Chapter 8

16 0 0
                                    

I think I am going to like this entire sem with our subject. I am getting comfortable sa PE class namin. Everything is always fun. No room for stress.

And this time, magkatabi kami ni Vince. He made it clear na as long as walang seating arrangement sa class namin, he will be forever my seat mate.
So here he is, kinukulit ako kapag may pagkakataon sya.

"Babe." At ang loko may term of endearment pa.

"Babe mo mukha mo."

"Babe, uwi ka na sa bahay, di na ako galit." Sabay kindat ng loko kaya napatawa ako.

"Vince, manginig ka nga sa sinasabi mo." Biro ko.

"Babe naman. Sige na please, bawi ako sayo."

"Tigilan mo ko sa babe babe mo na yan ha."

"Babe naman eh. I love you." Gago talaga tong si Vince.

"Vince." At natigilan kami ng tawagin sya ni Daniel.

Napatingin naman kaming dalawa sa kanya.

"Oh Pare." Tugon ni Vince.

Pero naghintay kami sa wala. Wala namang kelangan si Daniel kay Vince pero kung matawag akala mo napakalaki ng kelangan.

"Tss. Selfish." Reaksyon ni Vince na ipinagtaka ko.

Bakit nya nasabi yun?

Pero I did not dug deeper.

Nagfocus na lang ako kay Maam PE.

As instructed since this is a PE class and our topic is about dances so we will going to dance again.

Nang sabihin ni Maam na magwarm up na ang magpartner, biglang nagningning ang mga mata ni Vince at ngiting ngiting humarap sa akin.

"Warm up!"

At excited talaga ang loko. Nangunguna sa paggalaw galaw.

Samantalang tamad na tamad tuloy ako kumilos kase super energetic nitong partner ko.

"Halika na." Yaya ni Vince pero di ako tumatayo.

"Abby." Pagtawag nya pero waepek pa rin sa akin.

"Ang kulit oh." At bigla akong hinatak ng loko kaya napasunod ako sa kanya and guess what, we end up in a very awkward position.

Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa and nakahawak ako sa dibdib nya.

Oh my geez.

I tried to escape pero mas hinigpitan ng loko ang pagkakahawak nya sa akin dahilan para manlaki ang mata ko.

"Daniel! Teka!" Natigil ang pagtitinginan namin dahil sa naging komosyon na hindi ko alam kung ano. Ang alam ko lang ay narinig ko ang pangalan nya at nakita ko syang papaalis. Si Daniel.

Agad na akong kumawala kay Vince.

Hindi ko alam ang nangyari kase nahook up ako kay Vince.

Napatingin ako sa kanya.

Bigla akong nahiya.

Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Naramdaman din siguro nya ang akwardness kaya sya ang unang bumitaw sa tinginan namin.

"Mr. De la Rosa might have a problem that is why he walks out on my class. But still, he should have tell me his reasons. Anyways, let's get moving class."

Your One True Love Book 2Where stories live. Discover now