Chapter 2: Best of Luck

48 0 0
                                    

Pagpasok namin nagulat ako. Ang laki ng room, air conditioned at may malaking glass window katapat ng pinto, may dalawang whiteboards, isa sa harap and isa sa likod ng classroom.

Nakatulala ako ng magpakilala yung teacher sabi nya, "Good Morning class, I am Mrs. Yaranon."

Nagtayuan yung students and nagsabing "Good Morning Mrs. Yaranon!"

Nagnod sya and nagsabing "Sit down everyone, Class we have a transferee."

Tumingin sya sa akin tapos sabi nya. "Hija come here and introduce yourself."

Napatingin ako kay Mrs. Yaranon at pumunta na ako sa platform at nagpakilala, sabi ko, "Good Morning Classmates, My name is Katherine Belle Salazar, you can call me kat. Nice to meet you all." Sabay smile ng nanginginig.

Mukha namang mababait yung classmates ko. Tapos..

Sa may last row sa likod may nakita akong familiar face. Tapos napasimangot ako ng kaunti. Si Mr. Yabang yon! Yung nakabunggo sakin kanina!

Nakaslouch at nakatingin sa bintana na parang hindi ako nakikita.

Nagroll ako ng eyes nung nakita ko siya.

"Kaklase ko pa tong mayabang na 'to? Swerte ko." sabi ko sa utak ko in a sarcastic way.

At para mas maswerte pa, lahat ng seats taken na except sa isang nasa right side niya.

Since nasa corner sya, dalawa lang pwedeng tumabi sakanya isa sa harap at isa sa right side nya.

At dun pa ako pinaupo ni Mrs. Yaranon.

Psh. Wala naman akong magawa, kesa naman nakatayo ako buong subject diba? Naupo nalang ako.

Pagkaupo ko tumingin sya sa akin ng nakakunot yung noo.

Parang nagtatanong kung bakit ako naupo doon.

Gwapo nga, pero mukhang mayabang at maangas.

Nagroll ako ng eyes at hindi ko siya pinansin at tumingin nalang sa harap.

Sabi ko sa utak ko "Yes one point nakaganti rin ako!"

Nagsalita na si Mrs. Yaranon, "Class since first day at may transferee tayo magintroduction muna tayo."

Nagpakilala na sila, yung nasa right side ko babae, straight hair, chubby cheeks pero di sya mataba.

Pangalan niya Rosemarie Reyes. Mukha siyang mabait, nakaglasses kaya tingin ko nerd.

Sa harap ni Rosemarie si Christine Martinez. Medyo boyish at nakaponytail.

Sa left ni Christine at sa harap ko si Ken Alfonso, pogi din, yung goodtype moreno na parang si aljur. Parang ganun.

And i think friends sila ni Mr. Yabang, di ko pa alam name niya kasi last sya.

Sa harap ni Mr. Yabang si Bryan Yutangco, nakataas din yung buhok at medyo maputi rin, parang alden richards? and guess what? Friends din sila ni Mr. Yabang.

Finally! Si Mr. Yabang na! Tumayo siya and napansin kong ang tangkad niya rin pala.

Nakatingin lahat ng girls sakanya at akala mo may glitters yung mga mata. Halatang may gusto sakaniya.

Tapos nagsalita na. "My name is Nathaniel James Consunji. Call me Nate." So nate pala? Well well well. Nice to meet you nate. *evil grin*

I Unexpectedly Fell for Him. (Tagalog) On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon