Prolouge

2 1 0
                                    

Himala, kasalanan bang...  humingi ako sa langit ng isang himala

umupo ako sa ikalawang baitang ng hagdan at nagpahinga, nakaramdam agad ako ng pagod pero pilit kong hinahanap 'yong kumakanta kahit alam ko naman na kung sino 'yon.

Si Jeid...

Kasalanan bang humingi ako sa langit ng...

naalerto ako ng marinig ang boses na hinahanap ko sa likuran ko at hindi nga ako nagkamali, siya nga.

Isang himala... 

hinawi niya ang mga strand ng buhok na humaharang sa mukha ko at pinadausdos ang mga daliri sa aking baba. “Are you looking for me, sweetie? ” nakangiting tanong niya, nanunukso. Kung alam lang siguro neto kung gaano ko siya kagusto baka lumayo na 'to sa akin, pero who knows? 'Di ko pa naman nasusubukan sa loob ng mahigit dalawang taon na sabihin man lang sa kanya. “Huy, eto naman, parang laging bago eh. Ako 'to si Shawn hahaha baka naman nakalimutan mo na agad ako.” ani Jeid na nagkakamot ng batok, nagtatampo kuno. “Ha? Ano ka ba Jeid, nagulat lang ako. Ganda ng boses mo ah!  Hehe. ” pinapalakas na loob na sagot ko, kahit kailan talaga nakakapanghina ang presensya neto ni Jeid, sobrang lakas ng dating para sa akin. “Magkaklase daw ta— ay wait nandyan na si Kayla! Bye, see you later! ” nagmamadaling paalam niya sabay kumaripas ng takbo papunta sa pinakamamahal niyang girlfriend

malamang!?  Naging girlfriend niya pa kung 'di niya mahal 'di ba!?

Tumingin ako sa kaninang pwesto ni Jeid at tsaka nagpakawala ng hininga na nahugot ko kanina dahil kay Jeid.

If I tell you Jeid, what will happen next? Am I going to be rejected? Or you're just going to reject me?

tumawa ako ng mahina at umakyat papuntang classroom, second floor. First day of school ngayon kaya madaming students, nakayuko akong lumakad papuntang pangalawang room sa pinakadulo, ang grade 11 - 1102 o section 2. Agad kong inilibot ang mga mata ko para maghanap ng upuan ng makarating ako sa bungad ng pinto, bumuntong hininga ulit ako dahil wala na akong makitang upuan at wala pa din si Riri, ang nag-iisa kong kaibigan. Mayroon pa naman talagang vacant kaso hindi ko close 'yong iba kaya no choice kundi ang hintayin ang kaibigan ko dahil makapal naman mukha noon.

“Miss? ”

lumingon ako pinanggalingan ng boses at bumungad sa akin ang magandang lalaki.

“Miss excuse me? ”

Ang ganda ng ngiti niya, para siya ‘living god’ kung tawagin, ang perfect ng katawan at height, para siyang model sa harap ko at ang mga mata ko ang camera, capture lang ng capture.

“Enjoying the view? ”

“Yes, I love view... ” wala sa sariling sagot ko, napatakip ako ng bibig sa nasabi, napapikit ako ng ilang beses at tsaka nagtakip ng bibig habang nanlalaki ang mga mata, eto na papala ko kakapanood sa mga telenovelas eh Woah, you're aggresive huh? ” sarkatiskong tanong niya, binigyan niya ako ng nakakalokong tingin, bahagya siyang nakayuko sa akin dahil sa tangkad niya at tiningala ko naman siya kahit medyo namumula. Tinaasan ko siya ng kilay at tinanggal ang mga kamay ko sa bibig “Excuse me? What are you talking about mr? ” pinagkadiinan ko talaga 'yong mr, ngumisi lang siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa “So you're being sarcastic now after confessing, miss. ” kaswal na sabi niya pero nandoon pa rin ang pagiging sarcastic

damn this guy.

“What do you want mr? ” mas diniinan ko pa ang pagkakasabi at napatingkayad habang dinuduro ang dibdib niya. “I was looking for section 1102 miss. ” ngumisi siya ulit sa akin, lumingon lingon ako sa paligid, tumikhim ako at umubo kunyari baka may makakita at masumbong pa ako kay kuya na nakikipag-away eh patay na.  “Dito nga. ” mahinang sagot ko, ngumiti siya sa akin,  'yong natural na ngiti katulad kanina

Ang gwapo neto kung hindi lang ako talaga yinabangan

“Thank you and please excuse me. ” tinanguan ko lang siya at pinanood maghanap ng bakante, pumwesto siya sa pangalawang row, bandang dulo. Kumaway siya sa akin matapos makita na nakatingin pa rin ako sa kanya

Anong mata ba 'yan Eunix jusme

nag-iwas na lang ako ng tingin at nagcross arm para 'di mapansin na napahiya ako. Kung bakit kasi ang tagal pumasok ni Riri eh. “Euniiiiix! ” sigaw ni Riri, napalingon din ang iba naming schoolmate sa kanya, paano ba naman eh napaka-tinis ng boses. “Let's go na. ” aniya, hinayaan ko siyang maunang pumasok at maghanap ng mauupuan, matapos ang ilang minuto hinila na niya ako sa pangalawang row, opposite naman sa upuan ni Mr kanina. “Sayang Eunix dapat doon pala tayo umupo sa kabila nandoon 'yong crush ko na classmate natin! ” nakanguso niyang bulong habang tinitignan si Mr. “Crush agad!? Harot mo ha! ” nagpipigil na sigaw ko sa mukha niya at saka sumandal na lang upuan at nagsalpak ng earphone. Napansin kong pumasok si Jeid at parang nag-slow motion ang paligid nang ngumiti siya sa akin at kumaway

ikaw... ang pag-ibig na binigay sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko ligaya't pag-ibig ko'y ikaw... ♬♪♩

bumalik ako sa reyalidad ng tanggalin ni Jeid ang nakasalampak sa tenga ko at nakangiting ginulo-gulo ang buhok ko.

Still the old Jeid... kaya ako nagkagusto sa'yo eh

“I like you...” Wala sa sariling bulong ko sa kanya, nanlaki naman ang mga mata niya at tumawa ng malakas habang nakaturo pa sa akin. “Hahahahahahaha, lakas ng topak mo Hani hahahaha.”

Hani... Siya lang tumatawag sa akin sa second name ko.

pinanood ko lang siyang tumawa, naramdaman ko naman na nanlalabo na ang mga mata dahil para akong naiiyak kaya mabilis ako yumuko at nagpigil ng iyak at tumingin ulit sa kanya, babawiin na naman ang nasabi. “Akala ko maniniwala ka na eh, pero syempre biro lang 'yon, baka bumigay ka naman.” natatawa kunyaring sabi ko at pasimpleng tinignan si Riri, buti na lang nakaearphone na din at mukhang 'di kami naririnig.

Kailan ko kaya maaamin sa'yo?

“Baliw ka. Alam mo namang mahal na mahal ko si Layka eh.”

nagpaulit-ulit iyon sa pandinig ko parang martiyo sa puso ko, isang ulit isang smash, hanggang madurog.

I wish I'm her

I wish I'm his'

If I told you before you met her would you love me like how you love her?

If ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon