Megan
Naglalakad ako papuntang Sylleon University nang may tumigil na isang mamahaling sasakyan sa aking tabi. Ibinaba nito ang bintana ng sasakyan at saka ko siya tiningnan ng mabuti.
"Sakay." Malamig at walang emosyon niya'ng sinabi habang naka sunglasses at hindi lumilingon sa gawi ko.
Hay, nasa loob ka ng sasakyan mo at naka salamin ka pa.
Narinig ko na naman ang deep voice niya'ng nagpapatayo ng balahibo ko. Nakita ko na naman ang kanyang mejo magulong black hair na dati ko pa gusto'ng ayusin or should i say sabunutan sa sobrang gulo nito. Tiningnan ko siya na wala ring emosyon. Galit ako sayo. Galit na galit ako sa kanya at sa mga ginawa niya.
"No." mahinahon ngunit malamig kong sagot.
"Sasakay ka o ako mismo ang kakaladkad sayo papasok sa sasakyan na to?" Ngayon lumingon na siya saakin.
"Whatever" nagrolling eyes ako at naglakad na ulit.
Kainis naman. Kung okay lang sana ang car ko at hindi naflat kahapon malamang hindi ko siya nakita ngayon'g umaga. Nasira tuloy ang umaga na binigay ni Lord sa akin ngayon.
Nakauniform ako (may long sleeves white polo with dark blue blazer at black skirt, may combination color na white and dark blue pa akong necktie. May black stocking akong suot na nagmamatch sa black high heels shoes ko at syempre ID na rin para kompleto na) kahit na 2nd year college student na ako, taking up Business Management. Syempre mayaman kami dahil sa Sylleon University ako nagaaral (hindi sa nagyayabang ako, sinasabi ko lang naman) at ganito talaga sa school namin, nakauniform depende sa course na kinuha mo. Bunso'ng anak ako ng pamilya namin at plano ko pumasok sa kumpanya namin balang araw.
Habang nagmamadali na akong naglalakad sa kalsada may biglang humawak sa braso ko at iniharap niya ako sa kaniya.
"Ano bang problema mo?!" Inis na sigaw ko.
Ngayon, di na siya nakasuot ng sunglasses. Eh tanga naman pla to'ng lalakeng 'to, kung saan may araw di nagsasalamin kapag protektado naman sa araw doon nagsosuot ng walang hiya'ng sunglasses na yan. Ano to? Opposite day?!
"Kapag sinabi kong sumakay ka, sumakay ka!!" Sumigaw na siya at nakuha ang atensyon ng mga taong naglalakad rin.
"Wag mo ako'ng pilitin sa isang bagay na ayoko gawin kaya bitawan mo na ako. Malalate na ako sa school." naiinis na talaga ako sa inaasal niya. Kung hindi pa siya titigil makakatikim na talaga to sakin.
"Ahh, ganun pala. Well, sorry wala na akong choice" binitawan niya ako at akmang bubuhatin nang..
"SHIT!! AHHHH!! ANO BA MEGAN?!" sinaktan ko na para tumigil sa kahibangan niya.
"Yan kasi, sinabing wag ako pilitin eh. Iyan ang napapala ng mga taong matitigas ang ulo na katulad mo, Mr. Xander Kyle Xavier"
"INUTOS LANG NAMAN TO NI TITO EH KASI NASIRA YUNG KOTSE MO. HAYY, KUNG DI LANG AKO PAPAGALITAN NI PAPA HINDING HINDI TALAGA KITA ISASAMA SA SCHOOL Ms. Megan Lorraine Vallse!!" Sigaw niya habang namimilipit pa rin siya sa sakit na nararamdaman.
Alam niyo ba kung ano ang ginawa ko? Well sinipa ko lang naman si jr. niya. Tsk tsk. Pero ano?! Utos ni daddy?!
"Si daddy?!"
"Oo, si tito Fred ang may utos kaya sumama ka na Megan." Sabi niya, kita'ng kita parin na masakit parin iyon.
"Well if that's the case, thanks but no thanks. I can handle myself. I'm not a kid anymore, Xander. Kaya ko pumunta ng school kahit may kotse man o wala."
YOU ARE READING
Mr. Bully vs Ms.Bullied
RomantizmNakaraan, ang nakaraan nila ni Xander na gusto'ng gusto ng takasan ni Megan na akala niya'ng nagagawa na niya pero dahil sa di malamang kadahilanan, isang araw bigla na lang nagiba ang takbo ng buhay niya. Never siya nambully ng iba pero dahil sa ma...