Part21: Last Day of School..
Wala. Normal na araw lang. Hindi masaya kasi magkakahiwa'hiwalay na kaming CHARISTARS. :L Haaayy. Bakit kaya ang bilis ng araw? Parang kailan lang, nag'ngingitian lang kami tapos naging magkakagrupo sa isang activity tapos nagiging close tapos sama'sama sa kalokohan. Haysus. Bakit nga ba ganun kabilis?
Eto, program lang. Kung san'san kami napa'upo. Pero syempre, never yata kaming nagkahiwalay nila Jen at Micha. Hahaha! Magkakatabi na naman kami. Harutan, chikahan, picture'picture. Tapos parang walang saya. Normal lang talaga. Nung uwian na, as usual! May mga nag'iiyakan. Hahaha. Pero ako, hindi ako naiiyak. May dapat bang iyakan? Eh magkikita pa naman.
At eto, nagpapaalam na sila. Yakap, yakap, yakap. Haynakow. May hinihintay akong magpaalam. Si Renz, malamang. Muntanga lang ako eh nu? Assuming ako. I'm expecting too much. :( Tsk. Pero wala. Okay. Fine. Tapos...
Nakita ko si Anthony. Nagpapaalam sa bestfriends ko. Ewww. Awkward. Hirap ng ganito. Akala ko magpapaalam din siya sakin kasi parang palapit na siya. Kaso lumayo ako. Ayokong lumapit siya sakin. Ayoko. Nakakailang eh.
Nung lumabas na kami ng school, may plano na pumunta kila Jen. Kasi last day naman na. Sabi ko, hindi ako pupunta. Wala ako sa mood. Nakakatamad. Mas gusto ko talagang nasa bahay lang ako. Pero parang bigla kong naisip na mag'bonding na lang kami ni Rizza. Minsan kasi, feeling ko may pagkukulang ako sa bestfriend ko. Parang feeling ko, wala na kong time para sa kanya. Pero sa totoo lang, lagi naman kami magkasama nun. Lagi kaming sabay umuwi. Lagi siyang pumupunta sa bahay. Basta wala yatang araw na hindi kami magkasama nun. Hahaha! Gusto ko kasi laging FAIR. Gusto ko may time ako sa mga kaibigan ko. Gusto ko magkakasundo sila. Pero minsan talaga, merong bagay na hindi mapagkaintindihan.
So, ayun nga. Sabi ko kay Rizza mag'gala kami ng kaming dalawa lang. Pumayag siya. Dumaan muna kami sa bahay nila tapos nagbihis siya tapos pumunta na kami sa bahay. Pero nung pag'uwi ko, hindi ako pinayagan ng mama ko na magpunta kung saan. Okay. Kung hindi pwede, edi hindi. Tss. Nagsermon ng nagsermon mama ko. Naiwan ko si Rizza sa sala namin habang nagsesermon mama ko. Tapos, tinawag ko si Rizza kasi nasa kwarto ko. Tumambay lang kami maghapon sa kwarto ko. Picture lang kami ng picture. Kahit medyo boring, masaya kami. Masaya kami kahit kami lang dalawa magkasama. Tapos bago siya umuwi, nag'bike kami kung san'san. Basta, kahit ganun lang yung bonding naming dalawa, okay na. At least, sumaya ko kahit papano. :')
---
Wala lang to.
Pampahaba lang ng istorya. XD
Read and Vote? :))
BINABASA MO ANG
A PROMISE must NEVER be BROKEN. [Completed]
RomanceNaranasan mo na bang paasahin dahil sa isang pangako na hindi naman niya tinupad? Naranasan mo na bang magpakatanga sa isang taong wala namang pakialam sa nararamdaman mo? Naranasan mo na bang umiyak gabi'gabi dahil naaalala mo yung mga masasayang a...