Nakauwi na ko, I mean kami pala. Araw araw kasi nila akong binabantayan palit palitan sila. Kaya kung makakalabas na ko kapag kaya ko na,bibilhan ko sila ng pagkain. Ingina alam kong mga patay gutom 'to. Kaya wasak wallet ko nito, pero utang na loob ko din yun eh.
"Seungkwan paki abot nga yung phone ko" sabi ko.
"A.. ah e.. eto kabs" sabi nya at ngumiti.
Ito, nararamdaman ko kakaiba eh. Bakit parang may tinatago sila na hindi ko dapat malaman? Kasi lahat sila parang pare parehas yung actions ngayon. Pinipilit ko namang mag pakatatag eh kahit sobrang sakit na malaman wala na si Jisoo. Takot ba sila na baka depress ako dahil doon at mag suicide? Nah hinding hindi ko yun gagawin. Nangako nga ako ksy Jisoo eh diba? Aalagaan ko tong puso nya kahit na anong mangyari. Ayokong nag sakripisyo lang sya sa wala.
"Kabs u..umiiyak ka?" tanong ni Seungkwan napahawak ako sa pisngi ko. Kingina umiiyak nga ako.
"Ay wala to! hahaha pinagpawisan lang eyeballs ko" pag papalusot ko.
"Pinag papawisan eyeballs mo? Ano yan? Nag wowork out?" umiling iling nalang ako sa sinabi ni Minghao.
"Hello?" napatingin naman ako kay Mingyu na may kausap sa phone.
"Joshua Hyung?"
"Oh kamusta ka na?"
"Ha? Kelan?"
"Sa sabado, bakit anong gagawin?"
"Ah sige sige pupunta kami ni Seoks"
Joshua?
"Sino yan Gyu? Si Jisoo ba yan?" kumunot noo naman si Mingyu.
"J..jisoo? Hindi n.. no si J..joshua Alvarez yung pinsan natin" napatango nalang ako.
Sabagay bakit magiging si Jisoo yon? Eh wala na si Jisoo.
Hays umasa nanaman ako.
BINABASA MO ANG
calls • seoksoo
Short Story❛❛ Hi andyan po ba yung ka poreber ko? hinihintay ko po sya sa sogo hotel ❜❜ ❛❛ what the ❜❜ [kabaklaan series #2]