IV

155 6 6
                                    

IV: Guard



"Magkakilala kayo?" Tanong ni Kevin sakin. Tinignan ko si Kevin, tapos tingin ulit kay Jerome.



"Ha, hindi. Ako lang nakakakilala sa kanya. May nagkwento kasi sakin about sa kanya, matagal na yon." Sabi ko, alam ko palyado ako sa palusot kong yon. Eh malay ko ba? Tsaka dapat pala di ko na lang binanggit din pangalan ni Jerome na 'to.



Lumipas ang gabi na yon, na di ulit kinibo si Jerome. Problemado nga daw, dahil siguro kay Marielle? O baka naman hindi, baka about sa family.



"Hatid na kita?" Tanong ni Kevin.



"Nako, may kotse naman ako. Sige, ingat ka Kev. Thankyou ulit." Sabi ko, at bumeso kay Kevin at pumasok na ng kotse. Sumakto naman sa traffic ang lakas ng buhos ng ulan.



Hindi mawala sa isip ko yung pagkikita namin ni Jerome. Baka ano na iniisip non, na baka stalker niya ko or what. Hindi naman ata masyadong halata yung pagdadahilan ko na may alam ako sa kanya.



Kinabukasan, nagising ako na may text message na natanggap galing kay Mommy. Hindi ko pa napipindot yung message, alam ko about kay daddy agad ang laman nito.



Mommy,

Hija, dalaw ka naman sa office ko later.



Hindi na ko nagreply, kasi alam ko namang paguusapan lang namin ay si Daddy. Ang pag tataboy sa kanya ni Daddy, hinanakit niya kay Daddy etc. Tumayo ako at pumunta sa banyo para maligo at magayos na.



"Good morning Ma'am Abcde." Sabi ng mga empleyado namin. Ngumiti lang ako, may nakikita ako na bagong mukhang empleyado at nakatingin sakin, yung iba naman nagbu-bulong bulungan pa sa harap ko. Nang makarating ako sa office ni Mommy ay nakita ko agad siya na nakaupo sa swivel chair niya at sinalubong ako.



"Nagbreakfast ka na ba?" Tanong niya, humindi ako. Tinamad akong magluto sa condo kaninang umaga, dagdag pa yung malakas na buhos ng ulan na parang nagsasabi na matulog pa ko. Tinawag ni mommy ang secretary niya at pinautos ang breakfast naming dalawa.



"Hindi ko na po kayo nareplyan kanina, pasensya na po." Sabi ko. Umupo siya sa swivel chair niya, at pinapapabalik balik niya ito kaliwa't kanan.



"Okay lang, pinapunta kita dito kasi sabi ng daddy mo gusto ka niyang makausap." Sabi niya, hindi kami close ni daddy at malayo ang loob ko sa kanya. Dahil na din siguro sa relasyon na meron sila ni Mommy na kinamulatan ko, kaya lumayo loob ko sa kanya.



Ganto naman lagi, pag may papagawa si Daddy o may ipapasabi, si Mommy magsasabi sakin. Siguro alam na din ni daddy kung bakit ako malayo sa kanya.



"Bakit? About saan daw?" Tanong ko.



"Walang nasabi ang daddy mo, after mong magbreakfast puntahan mo na lang." Sabi niya, at tumango lang ako. Dumating ang breakfast namin, at sinabayan ako ni Mommy. Nang lumaon ay pumunta ako kay Daddy. Wala akong idea kung bakit at ano, pero mukhang mahalaga kaya niya ako pinatawag.



Nang buksan ko ang isang malaking pintuan ay nadatnan ko si Daddy na may kausap sa telepono. Nang makita ako ay ibinaba ito, at uminom ng tubig habang ako ay papalapit sa kinaroroonan niya.



"Pinapatawag mo daw ako?" Tanong ko at tinanguan niya ako. Wala na akong pag galang sa kanya. Nasanay na ko na ganito siya kausapin, simula bata ako. Dahil na din siguro na close kami ni Mommy at irerespeto ko lang siya, kung magagawa niyang respetuhin si Mommy.



"Balita ko, nasa bar ka daw kagabi. At nung isang gabi at nagpakalasing ka. Nakaraan na buwan lang, nanira ka ng kotse ng isang customer na pinuntahan mo kasi wala lang. At nung nakaraan ay binato mo ng bato ang isan-"



"Wag mo na ituloy, alam ko na. So, bat mo nga ako pinapunta." Sabi ko, ibinaba niya ang folder na short na binasabasa niya kanina kung ano ang mga katarantaduhan na ginawa ko at tiningnan ako.



"Siguro mas okay na bantayan ka--- ay mali, pabantayan ka." Sabi niya, kumunot ang noo ko.



"What? Pabantayan? Hindi na ko bata!" Sa inis ko ay nasigawan ko siya.



"Hindi yun ang point ko, Abcde. Ang akin lang hangga't di ka pa nakukulong at makasira ng ibang gamit ng iba ay pababantayan kita, para maagapan. Alam mong nagiiba ang pagiisip mo, pag nakainom ka." Aniya, inirapan ko siya.



"Look, nakapag tapos na ko ng college. At kaya ko ng ihandle yang mga ganyan, Dad. Yung mga ginawa ko na yon last month, last na yon. Wala ng iba pa." Sabi ko, tinawanan niya lang ako.



"Simula pagkabata mo, yan ang sinasabi mo. Paulit ulit na last mo na yon, di na mauulit. Pero hindi, tuwing nauulit lalong lumalala." Sabi niya, kumukulo na ang dugo ko dahil di ko magets ang punto niya at kelangan ko pa nito.



"I'm sorry pero para din sayo 'to, Abcde." Sabi niya sabay ngiti. Ilang katok ang narinig ko sa pintuan at itinabi ni Daddy ang folder. "Come in." Sabi niya at umubo pa.



"I'm sorry Sir Ramos. Traffic po kasi." Aniya. Hindi man lang nalihis ang tingin ko sa lalaki na katabi ko, so what-- mahirap naman yan, hindi kagwapuhan, di malaki katawan at katulad ng mga guards ni Daddy.



"Its okay. By the way, this is my daughter- Abcde Ramos. And hija, this is Jerome Delos Santos, your driver, body guard and personal assistant."Sabi ni Dad, at napatingin ako sa katabi ko na mukhang hindi naman nagulat.




What the?

---
SHORT UPDATE MUNA GUYS! 😚

If We Fall InloveWhere stories live. Discover now