Video
"Mom kinakabahan po ako" Nasa harapan kami ng isang kwarto kung saan nagpapahinga si Alex
"He'll be fine Vi, kilala mo naman si Lex he is a strong person" Bigla akong napaluha ng maalala ang sinapit niya
Jordan's POV
Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang malungkot. Kasama ko siya ngayon habang hinihintay namin na papasukin na kami ng doctor na inasikaso si Alex
Bigla kong naalala kung paano niya iniligtas ang buhay ko
Beep!!
Agad akong tumakbo papunta kay Ivy at itinulak siya at alam ko ilang segundo na lang ay masasagasaan na ako pero may biglang tumulak sakin
At sa sobrang lakas ng pag tulak niya ay tumama ang ulo ko sa may bato kaya agad akong nawalan ng malay
Pero bago ko ipinikit ang mga mata ko ay dinapo ko ang tingin ko kay Alex na naliligo sa sarili niyang dugo
Bakit mo ginawa yun
Dapat ako ang nasa kalagayan mo
Ganun mo ba talaga kamahal si Ivy?
Oo, alam ko. Hindi ako manhid para hindi maramdaman ang pag tingin mo sakanya. At aaminin ko, aaminin ko na madalas ay gusto ko siyang ilayo sayo
Dahil sa takot ako. Takot na takot akong dumating na lang bigla na mag babago ang lahat ng namamagitan samin ni Ivy
Takot ako na baka isang araw ay hindi na ako ang gusto niyang makita sa kanyang paggising
Takot na takot ako na baka dumating ang araw na makalimutan niya ang lahat ng pinag samahan naming dalawa
Ganun ko siya kamahal....
Sorry kung nagiging maka sarili ako pag dating sakanya
Pero ngayong nakita ko kung paano mo siya mahalin napag isip-isip ko na hindi ako nararapat para sakanya
Hindi niya kailangan ng gaya ko, ang gaya ko na napaka maka sarili
At ang isang gaya mo ang karapat dapat sakanya
Lumabas na ang doctor na kanina pa nagaayos kay Alex na hanggang ngayon ay naka ratay pa din sa kama niya
"Maaari na kayong pumasok" Pina una ko na silang mag ina at tska ko inalalayan si Vi na halatang kabado
Maging ako din kinakabahan sa kinahinatnan ni Alex
"Lex?" Nang banggitin ni Ivy ang ngalan niya nakaramdam ako ng kurot sa puso ko
"Lex... wake up... I need you... Sabay pa tyong ggraduate diba? You pro-promise me na sabay tyong mag hahanap ng trabaho" Hindi ko mapigilang masaktan sa mga sinasabi niya
I know this isn't the right time para mag selos but you can't blame me
Mahal ko siya eh
At nasasaktan ako kapag nakikita ko na nag aalala siya sa ibang tao
Especially kay Alex
"Vi...please calm down he will be ok" Pagpapakalma ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Best Friend [Complete]
Short StoryA shory story that makes you fall in love again •A flower knows, when its butterfly will return, and if the moon walks out, the sky will understand; but now it hurts, to watch you leave so soon, when I don't know, if you will ever come back•