LEIGH'S POV
"Oy, Eto na yung favorite natin." Sabi ni aden habang hawak yung pagkain namin. Lunch ngayon at gutom na gutom na daw sya.
"Luh, Nang gagaya ka lang e." Patawa kong sabi.
Double Dutch Shake and Carbonara. Alam na alam niya yung favorite ko.
"Mind If I join?" Biglang pag sulpot ni Sabrina sa gitna namin ni Aden.
"Sige lang, There's still some space." Mabait na sagot ko.
"Thanks!" Plastic niyang sagot. Nag ngitian lang sila ni Aden.
Bago pa sila mag simulang mag-usap, I managed to say my goodbyes.
"Excuse me, Tapos na kong kumain and take your time talking." Sabi ko sa kanilang dalawa kahit di pa naman ako tapos kumain.
Tumayo na ko at nag-lakad palayo.
"Wait Karleigh, Can you please stay?" Paawang tanong ni Aden.
"No thanks. Besides, di ko naman diba kailangang sumama sa usapan niyo?" Sagot ko sabay lakad papalayo.
Habang naglalakad, nakita ko si Kaye, Adriana, Nicole and Shane. They looked worried.
"Nakita namin lahat ng nangyari." Panimula ni Kaye.
"Bakit ka umalis? Tss." Maarteng sabat ni Shane. Ang arte-arte talaga neto!
"It's their moment. Besides, I think it's best kung masolo ng bestfriend ko si Sab. Mabait ako noh!" Natatawa kong sabi. Kahit kunwari lang.
"Aish! Kunwari ka pa eh! Halata namang nag seselos ka! Hpmh!" Taas kilay na sabat ni Adriana.
"Bakit ba kase ayaw mo pa umamin sa kanya?" Tanong sakin ni Nicole.
"Aish! Pag sinabi ko sa kanya, mapapahiya lang ako! Si Sabrina yung gusto niya eh! Wala din yung pake kung aaminin ko lang baka masira pa yung matagal kong iningatan na friendship namin" Mataray kong sagot.
"Hpmh! Tara na nga dun sa lamesang yun!" Sabay turo ni Adriana sa bakanteng lamesa.
Kumakain na silang apat at ako naman ay suot- suot yung headset ko habang nagpapatugtog ng mga favorite kong music.
"Leigh, Ayaw mo talaga kumain?" Alalang tanog ni Shane.
"I already ate Shane" Mahinahong sagot ko kay Shane.
Pagkatapos nilang kumain, nag aya na sila na bumalik na sa class room.Magkakatabi kaming lima. Sa harap ko ang pwesto ni Aden. Pagbalik namin, wala pa sila Aden. Kahit naman malate yun walang mangyari dun kase sila may ari ng school nato e.
*KRRRIIINNGGG*
hudyat ng bell na nangangahulugang mag-sisimula na ang klase. Wala pa rin sila Aden.
"Good Morning Students!" Masayang bati samin ni Sir Benedict na Professor namin.
"Good Morning, Sir Benedict!" Masigla naming bati.
Hanggang ngayon wala pa rin sila Aden at Sabrina. Asan na kaya sila?.
At biglang......"Sorry that we're late sir". Biglang sulpot ni Aden kasama si Sabrina.
OMG. Totoo ba yong nakikita ko? Magka-holding hands sila ni Sabrina?
Dumeresto na sila sa upuan nila.
----------------------
"Leigh, Sama ka samin ni Sab?". Masiglang aya sakin ni Aden.
"No thanks. Date niyo yan diba? Kailangan pa bang kasama ko?". Sagot ko kay Aden.
"And she dont need to join us babe. We dont need her right?". Maarteng sagot ni Sabrina.
Oo. Maganda nga si sabrina, pero yung kaloob-looban niya, daig niya pa yung alagad ni satanas.
"Yeah your right Sabrina. Di ako kasali diyan sa landian niyo kase di naman ako malandi diba?". Bigla nalang yun lumabas sa bibig ko.
Di naman talaga ako maldita. Siguro nadaan lang sa selos.
Hawak ni Sabrina yung Coffee shake na binili nila sa starbucks.
"Oh really? So di ka pa malandi niyan?" Sabi niya sabay buhos nung shake sa damit ko.
"Good bye!" Sabi ko sabay talikod. At dahil nasa canteen kami, may nakita akong suka at plastic cups.
"By the way, Heres my thank you gift!" Sabay tapon ko sa kanya nung suka na nasa cup.
"HOW DARE YOU!" sabi niya na akmang sasampalin ako.
"Diba bagay naman sayo yung suka? Kasing asim ng ugali mo!" Sabi ko sa kanya habang pinigalan yung kamay niya na pasampal na sa mukha ko.
"Goodbye! Enjoy your date!" Sabi ko sabay alis.
Ako ba talaga to? Di naman kase ako pala away e.
"AUGH!" Sigaw ni Sab.
"Tapang ah!" Sabi ni Nicole habang magkakasama silang apat.
"Ganun talaga" Sabi ko sa kanila at sabay sabay na kami naglakad patungo ng gate.
"Unicorn Cafe tayo?" Pag-aaya ni Kaye.
"Sounds Great!" Pag sang ayon namin sa pag aaya ni kaye.
------------------------------------
Pagkatapos ng bonding namin, isa isa na kaming umuwi. Nag pasundo na rin ako sa driver namin.
"Bye na Shane ah!" Pag papaalam ko kay shane kase nakita ko na yung kotse namin. Pagbukas ko ng pinto bigla kong nakita si Aden. Pumasok na ko ng kotse.
"Uy Leigh. Bat ba nag away pa kayo ni sabrina?" Pag tatanong sakin ni Aden.
"Ikaw kasi eh! Panay ka aya sakin! Date niyo tas kasama ako? Ano yun Tea Party?" Sagot ko kay Aden.
"Oo nga pala, Girlfriend ko na si Sabrina" Si aden yon.
"Hmm. kay." Tipid kong sagot.
"Oo nga pala, Bespren bat sumama ka pa?" Mahinahon kong tanong kay Aden.
"Wala lang. Namimiss lang kita" Sagot sakin ni Aden.
"Nood tayo sine?" Pag aaya sakin ni Aden
"Gusto ko sana kaya lang parang babagsak na ko eh" Pahigab kong sagot.
"Tommorow pwede?" Aligagagang tanong ni Aden.
"Sige" Ngiting sabi ko kay Aden.
Pagkauwi namin hinatid niya ko sa may pintuan namin.
"Bukas ah!" Masayang tugon ni Aden.
"Promise!" Sabay pag taas ko ng kamay ko.
______________________
A/N:
Hey guys!! Di naman po talaga masama yung ugali ni leigh. Sadyang na puno lang po siya ng selos. Thank you for Reading!!Lovelots😘DONT FORGET TO VOTE!😘
YOU ARE READING
Falling For My Bestfriend
Fanfic"Ako nga pala ang sinayang mo." sabi ko at naglakad nang tuluyan palayo sa kanya. Ang hirap. Ang sakit pala kapag yung dati mong hinahabol ay may mahal ng iba at kung kailan sumuko ka na e tsaka niya lang naramdaman na mahal ka niya.