Chapter 5: Canteen Fuss

29 0 0
                                    

Hello Readers! Sorry for the late update! Been busy for a while.

But here you go a New Chapter! Hope you can Spread and Vote Vote Vote!!

Ang laki nung Canteen. Ang daming upuan iba-iba rin yung tinda, may sandwich station, merong drinks, may sweets, may Pizza Pedrico's, may pasta station and yung Silver Plate na parang sa normal na canteen.

Nung nasa Canteen na biglang tumunog yung tiyan ko.

Di pa nga pala ako nagbbreakfast!

"Pinapakain ka ba sainyo? Galit na yung halimaw sa tiyan mo oh!" sabi ni Nate sabay tawa.

Sabi ko "Hoy! F.Y.I. hindi pa tayo close and Oo pinapakain ako! Nagmamadali lang ako kanina kasi baka malate ako, may bumunggo pa nga sakin kanina eh!" sabay irap.

Bakit ba kasi ang hangin-hangin nitong lalaking to?! Nakakapikon!

Di ko nalang pinansin at tumuloy nalang sa paglalakad.

Habang naglalakad kami sa gitna ng canteen. (Maangas nga kasi itong kasama namin) yung mga students, specially girls, nagtitinginan sa kay Nate tapos magssmile, tapos iirap sakin. Pff. Nakakainis naman.

Nung nasa may bandang right side na kami ng canteen at may isang table dun na may mga students biglang nagsalita si Nate.

"Hoy. Alis dyan, uupo kami." sabi niya.

Ay ang angas nga talaga!

Tumayo naman yung mga nakaupo na halatang takot. Ewan ko ba bakit ang daming natatakot dito sa lalaking to!

Naupo na ako sa may bench malapit sa window, sa right ko si Rose, sa left ko naman si Christine.

Sa tapat ni Rose si Ken, tapat ko si Mr. Yabang, tapat ni Christine si Bryan.

Nauna na bumili yung apat, since sa gitna ako naupo di ako makalabas kagad ng upuan. Si Mr. Yabang naman naiwan din sabi ni Bryan wala raw akong kasama.

Nung umalis sila kinausap ko si Nate.

Sabi ko "Hoy! Mr. Yabang! Kailan mo balak magsorry?"

"Anong Mr. Yabang?! At bakit ako magsosorry at kanino?!" sabi nya.

"Ikaw si Mr. Yabang at sakin ka magsosorry dahil nabangga mo ako kanina!"

"Ha? Ikaw pala yun? Yung kanina sa front? Hahahaha! Bahala ka." sabi nya.

Grabe napakaignorante nitong taong to!

Pagkatapos nun dumating na yung iba kaya tumayo na ako kaagad para bumili ng pagkain.

Sabi ko "Bili lang ako ng food saglit ha." tapos smile.

Nung padaan na ako sa tapat ni Nate bigla niyang hinarang yung paa niya, syempre nadapa ulit ako!

"Hoy! Para saan iyon! Bastos ka ha?!" sabay batok sa kanya.

"Aray ko! Ang sakit nun ha!" sabi nya.

"Dapat lang sayo yan!" sabi ko ng malakas.

Yung mga nakatingin tuloy sakanya kanina ang sama na ng tingin sakin ngayon!

"Sigurado pagiinitan ako nitong mga to." sabi ko sa sarili ko, tapos naglakad ng mabilis papunta sa may Tindahan ng Pasta.

Sumunod naman si Mr. Yabang, humarang pa sa harap ko.

Sabi nya "Kita mo yung mga babaeng yun?" tapos turo sa likod ko.

Tumalikod naman ako at nakatingin parin sila.

"Yari ka dun sa mga yun pag di mo ako kasama. Hahahahaha!" sabi nya.

Nakakairita ang yabang yabang talaga! pumapangit araw ko dahil sakanya! Balak ba niyang sirain yung buong first day ko?

"Che! Tabi dyan!" sabi ko.

Bumili ako ng Lasagna tska Juice tapos bumalik na sa upuan nang di inaantay si Nate.

Nagkwentuhan nalang kami sa upuan habang kumakain.

Dati pa pala friends tong mga to, since G.S. daw friends na yung boys tska si Christine, pagdating naman ni Rose, si Ken naging Campus Buddy nya kaya kasama na niya sila since then.

Sikat daw talaga yung mga boys sa school. Si Bryan matalino at member ng Publication Club sa newspaper and yearbook sila, si Ken naman member ng Students Advisory Board, parang Student's Council sa Notre, Si Nate Rookie basketball player pero magaling "daw" and bukod dun sa mga nasabi ko, lahat sila pogi.

Si Rose at Christine din naman may kanikaniyang asset. Si Rose kasama ni Ken sa S.A.B. and scholar, si Christine naman parang high rank sa C.A.T.

Yun yung mga napagkwentuhan namin nung biglang...

"KKKKRRRRRIIIINNNNGGGG!!!"

Time na!

I Unexpectedly Fell for Him. (Tagalog) On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon