kamalasan

10 1 2
                                    

Krrrrrrrrrriiiiiiiiinnnnngggggg!!!!!!

Save by the bell! Yes! Flag ceremony na! :D

Ang ganda pala dito malawak siya. Nandito na kami sa covered court nila maganda, may mga upuan kung saan kami uupo. Haaay, I’m sure may mahabang speech nanaman yan. Tsk.

Naghahanap ako ng mauupuan ako ng may naririnig akong tumatawag sa pangalan ko.

“Corn! Dito!” teka familiar yung boses nun ah, malingon ko nga. At hindi ako nagkamali, si Sean nga, pero bakit siya andito? At nasa upuan siya ng section B? magkaklase ba kami? Sana nga.

“Sean(se-an) bakit ka andito?” sabi ko habang nag apir kami

“Surprised?” sabi niya ng naka ngiti, abot mata pa nga e.

“eh, bakit nga? Sean naman e.” ganito talaga kami niyan, baka isipin niyo boyfriend ko siya. NO. BIG NO.Bestfriend ko siya since pinanganak kami. Hahaha. Pero realtalk po. Si motherearth kasi tsaka si ermat niya mag kumare, super duper, best friends daw talaga sila since highschool pa, getting stronger nga eh. Di daw matitibag. Kaya yun, naging bestfriend na kami, marami ngang nagsasabi na mag-jowa daw kami, natatawa  nalang kami pag ganun, tsaka wala pa naman sa isip ko ang magka-boyfriend, hanggang crush lang muna.

“ikaw lang ba pwedeng mag-aral dito? Hindi na kasi kaya ni ermat sa private e.” parehas pala kami.

“ahh, parehas pala tayo, anywayss, section B kadin?” sabi ko na mukhang excited.

“Yup. Hahahaha. J” yeyyyyy! Hahahahaa. Yes, may kakampi na din ako. ^_^

“hoy cornelia, dito ka sa tabi ko, may kasalanan ka pa sakin.” Eto namang si pogi. Haaaaay -______-  panira ng moment!

“mamaya na.” sabi ko. Nakakainis kasi e.

“hoy, corn, ikaw ah, may kaaway ka first day mo palang.” Kung alam mo lang bestfriend.

“hindi, siya kasi, hindi ko naman sinasadya na mabunggo at matapunan siya ng kape e. ako nga eh, oh, natapunan din ako kaso nga lang mas bongga yung kanya, hahha” agad naman akong sinamaan ng tingin ni sean. Actually Sean as in Siyan ang pronunciation ng name niya, se-an kasi ang  basa ko sa pangalan niya noon kaya yun nalang tinawag ko sakanya para maiba din diba?

“Nag-sorry ka ba?” sabi niya. Nag-sorry nga ba ako?

“Oo naman! Ako pa no!” sabi ko. Nag honesto pose pa nga ako e.

“ikaw talaga!!!!” sabi niya tsaka niya ginulo yung buhok ko, hindi pa naman umpisa yung flag ceremony namin e.

“ako nalang ang tatabi kung ayaw mo.” Hala. Tumabi saakin si pogi, hay, hanggang ngayon di ko pa kasi alam ang pangalan niya.

“sino ka ba ha? At parang ikaw lang ang nabuhusan ng kape ah!” sabi ko, wala namang imik si sean,

“ako lang naman si  Jack Emmanuel Estrada,  ang anak ng director slash principal ng paaralang pinapasukan mo. But wait there’s more, ako lang din naman ang captain ball ng Jaguars team. Ang basketball team dito siyempre sa eskwelahan na to.” Ang yabang niya. Sayang ang pogi points niya. Tsk.

“Eh ano naman kung anak ka ng principal slash director ng school na to? Nagbabayad naman ako ng tuition fee ko ah, at kala mo naman  kung sino ka magmayabang buti sana kung anak ka ni Joseph” sabi na dahilan ng pagtawa ni Sean pero siyempre di niya pinapahalata.

“Joseph? Sino naman yun?” sabi niya. Slow-mo pala tong si Jack en Poy e.

“Pati si Joseph? Joseph Estrada po. Hay, mag-aral ka kasi hindi yung puro pa-pogi. Tsk tsk tsk.” Tapos tumawa kaming pareho ni Sean. Hahahahaha.

Right Love at the Wrong TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon