Chapter 1: The First Meeting.

91 2 0
                                    

"Katkaaaat!"

Nagising ako sa napakalakas na boses ni mommy.

Narinig ko syang paakyat ng hagdan at papunta sa kwarto ko.

Bumukas ang pinto at narinig ko nanaman si mommy "Katkat gumising ka na at male-late ka na!"

Pagtingin ko sa orasan ay 6:10 na.

Tumakbo ako sa banyo at naligo ng mabilis. Natapos akong maligo at magbihis ng 6:40.

Tumingin ako sa salamin, inayos ko ang buhok ko na hanggang dibdib at nakapermanent curls.

Bagay pala sa akin ang green. Haha. Green kasi yung palda at lace sa ilalim ng collar.

Nagmadali na ako sa paglalakad at hindi na ako nakakain dahil 7:15 ang simula ng unang klase ko.

Great! First Day ng Junior Year ko, Transferee ako sa Notre Dame of Greater Manila at mukhang male-late pa ako.

Nagmamadali ako sa paglalakad papunta sa front gate nang biglang may nakabangga sa likuran ko, kasabay nun ay ang paglaglag ng mga libro ko.

Tinignan ko sya.

Lalaki.

Matangkad,

Maputi,

Nakataas ang buhok at

medyo singkit.

Sa kabuuan gwapo sya.

Tumingin lang sya at nagpatuloy sa paglalakad. Psh. "Hindi man lang ako tinulungan?! Anong klaseng lalaki yon?!" ang naisip ko. "Sayang gwapo pa naman."

Binalewala ko nalang ang nangyari pero napipikon parin ako.

Nakarating ako sa classroom ng 7:10. Section: St. Gregory. Whew. Akala ko late na ako.

Kasabay ko halos yung unang teacher namin, English Class ang first subject. Mukha siyang mabait pero di ko pa siya kilala.

Tinanong niya ako "Hija ikaw ba yung transferee?"

Sumagot naman ako, "Yes ma'am"

Sumagot siya, "Halika na at ipapakilala kita."

Pumasok na sya at pumasok din ako ng kinakabahan, nanlalambot yung tuhod ko.

I Unexpectedly Fell for Him. (Tagalog) On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon