Part 2

16 2 0
                                    

Fall in love

Isang linggo din kaming magka chat ni Jordan at mahigit ilang milyong tawa na at ngiti ang nagawa ko habang nag hihintay ng mga messages niya sakin

Ang bawat reply na hinihintay ko at bumubuo ng araw ko hindi na nga ako maka tulog dahil sa kakaisip ng mga napag usapan naming dalawa ng buong araw. Hindi na din ako sanay ng isang oras na hindi siya kachat dahil hinahanap hanap ko ang bawat pag pop-up ng pangalan niya sa screen ng phone ko

"Oh yung langaw papasok isara mo nga yang bunganga mo nakakahiya oh" Bigla akong natuhan ng marinig ko ang boses ni Alex na nag over night sa bahay

"Bakit hindi pa siya nag oonline. Masama ba yung pakiramdam niya?, busy ba siya?" Tanong ko

"Alam mo para kang tanga, sino bang mag oonline ng ganitong oras. Hindi mo ba nabasa yung sinabi niya na matutulog na siya? E mahigit tatlong oras palang yung nakakaraan oh tulog na yun" Tinignan ko yung oras sa screen ng phone ko 5:03 am na pala

"Ihhh pero na mimiss ko na siya e" Bakit pa kasi kailangang matulog ng tao

"Alam mo matulog ka na lang din muna ang lalim na ng eyebugs mo oh may laban ka pa naman sa lunes" Naalala ko bigla yung contest na sasalihan ko sa school ako pala yung representative ng grade 10

"Ay oo nga pala wala pa akong talent!" Bigla kong tinap yung google app para mag search ng magandang talent

"Hoy umayos ka nga dyan diba napag usapan na natin na tayong dalawa yung mag tatalent?, duet tayo diba?. Nakalimutan mo na naman kakachat sa lalaking yan" Naalala ko na noong nakaraang dalawang linggo pa pala namin napag-usapan yung tungkol sa talent ko

"Ahh oo nga pala hehe sorry nakalimutan ko"

"Ano ba naman yan lagi na lang. Last time nakalimutan mo na may family and friends gathering tayo tapos nakalimutan mo din na aalis tayo para manood ng favorite movie natin na last showing na tapos ito pa makakalimutan mo. Baka pati ako makalimutan mo na din dahil dyan sa Jordan na yan" Bigla akong napatingin sa phone ko ng mag vibrate ito

Password:

****

Bakit hindi ka pa tulog?

Seen

Typing...

"See hindi mo na ako pinapansin dahil sakanya" Naiirita na ko sa mga sinasabi niya

"Ano ba. Bakit naman kita ipagpapalit kay Jordan kaibigan kita diba? Bakit mo ba kinukumpara yung sarili ko sakanya?. Ganon ba kababa yung tingin mo sakin?,yung tipong ipagpapalit kita sa taong kachat lang?. Pwede ba Alex maging matured ka nga" Shit tama ba yung mga sinabi ko sakanya

"Ok fine alam ko na sorry" Shit nag tatampo siya what have I done akmang aalis na siya dahil naka tayo na siya pero agad ko siyang niyakap sa likod

"Sorry Alex, I didn't mean it. Sorry bes kung napapabayaan na kita sorry wag kang umalis please" Ramdam ko ang pag tulo ng luha ko sa pisngi ko hindi ko kaya na mawala sakin si Alex yung tao na naging best friend ko since birth

"Bakit kasi siya na lang lagi yung nakikita mo. Ang hirap kaya ako nga kasama mo pero siya naman yung nasa isip mo" That hits me

"Sorry na please"

" Ang sakit lang kasi, sana ako na lang yung phone mo kasi kapag wala yan hinahanap mo pero kapag ako naman na lagi mong kasama hindi mo pinapansin dahil sakanya"

"Alex sorry na"

"Wag mo nga akong yakapin kadiri ka pakasubsob mo paman din sakin yang hinaharap mo. Mahiya ka nga" Napangiti ako sa sinabi niya yehey ok na kami

"Basta wag na wag ka ng makakalimot" Humarap siya sakin

"Teka umiyak ka ba?" Tanong ko

"Hah? Hindi ako umiiyak baliw ka ba" Natatawa niyang sabi

"Haha basta ok na tayo, tara kain tayo ng cake sa baba" Yaya ko sakanya pero tinignan niya yung phone ko

"Hindi mo ba rereplayan yan?"

"Hindi, ikaw na muna yung aasikasuhin ko" Nakita ko na bahagya siyang ngumiti

Best Friend [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon