Chapter 1-worst first day

32 2 5
                                    

“Hoy!!!! Gising naaaa! Late ka na! aissssh! Unang pasok mo palang late kana! Sabi na nga ba!” nagising ako bigla.

Ay oo nga pala first day of school pala ngayon! Bitin talaga ang bakasyon! Pag ako talaga naging President of the Republic of the Philippines gagawin kong 6 months ang bakasyon at twice a year. Haha. Ayos ba? Ganun ako katamad pumasok. Ayoko kasi ng turo turo na yan. Bakit magagamit ba natin lahat ng tinuturo nila? Tulad sa math, may mga equations nga na may x+y=n bakit? Gagamitin ba natin yan? Plus minus divide and multiply lang naman diba? Sayang ang pera. Tskk.

3rd year highschool na ko. For short Junior H.S na, isang taon nalang maggra-graduate na ko. Salamat naman at college na, konti nalang yan at makakapag trabaho na ko.  Matutulungan ko narin sila sa paghahanap ng trabaho. Panganay kasi ako sa limang magkakapatid, ang sipag kasi nilang gumawa e, tapos magsisisi sila kung nahihirapan silang magtrabaho dahil sa dami namin. Aish. Di pa siguro uso ang Family Planning noon. Hahaha. :D joke.

Bago pa ko malate, agad agad akong naligo, nagbihis, kumain at  nagtoothbrush. Excited na kong gamitin ang mga bago kong notebook. Adventure time kasi yung cover. Bakit ba? Cute kaya. Inngit lang kayo :P

“Ma! Baon ko po?” siyempre di mawawala yan sa buhay estudyante ang BAON. Hahaha. Yezz may pera nanaman ako araw araw :D

“Hay, umpisa nanaman ng gastos. Oh ito P50” wooohooooo! Kumupit din ako ng P20 sa karinderya namin. Hahaha. Am I mean? Sorry ah. Ganun talaga ako e. :D bale P70 ang baon ko sa first day of school. Saya-saya!!!! J))

Simple lang naman akong babae e, mabait ako. Yes, totoo, whether you like or not, yun ang description sakin ng mga schoolmates, and classmates ko, even the teachers nga e. sa bahay lang talaga ako ganun. Masyado kasi akong spoiled. Even though im the eldest nasusunod padin ang mga gusto ko. Pero hindi naman sa brutal na paraan no. J

“Para po!” sabi ko kay manong driver ng jeep. Nandito na pala ako sa school muntik na nga lumagpas eh, ang ganda kasi ng music. Kahit di ko alam yung title, basta may lyrics siya na “What does the Fox say?!” nakakaindak yun, ano kaya title nun?

Neways, nag-aaral ako sa Benigno National HighSchool, kahit gusto ko pa sa private school, hindi kaya ng bulsa ng MotherEarth and FatherEarth ko.Oo, private school ako dati, sa Pateros Catholic School, hulaan niyo kung saan yon?Haha. nilipat ako ng motherearth ko kasi nga dahil sa financial problem. Okay nadin ang public school, para iwas sa mga maarteng mahilig maghilamos ng harina. Nakakairita na kasi e. madaming mababait dun sa school ko dati pero meron padding mga harina girls e.

Habang naglalakad ako, hawak hawak ko ang strap ng bag ko habang hinahanap ang section ko.

“Section B, nasaan ba kaya yun? Tsk. Eto ang ayaw ko e, ang maghanap ng section.”  Patingin-tingin ako sa pinto ng bawat classroom doon.

“Ano bay an miss! Dahan dahan ka nga!” sorry naman.

“ahy sorry, naghahanap kasi ako ng section.”  Ay, kay gwapo naman ng nakabanggaan ko. Pampa-bwenas to. Woooh! Mukhang yummy oh! :D

Hindi ko namalayan na natapon pala ang coffee na hawak hawak niya at hulaan niyo kung kanino natapon ang coffee? Sa katabi nung pogi. Haha. Joke lang. saamin dalawa siyempre, pero mas madami yung kanya. May malas padin pala. Tsk. Problema nga ito! (wonder pets tone)

“matutuyo ba ako ng sorry mo ha? At tsaka wala akong pakialam kung naghahanap ka ng section? Tsk! You have to pay this! Uggggh!” nagtawanan naman yung mga kasama niyang hot este pogi este barkada niya ata yun e.

“chill lang bro, sayang ang beauty ni girl” bakla ba to? Oh-em! Bakla si pogi? Sayang naman.

“wala kang natutulong Jerome” sabi ni pogi kay Jerome daw, si Jerome naman agad na nagpakatino, ay. Straight pala akala ko vaklush.

“uhm, sige guys, naghahanap ako ng section ko e. una na ko.” Susubukan ko lang tumakas. Sana effective! *crossfingers*

“ano bang section mo?” sabi ni Jerome, wew nemen mebeet se keye.

“Section B ako bakit?” sabi ko sakanya ng nakangiti.

“ang liit talaga ng mundo ano? Magkasection pala tayo! Doon yun oh! Sa pangatlong kwarto” sabi niya eto naming si pogi nag smirk pa mas lalo tuloy gumwapo.

“See you later girl, Humanda ka” agad naman akong tumakbo papuntang section ko. Patay, wala akong ligtas. Magka-section pala kami. Haaaaaaay. Goodluck cornelia! Haaaaayyy.

Pagpasok ko sa classroom ko, lahat sila napalingon sakin. Bakit ba? Ang ganda ko ba masyado ngayon?

“Ohhh, may bago tayong kaklaseng Chicks!” sabi ng group of boys sa corner.  Ginawa ba naman akong sisiw.

“Manok na yata e. Uhm, miss naligo ka ba?” hay, hanggang ditto ba naman talamak ang harina girls? In all fairness, ang dami nilang branches.

“ano ba namang klaseng tanong yan?” palaban yata to. Yung iba tuloy na pa ohhhhhh.

“malay mo naman diba? Haha. Bakit hindi ba? Haha. Yung suot mo kasi ang dumi, baboy ka atang kumain. Hahahahahhaa.” Nagtawanan naman ang buong klase.

“For your information, naligo ako. At alam kong naligo ka. Hindi ko nga lang alam kung tubig at sabon ang ginamit mo mukha kasing harina eh. Tsaka eto? May nakabanggaan lang ako na may dalang coffee, mukhang masarap nga e, cappuccino flavor, lick it if you want.” Sabi ko. Hindi ako magpapatalo no. yung mga boys tuloy napa-“Go Girl!” haha, ang cute nga nilang tingnan e. si harina girl naman umuusok ang tenga, at ilong. Hahaha. Nagulat nalang  ako ng inirapan ako. Pikon. Aish.

“What’s happening? Anong gulo ang meron?” sabi ng lalaking nasa likod ko, ayoko ngang lumingon baka teacher or principal pa to.

 “nag-aaway kasi si Marianelle at tong si miss? Ano nga palang name mo?” sabi nung lalaki.

“Cornelia” sabi ko at nakangiti pa.

“yun nga, cornelia daw” di pa din ako umaalis sa pwesto ko nakatayo padin ako. Ewan ko ba, mukhang napako yata ako dito e.

“HOYYYYYY!”

“Ay unicorn na kamukha mo----” hindi ko na tinuloy yung sinabi ko, si pogi pala yung nanggulat saakin.

“sinong kamukha ng unicorn?” sabi niya ugh, problema talaga ito!

“a-ako hehe. Sige uupo na ko.” Sabi ko at naka peace sign pa.

“wait” sabi niya. Pero di pa din ako tumigil malay mo naman hindi pala ako, nag mukha pa akong assuming.

“Cornelia” ayun, napalingon na ko.

“a-ako?” tinuro ko pa sarili ko.

“ay hindi ako, sino pa bang cornelia dito?” sabi niya ulit nagtawanan ulit sila. Si girl harina na marianelle daw ang pangalan ayun, umiiyak. Wahahahaahahhaa.

“bakit kasi?” sabi ko, sabay irap sakanya. Napa-ohhhhh nanaman ang klase, buti nga hindi pa time. Flag ceremony na kasi pag ganun.

“You’re sitting beside me.”  Sabi niya.

“Pare! Umiiskor ka nanaman yata jan ah! Palibhasa broken hearted at maganda e!” sabi nanaman nung lalaki.

“Shut up Francis, may kasalanan kasi tong si Cornelia kaya pagbabayadan niya yun” natameme nalang ako.

A/n: I dedicate this part to @MsRinodaeb, sabi niya kasi i-dedicate ko siya, so sinunod ko naman. hahaha. comment slash vote sabihin niyo lang din if magpapa-dedicate kayo. :)))

thanks! <3 <3

Right Love at the Wrong TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon