Eunix's Pov
Pumasok na agad ang lecturer namin for Philosophy subject at ang magkabilang katabi ko eh seryosong seryoso, ako naman? Meh nvm
“So before I introduce Philosophy in this class, will you do it first here in front? Is that alright?” nakangiting tanong ni miss, bakit pa ba itinatanong 'yan eh automatically 'yon at 'yon talaga ang gagawin namin dahil first day of class
isa-isa na silang napakilala, sunod-sunod ang pagpapakilala mula first row hanggang last, natapos na agad 'yong first row at second na
“Ako na susunod beeeh! ” bulong sa akin ni Riri habang nagpapakilala 'yong katabi niyang lalaki na ang mukha eh parang animated, makinis, matangos ilong, brown ang mga mata at kissable ang lips, sa pangangatawan naman eh, masasabi kong well-built 'yon at matangkad siya, siya si Shawn Mendez. Joke lang ( ̄∀ ̄) Shawn Jeid Wen. Crush ko siya since grade 9, big hit dahil naging classmate ko siya ngayon
mwehehehe
“'te ako na! Wala man lang suporta kung makatitig kay Shawn eh 'no? Type na type? Gwapong gwapo? ” pang-aasar ni Riri sa akin at hindi agad ako nakapagreact dahil tumayos na siya sa harap at kumaway kaway na parang nangangandidato
May sapi talaga
“Pleasant morning to each and everyone! The name is Ri-anne Santos, 17 years of age! Again, Yeni Ri Santos, Riri for short or just ganda if ever you know... Let's be friends everyone! ” nagtawanan naman ang mga kaklase namin at nagpalakpakan, bumalik naman agad si Riri at akma naman na akong tatayo ng dinunggol niya ang kaliwang braso ko kaya napaupo ako ulit, inirapan ko lang siya at palihim na nag-dirty finger. Tumayo ako sa harapan at ginala ang paningin, lahat ng mata na sa akin, well, anticipating something from me. Bumuntong hininga ako at ngumiti, narinig ko naman silang nag-'awww' nakakahiya talaga kapag ngumingiti ako para akong sanggol na first time sa ganito't ganyan kaya napapaganoon sila
Tsk
Cute daw ako kapag nangiti kadalasan kasing blank lang mukha ko, eh kung sa ganoon eh alangan namang tumawa ako mag-isa o kaya ngumiti ng ngumiti diyan.
“Hi, Eunix Hani Cruz, 17, pleased to meet you all. ” dali-dali akong nagbow at bumalik sa pwesto, nagmakeface ako ng palihim kay Riri dahil nakangiti ito nang nakakaloko sa akin, sabi ko naman sa inyo eh, may sapi talaga.
“Brix Alvein Jeon, 17, you can call me Brix but not mine, thank you.” napailing naman ako habang tumatawa nang mahina at sinulyapan si Riri na nangangasim ang mukha dahil alam niyang siya ang pinaparinggan ni Brix sa salitang may diin. Hindi naman magkamayaw ang tili ng mga babae kong kaklase, gwapong gwapo ah... Sabagay matangos ilong, maliit at manipis na labi, maputi, matangkad, singkit na mata at higit sa lahat...
bakla
napangiwi ako sa naisip at itinuon na lang ang pansin sa nagpapakilalang mga kaklase, naubos ang oras ng klase sa pagpapakilala lang at pagpapakilala ng pahapyaw sa Philo, natapos na agad ang buong klase namin dahil hindi pa daw nakakapasok ang adviser namin namin na lalamunin sana ang tatlong oras namin. Nag-ayos na ako ng gamit ganoon din sila Riri at Brix, napalingon ako sa gawi ni Riri na nagh-hum at libang na libang sa pakikinig habang naka-earphone, napalingon naman ako kay Brix
hmmm maayos ang gamit, malinis ang bag pati ang paligid at...
pink na pouch?
sumulyap muna ako kung nakatingin ba siya at noong makunpirmang hindi pinagkatitigan kong maiigi kung pouch nga ba iyon at hindi ako nakakamali
so fetch huh
“What are you looking at?” halos mamilog ang bibig ko sa bilis ng kilos niya sa pagtatago ng pink na pouch na may lipstick? Well, bahagya kasing nakabukas at nakasilip 'yon kaya nakita ko. Tumaas ang gilid ng labi ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa, hindi ko alam pero hindi na ako naiilang sa kanya siguro dahil siyempre kafederasyon siya
hahahahahahahaha
natawa ako sa sariling naiisip, kumunot lang ang noo niya at bubuka na sana ang bibig ko para magsalita ng biglang mangalabit si Riri “Tara na?” nagmamadaling tanong niya at pinasiringan lang ng tingin si Brix na ngayon eh hindi mo alam kung magagalit ba o masusuper saiyan na, problema nun?
hahahaha, hindi naman ako chismosa pero lumalapit lang talaga ang balita
wala sa sariling napakibit balikat ako at tumalikod na sa kanya, wala na pa lang tao, nauna ng lumakad palabas si Riri at ng nasa pintuan na ako liningon ko ulit at
huli ka daga!!!!
huling huli ko kung paano siya umirap! Oo umirap! Sabi ko na nga ba!
Nanlaki ang mga mata niya ng makita akong naka-ngisi ng nakakaloko sa kanya at aaminin ko sa kanya ko lang iyon nagagawa maliban kay Riri na kabisado na ugali ko. Yinabangan niya ako kanina kaya bahala siya. Pinasadahan ko ulit siya ng tingin mula ulo hanggang paa at umikot ang paningin na animo'y diring diri a saka tuluyang lumabas ng room
kabadingan netong bading na 'to, pretend pa besh.
Mabilis akong naglakad papalapit kay Riri, nagmamadaling umuwi, strict parents eh, palibhasa mga businessman at woman. Nang makarating kami sa parking lot nagpaalamanan agad kaming dalawa at nagbeso, sumakay na siya sa kotseng sundo nito. Dumeretso naman ako sa part na pinagpaparking-an ni kuya, wala pa siya, pauwi pa lang siguro galing trabaho. Ganoon ang nakapagkasunduan namin since hindi pa ako pwedeng gumamit ng kotse, siya na muna maghahatid sundo sa akin, buti na lang at tumama sa schedule niya ang schedule ko.
Natanaw ko na ang kotse ni kuya matapos ng ilang minutong paghihintay, ang eleganteng tignan ng kotse at mukhang bago, astigin. Napansin ko naman ang lalaking papalapit sa akin,
lalaki?
napailing na lang ako at kinagat ang sariling labi para maiwasang mapansin niya na natatawa ako at pinagtitripan ko siya pero parang ganoon na nga. Pailalim siya kung tumitig sa akin na nangungunot ang noo. Bago pa siya makalapit sa akin, nakapark na si kuya at pinapapasok na ako.
“bitch!” sabi niya ayon sa pagkakabuka ng bibig niya dahil walang boses iyon, inirapan ko lang siya at mabilis na pumasok sa kotse at naupo sa passenger seat
bading bakla bayot bading bakla bayot bading bakla bayot
nagpaulit-ulit 'yon sa utak ko at parang liriko sa kanta na nakakabisado ko, pagkauwi ng bahay ay dumeretso ako sa kwarto at nagkulong
humanda ka sa akin bukas bayot...
napabuntong hininga ako at humiga ng patagilid sa kama, hindi pa nga ako nakakabihis eh. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako pero natutuwa ako kay Brix at gusto ko siyang pagtripan, siguro ay dahil nagpapanggap siya at ayaw ko sa mga taong ganoon and most especially ang yabang niya!
hah! Akala mo kung sinong gwapo eh mas babae pa nga ata sa akin 'yon! che!