Megan
"Wag na kayo'ng magalala, hindi naman malalim at malala ang sugat na nakuha niya." sabi ng nurse sa amin ni Cindy habang patayo ako sa kama ng clinic. Kakatapos ko lng maligo pero hindi pa ako nakakapalit sa bagong uniform, suot ko ngayon ang extra damit na meron ako sa locker dahil kinukuha pa ni Kianna ang extra uniform ko. Si Kianna ang isa ko pang bestfriend pero unlike kay Cindy, parating huli si Kianna sa balita.
"Wag ka lang muna gumalaw ng gumalaw para hindi ka mashadong mahilo."
"Thank you po Ms. Nurse"
"You're always welcome. Bumalik ka na lang dito sa clinic kapag masama ang pakiramdam mo."
"Sige po."
"Pwede po ba namin gamitin ang isa sa mga rooms dito para makapagbihis po si Meg kapag nakabalik na po ang kaibigan namin?" Tanong ni Cindy.
"Sure, room 123 na lang ang gamitin niyo."
"Thank you po ulit."
Aalis na sana kami papunta sa room na sinasabi ng nurse nang bigla niya kami pinigilan.
"Teka, should i call your parents Ms. Vallse?"
"No need po."
"All right pero kapag may nangyari pa sayo in connection sa accident ngayon i'll let them know, ok?"
Tumango na ako at pumunta sa room na sinasabi ng nurse.
"Guys! Here na aketch, where na kayo?"
Dinig na dinig namin si Kianna pagkapasok pa lang namin sa room. Lumabas si Cindy upang kunin kay Kianna ang mga damit ko.
"Missing in action ka na naman Yanna? Kanina pa kita tinext tungkol sa nangyari kay Meg diba?"
"Sorry naman Cindy, late kasi ako kanina eh."
"Parati naman, hindi na ako nagulat."
Pagkatapos nilang magusap eh bumalik na siya sa room at ibinigay ito sa akin. Yanna ang nickname ni Kianna.
After 15 mins
"Meg? Kanina ka pa dyan ah, hindi ka pa ba tapos?"
Katok ng katok si Cindy sa pintuan pero ako? Heto nakatunganga lang sa salamin habang naka-upo sa kama. Tapos na ako magpalit at malinis na ako ulit, ang isang bagay lang na hindi malinis dito sa school na to? Ang mga konsensya ng mga taong may gawa nito sa akin.
"Meg, ano ba? Sumagot ka naman oh, mahuhuli na tayo sa klase. "
"Teka, andyan na."
Tumayo ako at kinuha ang bag ko sa sofa malapit sa salamin at binuksan ang pintuan.
"Bakit ang tagal tagal mo?"
"Sorry, tara na."
"Gusto mo pa bang pumasok?"
"Cindy hindi ko pwedeng pabayaan ang pag-aaral ko. Ano na lang ang sasabihin ni daddy sa akin kapag bumagsak ako?"
"Tama tama, alam mo bilib din ako sayo bes."
"Bakit naman?"
"Kahit na binubully ka na ng lahat eh gowra ka pa rin sa flow ni river "life" kahit sobrang nahihirapan ka na."
"kung alam mo lang Cindy, kung alam mo lang." sabi ko sa sarili ko.
*ringggg* *ringggg*
"Bes, time na. Magmadali na tayo, hatid na kita sa room mo."
"Teka si Yanna?"
"Andoon sa nurse, nakikipagchika. Pagbigyan mo na siya, wala naman daw siyang klase eh. Dito na lang daw siya tatambay." Hinila na ako ni Cindy papuntang pintuan, lumingon ako para makapagpaalam sa nurse at sa medyo hindi normal naming bestfriend.
YOU ARE READING
Mr. Bully vs Ms.Bullied
RomanceNakaraan, ang nakaraan nila ni Xander na gusto'ng gusto ng takasan ni Megan na akala niya'ng nagagawa na niya pero dahil sa di malamang kadahilanan, isang araw bigla na lang nagiba ang takbo ng buhay niya. Never siya nambully ng iba pero dahil sa ma...
