III

221 8 0
                                    

3: Bar

"Kamusta naman ang kasal?" Bati sakin ni Mommy pagkapasok ko nang bahay. Siguro nasilip niya na may humintong pulang sasakyan sa harap ng bahay.

"Okay lang naman. Hindi na po ako kakain." Sabi ko ng makita kong naglalapag siya ng pinagkainan sa lamesa.

"Okay, iniintay ko din daddy mo umuwi." Sabi niya. Tiningnan ko ang pagsandok niya ng kanin at ulam.

"Mom, alam mo naman na lalamig lang yang pagkain na yan. Dahil lagi ka naman iniindian ni daddy sa paguwi niya." Sabi ko, umupo na lang si mommy at umismid. Ilang beses na ginagawa ni daddy 'to sa kanya, i don't know kung part pa ba 'to ng mag asawa. Pero nakikita ko talaga kay mommy, kung gaano niya kamahal si daddy.

"Kelangan mo na ba magpahinga, hija?" Aniya. Umiling ako, kahit alam kong tinatawag na ko ng kama ko. Gusto ko ng mahiga, sakto malakas pa naman ulan sa labas.

"Diba gusto mo din 'tong Kare-Kare?" Sabi niya, habang sinasandukan ang plato ni daddy na mukhang akin na ngayon. Tumango ako, kumuha siya ng bagoong sa ref at naglagay sa plato ko.

"Mom, after po nitong dinner natin. Matulog na po kayo. May work pa po kayo bukas sa office diba?" Sabi ko habang sinasabayan kong kumain si mommy.

"Yeah, andami ko din aasikasuhin next week. Kaya baka paguwi mo, wala kami dito sa bahay." Sabi niya. Wala din kaming maid dito sa bahay. Masyadong malawak pagiisip ni mommy na baka magka affair between my Dad and our Maid, kaya its a big no.

"Uh, baka po sa condo ko muna ako umuwi mom. Besides, namimiss ko na ang kama ko don." Sabi ko. Tumango lang siya.

"But, pede ka naman umuwi dito tuwing weekends hija." Sabi niya.

"Alam ko naman, mom na wala kayo dito tuwing weekends. Time niyo yon ni Dad. So, baka wala din ako dito. Hayaan niyo na mom, dadalaw naman ako dito minsan." Sabi ko, at tinanguan niya lang ako.

Natapos kaming kumain na walang daddy na dumating. Pagpasok ko pa lang ng bahay, alam kong iindianin lang siya ni daddy. Yeah, maraming ginagawa sa opisina but alam naman niyang may dinner sila ni mom.

Pagkagising ko kaumagahan ay nakahanda na ang hapag kainan. Nakita ko ang mga niluto ni Mom. Umupo ako, at nagsimula ng kumain. Pagkatapos ay naligo at nagbihis papuntang condo.

"Buti naman naisipan mong umuwi sa condo mo." Sabi ni Yvonne sa kabilang linya.

"Yeah, tsaka ayoko sa bahay. Maririnig ko lang mga away nila Mom and Dad. Kaya nga ako bumukod diba?" Sabi ko. Bumaba na ako ng kotse at nagelevator papunta sa unit.

"So, kelan ulit tayo lalabas?" Tanong ni Yvonne. Habang binubuksan ko ang pintuan ng condo ko.

"Bukas? Sabi kasi ni Kevin tatawagan niya daw ako mamaya. O baka bar na naman yon." Sabi ko, tumawa si Yvonne sa kabilang linya.

"A hundred percent sure." Aniya. "Sasama ka sa kanya?" Dagdag niya.

"Yeah, why not. Ikaw, hindi ba? Wala naman ata don si Leo." Sabi ko. Natahimik ang kabilang linya na kanina daldal ng daldal. "Look, busy siya sa work niya. And im sure, kahit mag bar di niya maisisingit sa sched niya." Pagkumbinsi ko sa kanya.

"Yeah. I know." Sabi niya habang ako nililibot ang condo ko.

"So later?" Sabi ko. Matagal bago siya sumagot ng oo dahil di pa siya sure kung gusto ba niyang makita si Leo or what.

If We Fall InloveWhere stories live. Discover now