Chapter 6: Back to Class.

19 0 0
                                    

Yeyy!! Dumadami na readers! Thank you sa mga nakabasa na and nag add sa Library nila!

Here you go readers! New Chapter!

After recess umakyat na kami ng classroom.

Grabe nakakapagod umakyat ng tatlong floor. Bago ka pa makarating sa classroom tunaw na yung kinain mo. hahaha

Pero okay lang atleast di ako tataba. Ü

As usual katabi ko padin tong "Campus Buddy" ko, si Mr. Yabang.

Buti nalang may apat pa kaming kasama kaya nakakapagtimpi ako.

Napaka arogante tumingin nitong Nate na to. Yung pag titignan ka feeling mo sa sarili mo wala kang kwenta? Nakakapikon!!

Pero okay lang, dahil dito kila Christine and Rose natitiis ko naman to.

As usual on the way paakyat madami nanamang nagtitinginan sakanya.

Yung iba tumitingin lang, yung iba nag "Hi Nate."

Wala naman akong pake sa kanila kaya naglakad nalang din ako.

Next class namin Computer.

Pumasok na yung teacher. Lalake sya kayumanggi yung kulay ng balat nya. About 5'2 or 5'3 sya.

"Pilipinong pilipino." yan yung pumasok sa utak ko.

Nakasmile sya pagpasok. Mukhang kwela sya.

Nagpakilala na sya.

Sabi nya, "Good Morning Class! I'm Mr. Saplagio." ang lively ng pagkakasabi nya and mabilis.

"Good Morning Mr. Saplagio!" sagot naman namin.

"Okay let's pray! Prayer leader on the front please." sabi nya. Sabay turo sa nasa first seat katabi ng pinto.

Lumapit naman yung guy na nasa first seat katabi ng pinto. Andrew ata pangalan niya. Medyo maliit sya.

Nag-start and nag-end na yung prayer then, as usual first day, Introduction.

Yung iba daw sa mga kaklase ko kilala na ni Sir. Either naging student nya na or kilala nya lang.

Nagiisip ako nung biglang.

"Ms. Salazar!!" sabi ni sir ng malakas habang nakatingin sakin.

Nagulat ako nung nagsalita si sir, at sinabi nya pa yung last name ko. 

"Pano niya ako nakilala?" tanong ko sa utak ko. Nakatingin lang si sir so kailangan may gawin ako.

"Sir?" sabi ko with matching taas ng right hand.

"Come to the front, kakausapin kita." sabi ni sir.

Ako naman to si lapit agad.

"Sir, why?" sabi ko.

"Introduce yourself in front of the class" sabi nya.

Sabi ko, "Sir I did that for two consecutive subjects already." kasi naman baka nagsasawa na sila.

"Osige ganito nalang, kanta ka nalang sa harap namin." sabi ni sir.

OMG! KANTA DAW?!

Desente naman ang boses ko, di naman kapangitan, pero first day?!

"Osige na go Ms. Salazar!" sabi ni sir.

"Okay po." sagot ko.

Napatingin ako kay Mr. Yabang. And as usual nakatingin siya sa labas ng bintana, nagddaydream.

Eh since wala naman sigurong mangaasar sakin dahil hindi nakatingin si Nate, kumanta na ako.

Since favorite ko yung Skinny Love ni Birdy yun nalang kinanta ko.

"Come on Skinny Love just last the year, pour a little salt we were never here,

Mamamy mamamy mamamy my,

Staring at the sink of blood and crushed veneer,

I told my love to wreck it all, cut out all the ropes and let me fall,

Mamamy mamamy mamamy my,

Right in the moment, this order's tall,

And I told you to be patient, and I told you to be fine, and I told you to be balanced, and I told you to be kind.

And in the morning i'll be with you, but it will be a different kind, cause I'll be holding all the tickets and you'll be owning all the fines."

Di ko namalayan papikit pikit na pala ako. Hahaha

Pagdilat ko and after ko kumanta nakita ko yung classmates ko, including Nate, tsaka si Sir nakatingin lang sakin.

"Thank You Ms. Salazar." sabi ni sir habang nagcclap.

Sumunod naman yung classmates ko.

Nahiya ako kaya bumalik na ako sa upuan ko.

Pagbalik ko sa upuan ko at pag-upong pag-upo ko palang, tumingin na ulit sa labas si Nate.

"Psh. Appreciate much? Ugghh" yan yung naisip ko.

Si Rose, Christine, and Ken naman nagcongratulations sakin.

Sabi ni Rose, "Ang ganda pala ng boses mo!"

"Oo nga bakit hindi mo sinabi?" sabi ni Christine.

"No joke? Hahaha" yun lang nasabi ko. Sabay tawa.

"Oo nga! Promise!" sabi nilang dalawa.

"Thanks!" sabi ko, sabay smile.

"Ano title nung kinanta mo?" sabi ni Ken.

"Skinny Love by Birdy" sagot ko.

"Ahh okay, ang ganda nga ng boses mo Kat." sabi ni Ken.

Sabi ko naman. "Thank You!"

After nun sabi ni Sir next meeting na daw kami pupunta sa Laboratory.

So after nung announcement nag goodbye na si sir and umalis.

Free time again. And the end of another subject. Yeyy!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Unexpectedly Fell for Him. (Tagalog) On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon