Eto na yung araw na ibibigay ko yung pinaghirapan kong Scrapbook. Kinakabahan ako. Iniisip ko kung anong oras ko ibibigay. Recess ba? Lunch ba? O Dismissal? Ano ba yaaan! Sa sobrang kaba ko, di ako makapag'isip ng ayos. Tsk!
*February 13 ng gabi*
Ang laki ng scrapbook, hindi kasya sa bag ko. Kamusta naman kasi yung bag ko? Paliitan kasi ng bag sa classroom eh, JOKE! HAHAHAHA! At eto na nga. Naghanap ako ng malaki'laking bag. Susko. Pagkabigay ko ng scrapbook ko nere eh, wala ng laman yung bag ko. XD Tengene. Bahala na nga! :D
*end. [flashback lang yun]
On the way na ko sa school. *tugtug. tugtug. tugtug.* susko. Yung dibdib ko, kumakabog! Haaaaaaaayy! Ayoko sa lahat kinakabahan ako! >.< Ohhhhhhhhhwwww Myyyyyy Ghaaaaaaaadd! Papasok na ko ng gate. Lakad, lakad, lakad, lakad. Okaay. Nandito na ko sa tambayan namin tuwing umaga. Aga pumasok ni Jen. Haha! Maya'maya dumating na si Mica. Gusto nilang tingnan yung scrapbook. Nilabas ko sa mahiwagang bag ko. XD Dami kong alam eh nu? Hahahaha! Nung nilabas ko na sa bag ko, tiningnan lang nila. Haha! Nakabalot na kasi. Wahahaha! Hindi na nila makikita yung nilalaman. Okay na din yun, para si Renz na lang yung makakakita ng buong scrapbook. Bell na! :) Medyo nawala na yung kaba ko, pero meron pa ding konting kaba. Ansaaaabeee? XD Nung Recess na, ayun... Pinatawag ko kay Mica si Renz. Kaso ayaw niyang lumapit. Nilakasan ko pa naman yung loob ko para iabot sa kanya yung gift ko. Tapos di lumapit?! DAFUQ! Ano baaaaa! Wala naaaa.. Nawala na yung lakas ng loob ko. Pinabigay ko na lang kay Sid. Tss! Nung time na yun, nasa classroom lang kami. Tapos niyaya ko si Mica at Jen na pumuntang Canteen. Kakagutom eh! >.< Helllloooo?! Ikaw kaya kabahan ng SOBRAAAAA! Paglabas namin ng classroom, sumigaw si Sid, "Eileeeeeen!!" Hindi ako lumingon kasi nandun siya sa may classroom nila Renz. Pero may kumalabit sakin. Errr! Ano ba?! Ayoko ngang lumingon diba?! Tss! Pero lumingon din ako nung may kumalabit sakin.......
O_____O <-- yan itsura ko.
"Salamat ah." si Renz?!
Tumango na lang ako. Hala? Ano nangyari sakin? Akala ko si Sid lang. Si Renz pala. =_=" Kakahiya. Garaaa! Nagpasalamat lang siya. Tinanggap ko yung pasasalamat niya kasi di pa naman niya nakikita yung gift ko eh. Tsk. Pagkatapos nun, kilig na kilig kaibigan ko. Susko! Mas kinilig pa sakin? Huwaw, ba't ba mas kinikilig ang kaibigan? Hahahahaha! Okaay. Tawa na lang ako tawa sa nangyari. Hahahaha! Nung Lunch na, naghihintay ako ng sign na makikipagbalikan na siya.. Pero wala? Bakit ganun? Siguro hindi pa niya nakikita.
Nung uwian na.... Gustong'gusto ko ng umuwi. Para malaman kung may sasabihin ba si Renz sa ginawa ko. Pero nakasalubong ko yung bestfriend ko na kaklase niya. Tinanong ko kung may nakita siyang scrapbook? Oo daw. Lahat daw yata ng HOPE nakita yung ginawa ko. O_____O Haaaaaaaa?!!!! LAHAT ng kaklase niya? Tss! Nanlumo ako. :"/ NAKAKAHIYA KAYA! Susko. Tama bang ipakita sa lahat yung ginawa ko?! Eww! Nakakahiya talaga. Nagtanong'tanong ako sa ibang kaklase niya kung nakita ba nila yung ginawa ko.. Oo daw. Nahihiya ako. :( Bakit ganun.. :/ Tsk. Nagtanong pa ko sa iba, hindi naman daw nila nakita. Huh? Ang gulo naman? Akala ko ba nakita ng lahat? Di naman pala eh! >.< Buti na lang. Yung iba lang daw nakakita. Yung Row lang daw ni Renz ang mga nakakita. Haay. Sana nga. Okaaaay. Uwi na ko. Baka may magandang resulta naman sa ginawa ko sa pag'uwi ko eh? On the way na sa bahay. At sa wakas! Nakauwi na ko. Nagmumuni'muni sa nangyari ngayong araw. :/ Bakit ganun? Nag'online agad ako, pero hanggang "SALAMAT" lang talaga yung kayang sabihin ni Renz. Okay pooooo. Wala na talaga. Wala na talagang PAG'ASA. :(
Eto yata yung pinaka malungkot kong araw sa buong buhay ko! TT^TT Umiyak na lang ako ng umiyak sa kwarto. Nagsisisi ako na bakit gumawa pa ko ng sCRAPbook. Tapos eh, ganun lang? Bakit kasi tinapos ko pa yung scrapbook na yun. Sana pala lahat ng ginastos ko, pinangkain at pinanggala ko na lang with my BESTFRIENDS! REAL BESTFRIENDs! TSK! >.<
Siguro time na talaga para magmove on. Time na para makalimot. Pero mahirap. TT^TT Kahit masakit, sige. Oo na lang. ACCEPTANCE na lang. :/
--
Read. Kahit wag niyo ng iVOTE. :)
BINABASA MO ANG
A PROMISE must NEVER be BROKEN. [Completed]
عاطفيةNaranasan mo na bang paasahin dahil sa isang pangako na hindi naman niya tinupad? Naranasan mo na bang magpakatanga sa isang taong wala namang pakialam sa nararamdaman mo? Naranasan mo na bang umiyak gabi'gabi dahil naaalala mo yung mga masasayang a...