Chapter 4

14 1 0
                                    

Naglalakad ako ngayon papuntang classroom ng nakahalukipkip. Haish!! Talagang pinagplanuhan ni Xander ang lahat ng ito. Hindi man lang ako nakapag Facebook kagabi. Hindi ko rin alam bakit hindi ako makapag data sa cellphone ko kagabi. Nawawala rin ang wifi router sa bahay nung hinanap ko yun kagabi para buksan ulit. Halos isang oras ko din iyon hinanap but then i ended up looking for my pocket wifi, but the thing is, nawawala rin pati yun. Ano na naman kaya ang iniisip ng mokong na yun? Ghad! Ayoko na muna iyon isipin! I need to focus! May long quiz ngayon Meg!

Pumasok ako ng classroom at BOOM! Mga classmates kong feelingero't feelingera, nagaaala highschool kung umasta. Chismis dito, chismis doon. Wala na silang ibang magawa kundi puro magchismisan. Siguro kung yun ang major nila, malamang pasadong pasado na sila, hindi lang pala pasado, sila na ang top 1 sa buong school.

Umupo na ako sa table ko at nagbasa ng libro habang nakasaksak sa tenga ko ang earphones. Ayoko marinig lahat ng bagay na pinaguusapan nila, because i know ako na naman ang napili nilang subject.

Ilang minuto din akong nanatili sa ganoong gawain. Naiilang man ako dahil sa mga tinginan nila, wala na ako magawa. I have to deal with this! Soon enough mamatay din ang mga chismis na yan kung hahayaan at iiwasan ko lang.

Pumasok ang prof namin na galit. Maybe isa siya sa mga teachers dito na hindi pa rin maka move on sa paint incident na nangyari sa akin.

"Let's start the quiz." Simple niyang anunsyo sa klase.

Agad kami'ng naghanda. I got my pen and correction tape. Si sir na ang nagbigay ng test questioner at answer sheet so no need na ang extra paper.

Isang oras din nagtagal ang quiz at ang natitirang 30 mins ay ibinaling niya sa extra work na binigay niya sa amin. Halos half lang ng klase ang nakatapos at makapasa ng assignments kaya halos hindi maipinta ang mukha ng prof namin sa galit. Its a good thing na natapos ko ito kagabi kahit magmamadaling araw na akong nakatulog.

Pinaalis niya na ang mga estudyante na nakapasa ng assignments for early dismissal at nagstay ang mga hindi naman nakapasa ng assignments sa classroom for yawyaw sessions. Himalang hindi nag lecture ngayon ang prof na yun.

Now what? Honestly, i don't know what to do. No Facebook, Instagram, Twitter, Snapchat and etc. In short, no internet for this week! How am i suppose to live?! Feel ko parang nawala ang kalahati ng buhay at pagkatao ko. Kids these days, umiikot ang mundo sa internet at isa na ako doon. 

Whatever that stupid ex-friend of mine is up to, haishh I think he's going to succeed. 6 more days? Kaya ko ba? Lahat na lang ata ng naiisip ko na solusyon dito sa No-Internet-For-7-Days problem ko ay nagawa ko na pero waley pa rin eh. I guess makiki-sabay muna ako sa trip ni Xander. 

Since wala ako'ng mapupuntahan sa mga oras na to ay nag ala-dora ako at nagkaroon ng maliit na adventure sa school. Saan saan na ako napadpad dahil sobrang boring ng araw na to. If makapag internet nga lang ako ngayon eh kanina pa ako nanonood ng youtube videos at tumambay sa iisang lugar. Kaso wala eh, pinagkait sa akin ang internet sa ngayon. Dinala ako ng mga paa ko sa back field at doon ako umupo sa bench at kinuha ang libro ko sa bag. 

 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr. Bully vs Ms.BulliedWhere stories live. Discover now