwag ng maging isip bata dahil binatilyo na si Daniel. Hindi na daw maganda sa paningin yun.

Hindi na rin madalas makipag away si Daniel lalo na sa ibang mga lalaki na umaaway sa barkada nya. He reminds them na maging mature na lang at huwag patulan ang mga isip batang yun. At itinuro rin un ni Shei sa binatilyo.

At ang mas kapansin pansin na pagkakaiba ni Daniel ay ang pagseseryoso na sa pag aaral. Madalas na syang makikita sa library kase nakakasama nya si Shei. Dahil mas gusto daw ni Shei ang isang lalaking marunong mag aral. Kaya naman nawawalan ng oras talaga si Daniel sa mga kaibigan.

At hindi na din nakakasama si Daniel sa pagkain ng barkada sa canteen dahil abala na ito kay Shei. Kung nasaan si Shei at ang mga kaibigan nito.

"Pare, tara sa bahay mamaya. Birthday ni Mama." Pag anyaya ni Drew kay Daniel.

"Naku. Birthday pala ni Tita ngayon?"

"Oo. Hinahanap ka nya. Kaya sana makadating ka."

"Hindi ako pwede mamaya Drew eh. May lakad kami ni Shei mamaya. Birthday naman ng Papa nya. Naka Oo na ako kay Shei eh. Pasabi na lang kay Tita happy birthday ha. Dalaw ako sa bahay nyo sa isang araw." Pero hindi natuwa si Drew sa sagot ni Daniel.

"Bahala ka." At umalis si Drew.

Maya maya namang pagdating ni Shei.

"Hi Daniel, si Drew ba yung kausap mo kanina?"

"Oo."

"Umalis na sya? Iniiwasan ba ako ni Drew?" Malungkot na tanong ni Shei.

"Hindi naman siguro. Halika na. Birthday ng Papa mo diba? Tara na."

"Hmmm. Dapat niyaya mo si Drew."

"Hindi na. Birthday din ng Mama nya kaya sigurado akong hindi sya makakasama. Next time na lang."

"Ganun ba? Siguro next time na nga lang basta invite mo ako ah sa mga lakad ng barkada nyo."

"Oo naman. Walang problema."

At dun na nagsimula ang tunay na pagbabago ni Daniel dahil sa pag ibig. Hindi mo masasabing mabuti o masama ang nagiging pagbabago nya sa kadahilanang may nabubuo man syang pagkatao, meron din namang nasisirang pagkakaibigan sa kanila.

Your One True Love Book 2Where stories live. Discover now