Part20: Let's Pretend Baby!

213 0 0
                                    

Natapos ang valentines ng wala man lang magandang nangyari. Hindi kasi ako nadadala eh. Ilang beses na nga akong ni'reject, asa pa din ako ng asa. Tss. Bakit ba kasi nakilala pa kita Renz!?! Nahihirapan na ko, pero ayaw pang sumuko ng isip at puso ko. </3 Eww. Ang daming alam. Tssk. Ganito ba epekto ng rejected lagi? Down na down ako, tapos lalo pa kong dinaDown ni Renz. Sa bagay, wala naman akong karapatang sisihin siya sa nangyayari sakin ngayon. Ako may gusto neto eh. Masakit man pero ganun talaga. Nag'eexpect kasi ako ng SOBRA. Haaaaay. Parang ayoko na talagang mabuhay! Ayoko ng sikatan pa ng araw! Ayoko na! :(

*March na. 

Kamusta naman ako? :L Okay lang ako. Nagpe'pretend ako na okay ako. Kunwari nakamove on na ko. Kunwari wala na kong paki. Kunwari masaya na ko. Kunwari lang lahat. Mas maayos na siguro yung ganito.. Kesa yung nagdadrama ako araw'araw sa wala. Haayy.

Few days after.. 

May nakakachat akong kaklase ko na lalaki. Close kami sa chat, pero pag sa school na, walang pansinan. Haha. Pero okay lang. Wala naman akong pakialam sa kanya eh. We're just FRIENDS. FRIENDS sa chat. Lol :D Pangalan nga pala niya, Anthony. May pagkayabang, pasaway, di marunong makinig! Basta, siya yung pinaka nakakainis sa classroom. -_-" TSK! Kahit anong saway, di sumusunod! Pero...

Habang tumatagal, nagiging close kami lalo. Kahit sa chat lang. Habang tumatagal, parang nagkakaroon na ng something. Alam mo na? Yung something na may pagtitinginan. Pero FYI, Wala akong pagtingin sa kanya! Baka siya, meron? Friends lang talaga. Ayoko na magkaroon pa ng relationship. Nakakasawa! Ewan. Parang lang naman eh. Hahahaha! Hinuhuli ko nga si Anthony eh, kung meron nga ba siyang something sakin. Pero ewan. Suplado. Kunwari, wala siyang pakialam. Tss. Edi wag siyang umamin! Arte niya! -_-" Pero ramdam ko eh. Ramdam kong may something. Haha! Lakas ko makaramdam noh? Minsan, tinatabihan ko si Anthony. Wala lang, mapang'inis din kasi ko eh. Hahaha! Meron pa ngang time na, hindi siya lumabas ng classroom nung recess. Eh madalas, hindi talaga ko lumalabas ng classroom. Hahaha! Umupo ako sa may bakanteng upuan sa likod niya. Tapos busy siya. Hahaha! Ayaw niya akong pansinin. Lol :D okaaay. I dont care! Wahahahaha.

March 9, 2012* 

Nung araw na yan, nakaamin na si Anthony na mahal niya daw ako. Kunwari, mahal ko din siya kahit hindi. Hahaha!

Nag'gala kami sa bahay ni Jen. Sumama ako para sa kanya. Haay. Kahit labag sa kalooban ko, sige na lang. Sabi kasi ng mga kaklase ko, baka daw ako yung makapagpatino kay Anthony. Kung manligaw man daw, pumayag daw ako. Errrr! Ano 'to? Laro? Tss. Bahala na. At ayun nga, nagpunta kami sa bahay ng bestfriend ko. Sumama pa din ako, kahit medyo masama pakiramdam ko nun. Nagbabasketball yung iba kong kaklase. Tapos lumayo muna ko, kasi nasusuka ko. Masama talaga pakiramdam ko nun eh. Umupo ako sa isang semento. Tapos sa gilid, may mga damo. Haha. Okay langss. Papahinga lang muna kow. Maya'maya pinuntahan na ko ni Anthony. Tapos tinabihan niya ko. Tahimik lang kami. Sobrang tahimik namin. Hindi kami nagsasalita. :L SPEECHLESS! :/

As usual, yung mga echosera/echosero kong mga kaklase isa'isa sumilip samin. Mga adik lang? Kailangan talaga, isa'isa? Hahahahaha! Natatawa tuloy ako habang sumisilip sila. :D Sa totoo lang, gusto kong gawin to para sa mga kaklase ko. Para na din kay Anthony, para tumino kahit papano. :/ Sana magawa ko kahit hindi ko naman mahal si Anthony.

March 9, 2012 Evening** 

Magkachat kami ni Anthony. Magtataka pa ba ko? Araw'araw naman kaming magka'chat neto. Tss! Nag'uutuan kami. Haaayy. Ang hirap din pala ng ganito? Yung nagpepretend ka na mahal mo yung isang tao kahit hindi. Tsk. Nevermind. Tinatanong ako ni Anthony, kapag daw ba niligawan niya ko kelan ko daw siya sasagutin. It depends kako. Maya'maya, nagchachat na yung kaibigan ni Anthony. Wag niyo ng kilalanin. XD HAHAHA.

Eto yung chat namin ng kaibigan ni Anthony: 

Kaibigan: kelan mo ba sasagutin si anthony? 

Ako: nanliligaw ba? :D 

Kaibigan: Ano bang panliligaw gusto mo? 

Ako: Ah, nanliligaw pala? Buti ka pa alam mo, ako hindi. Haha :D 

Kaibigan: Ganito kasi yan Eileen... 

Ako: Ano? 

Kaibigan: Di pa kasi bihasa si Anthony dyan. :D 

Ako: HAHAHAHA! Halata nga. :D

CUT! Yun na lang. Haha. Ayus na yun!

(NOTE: Hindi po ako malandi. Gusto ko lang mapatino si Anthony. Gusto ko lang makatulong kahit papano. Yun lang.)

March 10, 2012 ** 

Kami na ni Anthony. Lalo akong nayamot. Tss! Hindi ko naman kasi mahal eh. Ayoko ng ganito. Pero wala na eh, pinasok ko na tong gulong to. Kaya dapat, kayanin ko. Tsk.

Lahat yata ng kaibigan ko, chinachat ko nung gabing yun. Sinabi ko sa kanila na para lang sa section ko yun! Para lang kay Anthony. Para mapasaya ko naman si Anthony. Sanay naman ako ng ganito. Mas gusto kong may napapasaya ko, kesa sarili ko yung pilitin kong maging masaya. Diba? :L

Kamusta naman yung relationship namin ni Anthony? Ayun. Masaya sana kung mahal ko eh. Kaso hindi. Ang hirap magpretend. Tss! Madalas akong nagiging COLD sa kanya. Kunwari, di ko ramdam yung pagmamahal niya. Pero sa totoo lang, ramdam ko yung sobrang pagmamahal niya. Kaso wala lang sakin. Wala akong pakialam kasi di ko naman mahal. Mahirap kasing pilitin diba? Maraming beses na kaming nagkalabuan ni Anthony, kasi minsan nakokonsensya ko sa ginagawa ko sa kanya. Niloloko ko lang siya pati sarili ko. :L Alam niyo ba yung feeling na, hanggang ngayon mahal na mahal ko pa din si Renz. Tuwing hahawakan nga ni Anthony kamay ko, lumalayo ako. Kasi nagpromise ako sa sarili ko na si Renz lang yung huling makakaholding hands ko na boyfriend ko. Pero na'break ko yung promise ko na yun sa sarili ko. TT^TT wala eh. Di talaga maiiwasan na di mahawakan yung kamay diba? Haaayy. Ang babaw ko nu? Kamay lang eh. Kahit Holding hands lang yun, importante sakin. Kasi si Renz yung FIRST! FIRST na naghatid sakin, FIRST na nakaholding hands ko, FIRST na napakilala ako sa family niya. Basta FIRST! Haayy. Nakakapagod na.

Nung malapit ng mag'end ang school year, madalas akong umiyak. Araw'araw namamaga mata ko. Araw'araw na humahagulgol ako sa classroom. Ang bigat bigat ng dinadala kong sama ng loob. :L Hindi ko ma'explain yung sakit. Sobrang sakit pa rin. :'( <////3

Nung Lunch namin, magkasama kami ni Rizza. Bestfriend kong bigo din sa pag'ibig. Tss! Kumain kami ng Siomai. Favorite eh! Hahaha. Tahimik lang ako habang kumakain. Tapos nagyaya na ko sa school. Pumasok agad ako ng classroom. Sinalubong ako ni Henry, tapos nagkwento about kay Renz. Sabi niya, nakalaro daw niya sa isang game si Renz. Ang pangalan daw ni Renz sa game, "-_Eileen12_-" :'( Naaalala ko pa yun! May tinag siya sakin na ganun. Pagkatapos magkwento ni Henry, yumuko ako sa desk ko. Umiyak ng umiyak. TT^TT Nung dumating na yung iba ko pang bestfriends, nagtanong na sila. Ano daw bang problema? Ano daw bang nangyari? Bakit daw ako umiiyak? Tapos ang hula nila, Baka daw nahihirapan na ko sa sitwasyon ko. Nakikinig lang ako sa kanila. Habang pinapatahan nila ko. Tumigil din ako sa pag'iyak. Tumulala sa bintana. O_O Tanong pa din sila ng tanong kung anong problema.. Di ako makapag'salita kahit gustong'gusto kong mag'explain. Walang lumalabas na boses kapag gusto kong magsalita. Kapag magsasalita ako, naiiyak lang ako. TT^TT

Malapit ng mag'end ang school year.. Break na kami ni Anthony. Tapos naman na yung kailangan kong gawin. Okay na yun. Sobrang hirap na ko eh.

---- 

WTF :D 

Read and Vote po? :')

A PROMISE must NEVER be BROKEN. [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon