Part 6

11 3 1
                                    

Dog

After naming mag sightseeing ni Jordan ay hinatid niya ako sa gate namin

"Nag enjoy ka ba sa naging date natin?" Tinitigan niya ako ng deretso habang inaabang ang isasagot ko

"Oo naman" Ngumiti ako ng konti

"Gusto kong mag prepare ka sa susunod nating date. Sorry kung hindi masyadong maganda. Gusto lang talaga kitang makita  at makasama" Bigla akong nakaramdam ng kilig sa sinabi niya. Kahit na hindi niya pinakikita ramdam ko ang pagka dismaya niya. Kaya naka yuko siya ngayon

"Ano ka ba, eto kaya yung pinaka masayang date!" Syempre first time ko to kaya dapat appreciated

"Talaga?" Inangat niya ang ulo niya para tignan ako

"Syempre, nag effort ka kaya. Andddd you made my day" Ngumiti siya at tska niya hinawakan ang kamay ko ng mahigpit

"I promise, hinding hindi kita sasaktan at bibiguin sa mga susunod nating dates. Babawi ako" Hinug ko siya para magpasalamat

"Thank you at dumating ka sa buhay ko. Wag mo akong iiwan"

"Ang sweet naman" Bigla naming kinalas ang pagkaka yakap namin sa isat-isa

"Alex, kanina ka pa ba?" Tanong ko sakanya. Bigla akong kinabahan ng makita ko siya

"Hindi naman." Hinila niya ako papunta sakanya. Hindi ko alam pero parang may kakaiba akong naramdaman ng hawakan niya ang kamay ko

"Bakit ngayon ka lang?"

"Ah. Hindi ko kasi napansin yung oras kaya medyo late na kong naka uwi. Wait bakit nandito ka pa sa bahay diba dapat naka uwi ka na din?" Balik ko sakanya

"Hinihintay kita. Nag aalala ako baka kung napano ka na, kung mawawala ka baka hindi ko kayanin" Napipi ako sa sinabi niya. Hindi naman siya ganito mag salita dati. Pero nakaramdam ako ng saya ng mapag alaman ko na nag aalala siya sakin

Ang sarap pala sa pakiramdam may mga taong nag aalala para sayo

"Ikaw, bakit hindi mo siya inuwi ng maaga" Tinignan ko si Jordan na naka crossed arms

"Medyo may kalayuan kasi yung place kaya ngayon ko lang siya naiuwi. But don't worry, hindi naman siya napano. Iningatan ko naman siya gaya ng sinabi mo" Ramdam ko ang init ng presensya sa kanilang dalawa habang nagkaka tinginan sila ng deretso

This is bad

"Hmm. Guys tara kain muna tayo bago kayo umuwi?" Anyaya ko sakanila

Tumango na lang yung dalawa. Papasok na sana kami ng gate ng may lumabas na aso sa loob ng bahay namin

"Bakit may aso sa loob ng bahay?" Tinignan ko si Alex

"Regalo ko sana sayo. Kaso mukang ayaw mo" Nilapitan lo yung aso na naka upo na ngayon sa daan

"Ano ba. Gusto ko kaya ng aso, ang cute niya" Tinignan ko silang dalawa na nasa harap pa din ng gate

Ng may...

Beep!!!

Bilang may liwanag na nag flash sa mata ko na dahilan para hindi ako makakita

"Ivy!" Sigaw nilang dalawa

Hanggang sa bumagsak ako sa sahig kasabay ng pagtulog ko

Best Friend [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon