Break-up
"Hindi mo ba talaga naiintindihan?!. Hindi nga kita mahal at wala ka ng magagawa doon dahil ayaw ko sayo!" Hindi ko na kaya yung mga salitang binibitawan niya sakin. Mga salitang sumusugat sa puso ko
"Ba-bakit ba ayaw mo sakin?, ano ba yung kailangan kong gawin para magustuhan mo ang isang gaya ko?" Nanginginig kong tanong sakanya alam ko naman ang mga sagot niya sa mga tanong ko pero bakit ba gustong gusto ko pa rin itong marinig
"Dahil sa panget ka, hindi ang gaya mo ang mag papatibok ng puso ko. Yung gusto kong maging girlfriend ay yung babae na maganda, matalino, mayaman, at may boobs e ikaw? Matalino ka lang the rest wala na!" Tumulo ang luha ko sa mga narinig ko. Kailan pa ba naging sukatan sa pag-ibig ang pagiging maganda, mayaman, at may malaking boobs
Bakit ba napaka judgmental na ng mga tao ngayon
Bakit ba minahal kita
"Teka lang" Pag pigil ko sakanya dahil akmang aalis na siya
"Please wag mo akong iwan mag-isa dito. Gusto pa kitang kausapin...please" Pagmamaka-awa ko sakanya
"I.am.busy and pupuntahan ko pa yung mga babae na pasok sa standards ko. Okay" Inalis niya ang kamay ko sa braso niya na kinahagulgol ko
Ang tagal...
Sobrang tagal...
Hanggang sa...
"Cut!" Narinig ko ang malakas na palakpakan ng mga kagroup ko
"Ang galing mo talagang umarte Ivy. Best actress!" Pinusit ko yung sipon ko at nag punas na din ako ng mga luha ko sa pisngi. Mambobola
"Buti na lang at naging kagroup ka namin. Tayo na niyan yung may pinaka magandang project sa Arts!" Masayang sabi ni Paula na naka tingin sa phone niya habang nag chachat
"A...e... Thank you"Nahihiyang sabi ko. Ayaw ko kasing pinupuri ako sa mga ginagawa ko na fflattered kasi ako
"Ivy nag bblush ka!" Turo ni Lester sa muka ko. Bigla kong tinakpan yung muka ko ng panyo ko at tska yumuko nang biglang may umakbay sakin
"Ano ba wag niyo ngang puriin tong si Ivy baka lumaki yung ulo mahirap na" Si Alex pala. Hay eto na naman siya
"Hoy panget, flat chested ka pala hahaha" Bigla ko siyang nasapok
"E ano bang paki mo!" Sermon ko sakanya parang napahiya tuloy ako kasi nagsitawanan silang lahat lahat e
"Eto namang si panget beast mode agad, joke lang naman e may laman naman yan kahit paano diba?" Hinablot ko yung librong hawak hawak ng nerd kong kagroup na si Josh at pinagpapalo ito kay Alex
"Ano ba haha biro lang" Pag iwas niya sa bawata pag palo ko sakanya
"Hayop kang manyak ka, halika ka nga dito!" Nag habulan kami sa loob ng park kung saan kami nag shooting parang sa project namin sa Arts
Loko itong Alexander na ito
***
"Hoy bakit ka pala pumunta sa set?" Tanong ko habang naka tingin sa laptop
"Wala lang naisipan ko lang tignan yung mga pinanggawa mo tapos na din naman yung saamin e" Sabay subo sa cupcake na binake ni mama para samin
"Bes!!" Narinig ko ang mahinang pag ubo ni Alex ng magulat
"Ano?!" Tanong niya habang umiinom ng juice
"Si-si" kinikilig kong sabi
"Sino ba yan?" Tinignan niya yung laptop ko at tska imirap
"Si Jordan nag chat sakin!!!. Hello daw sabi!!" Sobrang saya ko it feels like I'm in heaven
"Oh ngayon?. Hindi ba fuckboy yan?" Inagaw niya bigla yung laptop ko at tska niya ito inistalk
"Ano ba. Hindi yan noh no girlfriend since birth yan kilala ko kaya yang si Jordan mabait yan at tska hindi gaya ng isa dyan lagi akong inaaway" Bigla niya akong tinignan ng masama
"What?" Pagmamaangan ko
"Anong sasabihin mo sakanya?" Tanong niya tska ngumuso sa screen
"Ano pa ba edi 'Hi' duuhhh ano pa ba" sarkastiko kong sabi
"E kung iblock mo para maiba naman" Inagaw ko yung laptop ko sakanya at tska siya inisnaban
"E kung sipain kita dyan. Once lang to oh ang kj mo talagang lalaki ka"
Typing...
Hi 😊
Sent...
"Tsk kapag ikaw nasaktan at umiyak dyan wag na wag kang lalapit sakin kundi bubugbugin ko yan" Protective naman masyado nito
"Oo na po"
BINABASA MO ANG
Best Friend [Complete]
Short StoryA shory story that makes you fall in love again •A flower knows, when its butterfly will return, and if the moon walks out, the sky will understand; but now it hurts, to watch you leave so soon, when I don't know, if you will ever come back•