Chapter 4: Campus Tour

34 0 0
                                    

Patapos na ang Health Class namin.

Halos free time lang naman after ng introduction,nagsabi lang ng requirements then wala na.

After magpray bago umalis tinanong ni Mr. Esguerra kung may Campus Buddy na raw ba ako?

Sumagot naman yung classmates ko ng "Opo, si Nate po."

Sabay tingin ni sir kay Nate tapos sinabing "Nate wag mong iiwan si Katherine ha?"

Tumango nalang si Nate, pagkatapos nun ay pinalabas na kami.

Nasa 3rd floor kami ng building. Pagtingin mo sa may farmost right and left may staircase, meron din sa gitna.

Yun yung tinitignan ko nang biglang may nagsalita sa likod ko.

Malalim yung boses. Si Nate pala.

"Tara na." sabi nya ng di man lang tumitingin sa akin.

Sa middle staircase kami dumaan, sinamahan ako ni Rose at Christine.

Kasama din namin si Ken at Bryan dahil kasabay nila si Nate.

Naglalakad kami ng magkatabi ni Nate since "Campus Buddies" daw kami.

Inexplain sa akin ni Rose na ganun daw talaga for the first quarter may kasama kang Campus Buddy.

Sabi ko sakanya "What?! So you mean isang quarter akong stuck dito kay Nate?!"

"Parang ganun na nga." Sagot niya.

"Ayaw mo ba?" hirit naman ni Nate.

Sabi ko sakanya "Hoy! F.Y.I. ayoko!"

"Wala ka namang magagawa eh?" sabi nya.

Sabagay may point sya. Pero kahit na nakakainis padin!

Nag tour guide na nga si Nate pero ang boring nyang tour guide.

Eto yung pagto-tour niya. habang nasa middle staircase kami.

"Pagbaba mo ng middle staircase sa ground tapat nun bulletin board ng Guidance.

Pag nag face ka naman to the right yung Student's Lounge.

To the left yung Grade School Building at Field, sa Field yung Sportsfest Ceremonies.

Lakad ka ng konti papuntang Lounge, to the right makikita mo yung Principal's Office, katabi nun Asst. Principal's tas Chaiperson's tapos Faculty.

To the left Director's Office tapos mga classrooms ng First Year."

Napansin ko yung Lounge. Ang daming students tapos parang sobrang kilala na nila yung ibang nandun.

"Punta na tayong Canteen! Gutom nako eh!" sabi ni Bryan.

Medyo mababa din yung boses ni Bryan, mas mababa yung kanya kesa kay Nate.

"Ako din gutom na! Tara!" sabi ni Nate sabay hatak sakin.

Hinahatak niya ako papunta ng Student's Lounge.

"Pag nasa Lounge to the right yung Baranggay Court to the left yung Mini Field, minsan dyan yung football na P.E." sabi nya.

Habang naglalakad kami sa lounge nakatingin yung mga babae samin, este kay Nate pala.

Junior man o Senior nakatingin, yung iba iniirapan ako.

Si Rose naman kung kani-kanino nagsmile.

"Tss. Kung etong Nate na 'to yung gusto niyo, o sainyo na!" sabi ko sa isip ko.

Di ko nalang sila pinansin at naglakad nalang ng deretso.

Sa dulo ng Lounge naglakad kami paleft tapos nakakita ng C.R. then door papunta ng Canteen.

I Unexpectedly Fell for Him. (Tagalog) On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon