Eunix's Pov
Mabilis na tumakbo ang oras at break time na, nauna na akong bumaba para magkape lang dahil may gagawin lang daw si Riri.
“Hello!!! ” agad akong napangiti sa pinagmulan ng matinis na boses, may idea na agad akong kung sino 'yon kaya hindi na ako nag-abala pang lumingon at nagpatuloy lang sa pag-inom ng mainit na kape sa cafeteria ng school. “'Nyare 'te? Deadma ka na ngayon ha? ” nagtatampo kunyaring sabi niya, umupo siya sa harap ko at agad naman akong nag-angat ng tingin. “Sinabi ko bang maupo ka? ” umismid lang siya sa akin at kinuha ang iniinom kong kape at umastang iinom doon kaya tinignan ko siya ng masama. “Anoooo? Damot mo rin eh 'no?! Kung ibuhos ko kaya sa'yo 'to? ” 'di ko pinansin ang sinabi niya at mas sinamaan pa rin ng tingin na parang wala lang naman sa kanya, ibinalik niya ang paningin sa hawak na mug at maarte niyang ininom ang laman nito at ibinalik agad sa akin “Ano ba naman 'yaaaan! Ang tapang masyado! ” reklamo niya habang nanlalaki ang mga mata.Ang OA lang talaga neto, siya na nga lang nakikiinom tsk
“Anong tingin naman 'yan! Baka makabuo na ng tulay 'yang kilay mo sa sobrang salubong aba 'te, ready akong tawirin 'yan! ” nanlalaki pa ring matang reklamo niya habang itinuturo 'yong mga kilay ko, palibhasa eh laging on fleek ang kilay, kilay is life ika nga niya. “Alam mo, ang gara mo rin eh 'no? Ang ingay ingay ingay ingay mo! Baka kailangan mo pa ng microphone? ” asar kong sabi at tumayo ng bahagya para pitikin sa noo. “Dubolyutiech!!!!!! As in What The Hell! Ano baaaa! ” sigaw niya dahilan para magtatakbo ako at tumawa nang malakas habang hahabol-habol siya sa akin “Lintek lang ang walang ganti Eunix!!!” nanggagalaiti niyang sigaw at tumakbo, agad akong tumalikod para tumakbo at hindi niya maabutan dahil alam kong tatadtadin talaga ako ng bruhang 'yon ng biglang tumama ako sa kung saan...
kung saan...
kung saan?
kinapa ko ang nabangga ko at hindi agad nag-angat ng tingin dahil may nakita akong dalawang pares ng paa at nakapa ko ang ilang bahagi ng katawan niya
sheez... hindi kung saan...
kung kanino...
sino 'to? Nadale na
“Miss are you okay?” napatango ako ng ilang beses, nakayuko pa rin, nahihiya ako at wala akong balak mag-angat ng tingin hangga't 'di siya umaalis sa harap ko
eto na naman siya (╥_╥)
“Miss, tell me... ”
“Ay! Bongga ka 'te! Pinitik mo lang ako sa noo may lovelife ka na! Inggit ako 'te! Bakla ka!” sigaw ni Riri mula sa likuran ko na hinihingal kakahabol na akala mo naman sobrang layo ng itinakbo paano ba naman napakataas ng heels. “Miss? ” muling tawag ng lalaki, malaki ang boses neto at kahit medyo malaki ang agwat ng height namin at nakatapat ang ulo ko sa dibdib niya naamoy ko ang bango ng hininga niya
Tell me what to doooo?!
“Haynako Mr. ayos lang siya ano ka ba? Ano ba naman 'yong mabangga ka sa hmmm—” umakbay si Riri sa akin at napisil ng bahagya ang balikat ko ng putulin ang sinasabi niya at inamoy itong katapat ko, nababaliw na talaga siya, “So ayun nga, walang kaso sa kanya 'yon— teka! Classmate ka namin diba?! Ohemji ohemjiiii! Oo ngaaa! Am I right or you are left!?” alam kong naghi-hysterical na naman 'tong kaibigan ko at nanlalaki ang mga mata at kahit hindi ko tignan ang kaharap eh alam ko na ang hitsura niya dahil siya lang naman 'yong ikinukwento sa akin maghapon netong kaibigan ko na kesyo gwapo daw, mabait, mabango etc na kaklase namin, akala mo naman eh ganoon na lang kapangit ang mga kaklase namin para idescribe itong lalaki ng ganoon. a
Nangangalay na batok ko for heaven's sakeee, come on Riri aaaah
“A-ah, yeah, hi? I'm Brix Alvein Jeon, you can call me Brix. ” pagpapakilala nito at alam kong alam na 'yon ni Riri kahit nga ata age, address, favorite color favorite chuchu alam netong kaibigan ko, funny. “I thought I can call you mine, awww.” she said awfully but he just chuckled, kapal ng mukha din talaga kahit kailan, ako tuloy nahihiya eh “Ah, we're classmates, right?” tanong niya sa akin, napaatras naman ako ng kaunti dahil sa gulat at nag-angat ng tingin pero hindi pa rin itinama 'yon sa kanya instead I just looked at my wrist watch at malamang tinignan ang oras
mag-isip ka ngayon ng dahilan Eunix. ≧﹏≦
“A-ah... O-oo, yes, let's g-go? Our s-second subject will start n-na siguro...” utal kong sabi at nagpati-una ng maglakad nang mabilis papunta sa assigned classroom, pumasok agad ako ng makita kong dito nga talaga dahil nandito rin ang mga kaklase namin, 'yong iba bago at 'yong iba ka-schoolmate ko noong grade 10 at kaklase, umupo ako sa second row, pangalawa sa aisle, ayoko sa mismong aisle dahil mababangga't mababangga ako doon at ayokong mag-init ulo ko 'no.
Agad na nangunot ang noo ko ng makitang nakangiti sa akin si Brix kasunod si Riri na nakabusangot, agad naman siyang tumabi sa akin sa left dahil ayaw niya ring nababangga “Bakit ganyan kalukot mukha mo? Parang linamukos na papel. ” natatawa kong sabi at inihilamos ang kanang kamay ko sa mukha niya na nag-make face at bubulong bulong “Ano binubulong mo diyan?” taas kilay kong tanong sa kanya na tumingin lang sa gilid ko kaya tinignan ko rin iyon
Si Brix...
“Can I sit here Ms?” tinignan ko muna 'yong upuan at tumingin ulit sa kanya tsaka tumango ng tatlong beses at liningon agad si Riri
“What's the matter?” bulong ko kay Riri para 'di marinig ng iba
“Paano ba naman, suplado 'yan!” inginuso niya si Brix at ipinagkrus ang mga braso, natatawa naman ako sa mukha niya hindi maipinta.umiling na lang ako at palihim na sumulyap ka Brix na ngayon ay nakasandal sa upuan at...
wait...
tama ba 'yong nakita ko?
bakit ganoon 'yong pitik ng kamay niya?
“A-ah ehem” napansin niya ako at agad dumeretso ng upo't ipinagkrus ang mga braso gaya ng kay Riri kaya naisara ko naman agad 'yong bibig kong nakaawang na pala, nakakahiya pero...
“Staring is rude miss.” nag-smirk lang siya sa akin at kunit noong humarap sa board
Ayan na naman siya sa pa-miss miss niya nakooo
pero...
alam ko mga maarteng babae at bakla lang gumagawa ng ganoong gesture ehhindi kaya...
bakla siya?