Lumalalim na ang gabi and nagkakasiyahan pa rin ang barkada. Si Shei ang promotor ng party na ito kaya ang dami nyang mga palaro kuno.
"Oh Denver, it's you turn." Si Shei, may palaro syang spin the bottle. Gasgas n gasgas na ito eh. Pero dahil lasing na ang girlfriend ni Daniel, hinayaan na lang sya. Wala syang maalala sana kinabukasan, hopefully.
"Dare!" Sagot ni Denver.
"I dare you to... remove you pants!" Muntik na akong mabilaukan sa narinig ko. Bakit papunta na sa kagaguhan ang ginagawa namin?
"Denver, don't do it. She doesn't know what she's saying." Saway ni Daniel. Sya ang pinakaseryoso ngayon kaya nagmumukha syang lolo. Hahaha.
Ooops. Nalalasing na rin ata ako ah.
"Babe, I want him to do it. It's his dare!"
"No. Stop drinking. You already drink to much." Owww, concern boyfriend.
"I hate you."
Pero hindi sya pinansin ni Daniel.
"Oh tuloy na. Kunyari na lang ginawa mo Denver. KJ din tong si Daniel eh." Si Vince.
Muling umikot ang bote. And this time, sa akin natapat.
"Yes! Si Abby!" At tuwang tuwa etong si Shei.
Tumingin ako kay Vince for any help pero tinapik lang nya ang likod ko. Gago to ah. Humihingi nga ako ng tulong.
"Truth or Dare!" Hyper na hyper itong si Shei ah.
"Tss. I can do both but this time I'll choose dare." Mukhang exciting ang dare eh. Hahaha. Dun tayo sa exciting para hindi tayo iiwan, boring ata ako eh. Hahaha.
"I dare you to kiss the boy you like here! Oh Vince, thank me later ha!" I smiled. You really know nothing Shei. Tumingin ako kay Daniel. I think I want to kiss you. Hmmm. Gumawa kaya ako ng eksena dito?
Matalim ang pagtingin nya sa akin. Ano? Hindi mo ba pipigilan ang immature na girlfriend mo sa mga walang kwentang dare nya?
Matapos kong bumitiw sa paningin nya, agad kong nilingon si Vince.
Malungkot ang kanyang mga mata.
Sorry Vince dahil hindi ko pa kayang ibigay sayo lahat. You deserve a girl who is not trapped with her feelings.
"Thank you." Bulong ko sa kanya at agad hinalikan ang pisngi.
"Oh bakit parang gulat na gulat ka dyan?" Habang magkalapit pa ang mukha namin.
"Abby." Parang hindi sya makapaniwala sa ginawa ko.
"Thank you Vince." Ngiti ko sa kanya.
"Abby, totoo ba yan o gipit ka lang talaga?"
"Mag enjoy muna tayo Vince. Ikaw talaga."
Bumalik ako sa pwesto ko at diretsong nilaklak ang alak na nasa harap ko.
Tama na ang pagiging martir Abby. Tama na.
Natahimik ang lahat. Napagtanto ko na nawala si Daniel. OA ka bro! Para simpleng halik lang yun. Ikaw nga nanghahalik basta basta tapos paasahin mo lang yung hinalikan mo. Gago ka kase.
"Game na guys." Mukhang nag eenjoy na ako ah.
"Good job Abby. Okay go na." At inikot na ulit ni Shei ang bote. Dahil katatapos ko lang, hindi na pwedeng umulit ulit ako kaya hinayaan ko na lang sila.
At bigla akong nakaramdam na naiihi ako. Madami na din kase akong nainom.
Agad akong tumayo at nagpaalam kay Vince. Dahil bahay naman ito ni Daniel, alam ko ang CR dito. Teka, parang nasabi ko na un kanina. Sinabi ko ba ulit?
Hmmm. Patay na ang ilaw sa bandang kusina. Malapit pa naman dun ang CR. Ang dilim tuloy. Nakakatakot pero hindi ako duwag no. Binilisan ko na lang ang paglalakad para makarating agad sa CR.
"Shit." Bigla akong kinabahan. Isang anino ang naaaninag ko. Jusko. Ihing ihi na ako pero may multo.
Abot abot na ang kaba ko. At papalapit ang multo sa akin.
Hindi ako sisigaw. Kelangan kong kumalma. Unti unti na akong lumalakad pabalik. At nang tinangka ko ng tumakbo, nahigit ako ng multo!
"Wag!"
"Tss. Duwag." Ang boses nya. Agad ko syang nilingon. Si Daniel lang pala. Gago ka. Tinakot mo ako.
"Bitawan mo nga ako." Syempre bakit ko aaminin na natakot ako sa kanya.
"Ang tapang mo na ha."
"Ano bang pakialam mo?" Pinipikon ako nitong isang ito. Yung braso ko hawak pa rin nya. At take note, masakit ha.
"Tss. Pinapalaki na ni Vince ang ulo mo ha. I knew it. Masyado ka nyang iniispoiled."
"Pwede ba wag mong idamay si Vince dito. Wala syang kinalaman sa pag uugali ko. Ikaw ang may kasalanan nito!" Tutal, nagkaharap na naman kami ngayon, sulitin ko na rin ang panunumbat sa kanya. Hinintay ko ang sagot nya pero mukhang natameme ata ang lokong ito ah. Hahaha.
"Ano, guilty ka? Dapat lang. Ang kapal kapal kase ng mukha mo na paasahin ko tapos iiwan mo din pala ako sa ere. Ang hayop diba? Sobrang hayop. Walang kasing hay-.." Shit.
Hinahalikan nya ako. Shit!
Pinilit kong makawala sa kanya pero isinandal na nya ako sa pader para wala talaga akong lusot. Shit lang.
Inilihis ko ang mukha ko para mawala ang labi nya sa labi ko at napagtagumpayan ko naman.
"Walang hiya ka."
"Sa akin ka lang." At isang huling halik pa nya bago ako pinakawalan at umalis na.
Ako ang natameme sa ginawa nya.
Tama ba ung huling narinig kong sinabi nya?
May pag asa ba tayo Daniel?
Meron ba? Dahil kung meron, aasa ako ulit. Hihintayin kita. Hihintayin kong bumalik ka ulit sa akin!
Parang awa mo na Daniel.
At dito na ako nagbreakdown sa point na ito.
Hindi ko pa rin pala kayang itapon ang nararamdaman ko sayo.
Hindi pa rin pala dahil ikaw pa rin ang pipiliin ng puso ko. Ikaw pa rin kahit ang sakit sakit na.
"Abby?" Shit! Si Vince. Agad kong inayos ang sarili ko.
"Vince." At hinarap ko sya.
"Oh, akala ko iihi ka lang. Bakit natagalan ka na?"
"Ah. Eh." Nararamdaman kong nagdududa sya. Nagkasalubong kaya sila ni Daniel?
"Abby? May nangyari ba?" Naghihinala nga talaga sya. Hindi pwede.
"Ah, biglang sumakit kase ung tyan ko. Sobrang sakit. Baka may nakain akong hindi maganda. Tingin ko, uuwi na lang ako. Sobrang sakit kase."
Sorry Vince. Sorry sa pagsisinungaling.
"Sige, ihahatid na kita. Magpapaalam na ako sa kanila. Tara dun sa sala." At inalalayan ako ni Vince sa drama ko. Sorry talaga Vince.
Sorry dahil binigo na naman kita.
YOU ARE READING
Your One True Love Book 2
General FictionMust read first, Your One True Love Book 1