Eunix's Pov
“Sandali nga! Ano bang problema mo sa akin Ms. Cruz? ” napangisi ako sa kanya at umayos ng upo, Philo namin ngayon kaya magkatabi kami, wala pa si miss baka daw malate ng 20 minutes. Tinignan ko siya at inilibot ang paningin sa buo niyang mukha.
Ang gwapo. Sayang talaga tsk tsk
“What!? ” singhal niya, medyo tumaas ang boses niya kaya nag-iwas ako ng tingin dahil nagtinginan ang iba naming classmate na malapit sa upuan namin. Iritang-irita na siguro 'to kasi pinagkakatitigan ko ang buong mukha niya. “Umamin ka nga sa akin Ms. Cruz! May gusto ka ba sa akin? Ha! I knew it! I knew it! But no girls for now, I need to prioritize my studies. Tsk. ” Aniya, makabintang naman 'to!? Yabang letse. Hahahaha kung alam niya lang talaga na nakakaamoy na ako ng paminta, ha! Baka 'di na siya makapag-yabang ng ganyan sa akin. “Tss, pambalat ka din eh 'no?! ” sabay irap at lingon sa kabilang side, tagal naman kasi ni Riri eh, wala tuloy akong makausap. (╥_╥) “Pamba- what!? ” naguguluhang tanong niya, mukhang konti na lang madedepress na 'tong baklang 'to sa akin eh, panay na ang sigaw kaka-meet lang namin kahapon paano pa kaya sa susunod eh halos 2 years kaming magiging classmates since blocking ang section for grade 12? mwehehe “What—e. ver. Para kang babae kung makasigaw sigaw, bakla ka ba?” I asked, sinubukan kong magmukhang biro 'yong tanong ko pero parang sineryoso niya kaya parang namutla naman siya at tsaka sumama ng tingin.
OooOooOh Kuyaaaa!
“Don't you ever question me 'coz I can prove who really am I. Right. Now! ” madiin niyang sabi, as if namang matatakot niya ako. Ngumisi ako sa kanya, 'yong malatek mwahaha. Pang-asar lang, bakit ba? hmf. “Let's talk later Mr. or Ms? At the parking lot. ” binigyan ko siya ng makahulugang tingin at sumama lalo ang tingin niya, bubuka na sana ang bibig niya para magsalita ng dumating si Jeid sumunod naman si Riri kaya tinalikuran ko siya at nakipagbatian sa dalawa. “Fine. ” tumaas lahat ng balahibo ko, goose bumps. Sobrang lapit niya sa batok ko at ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga
grrrrr what was that!!!?!
gusto ko siyang sigawan pero pa-good girl ang term ko dito sa school dahil malamang siyempre kay kuya.
“Hani, sabay ka ba sa amin ni Riri umuwi mamaya? Nakapagpaalam na siya. Tara, tambay naman tayo. ” malumanay na paanyaya ni Jeid sa akin habang tinutusok tusok ang pasta na in-order namin dahil break time na, and after ng philo eh sa Computer Programming na kami for 3 hours. Ano kayang nangyari kay Jeid ko? Ang tamlay niya kanina pa, baka nag-away sila ni Kayla. “Sure! Saan? You're place? o sa dati? ” excited na sabi ko at kung posible man magtwinkle ang mga mata ko siguro pwede ka na kumanta ng twinkle twinkle. Inginuso niya lang sa akin si Riri, pinsan niya si Jeid, third cousin pero close na close sila, kaya ko rin nakilala si Jeid noong grade 9. “Oy, mega, sa amin daw ba o sa tambayan? ” tanong ni Jeid kay Riri na medyo lutang kaya hindi niya narinig ang tanong. Ano bang nanyayari sa mga tao ngayooon! “Mega ka diyan!? Doon tayo sa tambayan! Miss ko na doon! ” napout siya at nang makitang tinatawanan siya ni Jeid ay inambahan niya ito, ako naman nakikitawa lang habang inuubos ang spag na inorder ko. Mega ang tawag ni Jeid sa kanya kasi daw parang naka-megaphone lagi hahaha.
Pumunta na kami sa computer lab at nakita ang bakla— I mean si Brix sa labas parang nahihintay ng himala kasi nakatingala habang nakapikit, ano ba 'to nag-dadasal? Dinadasalan ang pinto? (⊙o⊙)
“Bro! ” tawag ni Jeid kay Brix nagulat ako ng sa akin siya unang tumingin.
Mukha ba akong nakikipagbro-bro whatever sa kaniya?! Baka Girl! pwede pa!
lakad takbo ang ginawa namin para mahabol si Jeid na mabilis nakapunta kay Brix
Bromance.
“Yes? ” kunot-noong sagot ni Brix
psh feeling cool
“What are you doing here? ” nakangiting tanong ni Jeid, sinungitan ka na eh! Kaya kita gusto eh. I shook my head, kaya 'di ako makamove-on eh.
Bakit nga ba ako mag-momove-on? Naging kami ba? Minahal ko ba siya? Gusto ko lang naman siya...
“He's obviously waiting for me” malanding sabat ni Riri sabay angkla sa mga braso ni Brix na parang nandidiri namang tumingin dito. Ang arte ha. “You wish.” 'yon lang at pumasok na siya sa com lab. Nakanguso namang bumaling sa amin si Riri at sinenyasan kong mauna na at sumunod din naman agad ito. “Jeid— What's the matter?” nag-aalalang tanong ko, kanina pa kasi matamlay talaga. Ngumiti siya sa akin ng tipid at ginulo ang buhok ko. “Nothing. Literally nothing. She did nothing for me to stay with her, because even if I really wanted to, it's all up to her. I want to be with her but I think she doesn't love me anymore and here I am. Trying to accept things and go through with it. ” pahina ng pahina na sabi niya, nakita kong nangilid ang luha niya agad kong kinuha ang panyo ko sa bulsa at ipinunas sa mukha niya na agad nabasa ng luha. Ang sakit sakit lang na makita ang taong gusto mo na umiiyak.
Ako na lang Jeid, promise I won't leave you. I'll love you more than she did.
Yinakap niya ako kaya napatingkayad ako dahil nga matangkad siya, naramdaman kong yumugyog ang mga balikat niya at naririnig ko din ang mga hikbi niya. Napapahinto ang mga dumadaan at agad kong sinesenyasan na umalis in a polite way kaya sumunod agad sila. After a few minutes tumahan na siya at agad kumalas sa pagkakaykap sa akin, ang pula-pula na ng mata niya. “I don't know what to say but please, don't cry in front of me. I don't want to see you crying. I like you, very much. You know that? ” tinignan ko siya sa mga mata habang sinasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko, ayokong dumagdag sa isipin niya pero gusto kong mapagaan ang nararamdaman niya at 'yon lag ang intensyon ko. “This time, I'm serious. I really am. ” hinawakan ko ang mga kamay niya at seryosong tumingin sa mga mata niya na agad niya din iniwas. “P-pasok na tayo.” nauutal niyang sabi at nauna na maglakad papasok. Bumuntong hininga ako at umiling.
At least nagpakatotoo ako.
natapos ang klase at ramdam ang awkwardness sa aming dalawa ni Jeid. Pero kahit may pagkaka-ilangan sumama pa rin ako sa kanila sa tambayan. Nag commute lang kami papunta dahil malapit lang naman. Agad akong umupo sa bench at si Riri naman ay naglabas na ng camera niya at nagpicture-picture for instagram matters daw.  ̄﹏ ̄
Tumingin tingin ako sa paligid, nakapandekwatrong pambabae at sumandal na lang. Nakakamiss talaga dito. Ang tagal na din mula ng makapunta kami dito. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya napalingon agad ako at nagulat ng makita na si Jeid iyon, nakangiti pero makikitaan mo ng lungkot sa mga mata. “Are you going to help me? ” tanong niya, naguguluhan akong tumingin sa kaniya kaya nagbuga muna siya ng hangin at hinawakan ang mga kamay ko. Bumilis naman agad ang tibok ng puso ko. 'wag ngayon kiligin please. (ノД')
“To get rid of my feeling for her... ” pinisil pisil niya ang mga kamay ko at yumuko, “I know this is selfish but, I really hate this feeling at mananatili 'to hangga't siya pa rin ang gusto ko, please? ” nangingilid naman ang mga luha niya ganoon na din ako, alam kong ang tanga tanga lang pero yinakap ko siya at tumango habang hinahagod ang likod niya para tumahan dahil umiiyak na naman siya.
I'll make you fall for me Jeid.