AKO BA O SIYA

1.2K 14 2
                                    

Nandito ako pero parang wala
Sa dami kong nagawa pero anung napala?
Sakit ? At pighati tila aking nakamit
Pait ng katotohanang tilay kay sakit

Saan ako lulugar saan ako pupunta
Kung bawat kilos koy nakikita kita
Bakit siya bakit siya pa
Nandito ako pero parang wala

Laging wala, kasi wala naman talaga
Walang nagmamahal , walang nagpapahalaga
Kung papipiliin ka , ako ba o siya
tanga lang ng tanong ko dahil alam kong siya talaga

Siya na mahal mo , siya na pinili mo
Siya na mahalaga , siya na buhay mo
Ako na nandito pero binaliwala
pumapatak na ulan na ang tawag ko ay luha
Pasensya , pasensya na
pasensya kasi di ako ung gusto mo
Pasensya dahil hanggang dun lang kaya ko
Masakit pero kaya kayang pa

kaya pa dahil nandyan ka
Nandyan ka para sakanya
Ansaya diba?ang tanga
Ang tanga ko kasi hanggang dun lang pala

Diko man masabi pero bakit iba pa
Pwede naman na ako nalang diba?
Bulag ka ba?o sadyang di moko makita
Kasi nga para ka lang talagap sa kanya

BAKIT BA AKO NAGTATANONG
KUNG ALAM KO NAMAN NA ANG SAGOT
YUN UNG SYA UNG GUSTO MO AT HINDI AKO
HINDI AKO HINDI AKO

PASENSYA NA DI AKO PRETTY
DI KASING BAIT NI KUYA WILLIE
DI KASING TANGKAD NI PIA
AT DI GUSTO NG LAHAT TULAD NI LIZA

PERO ALAM MO YUNG GUSTO KITA
GISTO KITA DAHIL GUSTO KITA
WALANG RASON , WALANG TANONG
SUSULONG PABA O UURONG?

KAPAG NAWALA NA TO WAG KA NA PAPARAMDAM
DAHIL TANGING AKO NALANG ANG NAKAKAALAM
NA ITONG PUSO KO NASAYO NA
KAYA ITO NAHIHIRAPANG MAGPARAYA

MALALA NATO KAYA ITITIGIL KO NA
SIYA NAMAN GUSTO MO DIBA?
ANO BA AKO SAYO?ANO NAMAN PAKI MO
SAKIT SA ULO SAKIT SA PUSO

SABI KO WAG NA UMASA PERO DAHIL TANGA
AYUN UMASA ,UMAASA NA MAY PAGASA
PERO SIMULA NGAYON MAWAWALA NA
DAHIL SISIMULAN KO NG KALIMUTAN KA

Sa paglisan ko ay sanay masaya ka
Ang pagsuko ko ay para makalaya ka
Dahil alam ko na alam ko na
na nandito lang ako pero parang wala.

Unspeakable PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon