alalay forevs

12 0 0
                                    

buti nalang at matapos din ang first 3 subjects sa araw na to. at ito na ang aking 'favorite part' ang recess! Haha. gutom na gutom na talaga ako. kasabay ko ngayon siyempre ang dalawang taong halos hanggang sa cr buntutan ako. sila Jaq at Sean. swerte ko talaga sa kanila, si Sean, siyempre dahil kahit na lalaki siya, bestfriend ko siya, at wala ng magbabago dun, si Jaq naman kahit na kakakilala ko palang sakanya eh, nag-click kami agad.  :)

"tara na kasi! ang bagal niyo namang maglakad eh! gutom na ko." sabi ko kay sean at kay jaq, paano ba naman kasi gutom na gutom na ako, at ako na ang nauuna sa paglalakad, naiwan tuloy sila. 

"grabe, hindi ka ba kumain ng 1000 years?" sabi ni jaq sakin.

"Shunganga, siyempre kumakain ako no, ngayon lang talaga ako ginutom ng sobra ngayon, ewan ko ba.  tara na kasi!" sabi ko tsaka pumunta sa kanila at hinila papuntang canteen

(O______________O) <--- ganito nanaman ang expression nila

(^___________________^) samantalang ako ganito na. haha.

nang makarating kami sa canteen, pumila na agad ako, grabe ang haba pa, gutom na gutom na talaga ako.

buuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuurrrrrrrrrrrrt.

wag ka, tunog yan ng tiyan ko. and guess what? lahat ng attension nila nasa akin na,

"Sorry gutom lang talaga ako. V^_^" sabi ko at nag peace sign pa, effective naman, grabe, ganun ba kalakas yung kulo ng tiyan at buong canteen rinig? aish.

tumingin ako kila jaq at sean at parang maihi na sila sa kakatawa, may pahampas hampas pa sa lamesa, pero in all fairness, bagay sila, may something na hindi ko maintindihan, what i mean is may something na kahit hindi sila sweet, friend-friend lang sila cute parin tingnan basta hindi ko ma-explain! basta bagay sila, maganda at gwapo, matatalino, mababait, kaso nga lang si Jaq super yaman, ayaw niya nga lang pumasok sa private kasi super OA sila maging strict. simple lang naman si jaq, and im sure unti unti na ding mahuhulog ang puso nila sa sahig. joke lang yun siyempre. i mean sa isat isa. di ko nga ma-reach yung yaman nung babaeng yun eh.

anyways, ako na pala ang next na bibili, may baon pala ang dalawa kaya hindi na pumila. bastos yung mga yun hindi nagsasabi. 

"ate, tatlo nga pong large fries tapos dalawang burger tsaka isang large coke at tubig." kung sa tingin niyo eh ililibre ko sila jaq at sean, nagkakamali kayo, akin lang to. AKIN LANG. takaw ko diba? pero hindi ako tumataba, tsk. yung mga dinosaur ko kasi sa tiyan kanina pa nagwawala eh.

"ah sige, tawagin ka nalang namin." sabi nung tindera tsaka ko binigay yung table number ko at nilista niya. parang fastfood lang no? pero ang kaibahan, ang costumer ang magbibigay ng table number, may nakaulat na kasing table number sa bawat table. sossy ba? haha

after ilang minutes na kakahintay, ay dumating na yung order ko.

"tse! kayo naman ang iinggitin ko! kala niyo kayo lang ang may food ha! pwes, wala ding hihingi!" nagpapa inggit kasi sila ng pagkain eh. 

"WOW, as in, kaya mo ubusin yan?" sabi nila sakin.

"oo naman no!" sabi ko habang tinitira ang burger. maliit lang naman kaya oks yung dalawa.

"grabe corn, ngayon lang kita nakitang kumain ng ganyan, daig mo pa ko ah." sabi naman ni sean, pero totoo yun, ngayon lang talaga ako kumain ng ganito kadami.

pagkatapos kong tinira yung dalawang burger ay yung fries naman, yezz! heaven to! favorite ko talaga ang french fries! promise.

(O_________________O) <--- ganito nanaman ang expression ng mga mukha nila

kain...

kain..

kain.

"Hay salamat! busog din! :)" sabi ko sabay hawak sa tiyan ko. heaven talaga.

habang hawak ang tiyan ko biglang tumili ang mga girls.

"Waaaaaaaaaah! omygosh! ang gwapo talaga ng prince natin!" lande.

"ha? prince? sino naman yan?" tsaka ako lumingin sa likudan para makita kung sino yung prince na sinasabi ng mga girls.

at nagulat ako ng makita ko kung sino yung prince na sinasabi nila.

"omg, si Jack yung prince! Yuck!" oooops, napasigaw ata ako ng wala sa oras, ang eng-eng ko talaga! tsk.

"anong sabi mo?" sabi ni jack, hala. kamahalan ko pala to. nakalimutan ko.

"ah eh, wala. sige, alis na kami" napa-"huh?" nalang sila jaq at sean, pero nag "maki-ride na lang kayo" look ko kaya nagets na nila.

dumaan kami sa gilid nila jack.

"humanda ka saakin mamaya." boom punet ako dun. tsk, ano kayang punishment ang ibibigay niya?

A/N: sorry kung matagal ang update, mejj busy eh. hahha, :) i dedicate this part parin kay @BabySkyMonster na ganap ko ng friend. hahhaa:)  thanks sa lahat garl! <3

hugs and kisses :*

Right Love at the Wrong TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon