Megan
Hindi na ako pumasok sa klase kahapon, umuwi na lang ako sa bahay at ibinuhos ang sama ng loob sa kwarto ko. I texted Cindy na hindi ako pumasok dahil sumama ang pakiramdam ko. Yun din ang ginawa ko'ng rason kay manang para hindi siya magtaka at para hindi na rin niya ako isumbong kay mommy at daddy.
Another day, another nightmare to face. I still don't know kung sino man ang may pakana ng pagvavandalize ng comp lab kahapon pero i know na hindi iyon maitatago lalo na at paint ang ginamit sa paglagay ng mga sentences na iyon sa dingding. And knowing Cindy? Malakas makasagap ng balita yun. I'm sure alam na niya ang tungkol kahapon. Hay, i just wish na matapos na 'tong issue na to para bumalik na sa dati ang lahat. Handa na ako para pumasok at ayos na rin ang kotse kong BMW na bigay saakin ni daddy last year sa 17th birthday ko.
Papaalis na sana ako ng kwarto nang tumunong ang phone ko, may text akong natanggap. Galing ata to kay Cindy. Pero laking gulat ko nung kay Xander galing ang text message.
From: Xander
Na enjoy mo ba ang half day kahapon? Well, sana oo ang sagot mo diyan dahil ngayo'ng araw na magsisimula ang lahat.
What?! Ano ang ibig sabihin nun? Agad naman ako'ng kinabahan sa text niya. Feeling ko ayoko na ituloy ang pagpasok ko sa school.
May kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Megan, hija! Mahuhuli ka na sa klase" si manang Linda pala. "Lumabas ka na diyan, handa na ang kotse sa garahe."
"Opo manang, palabas na po." Agad ko tinago ang iPhone ko sa bag at lumabas na ng kwarto.
Bababa na sana ako sa hagdan kasama si manang nang tumigil ako sa paglalakad at tinanong si manang Linda.
"Manang, bumisita ba dito sila tito Arthur at tita Rose kahapon?" Sila ang mga magulang ni Xander.
"Ayy, oo hija. Pumunta sila dito mga 7pm. Hindi ka na namin ginising dahil mukhang pagod ka talaga. May dala pa nga sila'ng mango cake eh."
Close ang pamilya namin ni Xander. Kami lang talaga ang hindi. Malamang puro about business lang ang pinagusapan nila kagabi.
"Ahh, ganun po ba. Eh s-si Xander po?" Nauutal nanaman ako.
"Naku, wala Meg eh. Si Xyrelle lang ang sinama nila." Siya ang bunso'ng kapatid ni Xander.
"Ahh, sige po. Mauna na po ako." Pagpapaalam ko.
"Nagiingat ka Megan ah."
"Opo."
Sumakay na ako at agad ko na pinaharurot ang kotse palabas ng subdivision kung saan nakatirik ang bahay namin. Naka sunglasses ako dahil hindi ko naman ipinarada ang bubong ng BMW ko'ng kotse. Mahangin at medyo tirik na rin ang araw. Ilang sandali lang ay nakarating na ako ng school. Pinatakbo ko kasi ito ng mabilis dahil nawala na ako sa mood.
Pinark ko ang car sa parking lot ng school namin. Pagbaba ko ay tinanggal ko na rin ang salamin ko at naglakad papuntang building A-2 para kunin sa locker room ang mga libro at notebooks ko para sa unang klase ko. Nadaanan ko rin ang comp lab, sumilip ako sa glass window nito at nakita ko ang mga trabahador na nagtratrabaho. Nagpipinta ng dingding at inaayos ang nasirang bintana. May nabasag rin na isang computer. Hay, sigurado ako na papatawagin ako sa office dahil sa nangyari.
Naglakad na muli ako at pumunta sa building B-3 kung saan ang mga classrooms naman ang makikita.
Habang natatanaw ko na ang building, bumibilis naman ang pagtibok ng puso ko, lalo na rin akong kinakabahan. Ramdam ko na may mangyayari na naman sa araw na to and I don't like it.
Wag na lang kaya ako tumuloy? Bukas na lang kaya ako pumasok? Haiishh! Dahil sa mga naiisip ko baka naman mga graddes ko ang malalagay sa alanganin. Papagalitan ako ni Daddy pag nagkataon at kukunin niya ang car ko, sigurado ako dyan. Naiisip ko pa lang ang future ko na walang kotse ay araw-araw akong magbabus. Yes, i enjoyed it nung una pero i realized na nakakapagod maglakad at maghintay sa bus. Mas mahuhuli pa ako sa kalse.
Sa sobrang dami ng mga tumatakbo sa isip ko hindi ko napansin na binukas ko na ang front door ng building pero laking gulat ko nung may nabuhos galing sa itaas.
Dahil sa isang balde ng paint na nabuhos sa akin, nagmumukha na akong painting. Matutuwa pa sana ako kung tubig ang nabuhos sa akin pero hindi eh. Sinigurado nila na magmumukha akong katawa tawa. Walang tao sa paligid pero pinipilit ko na wag umiyak.
Pinahid ko ang mukha ko upang mabawasang ang paint sa bahagi ng aking mata.
"Kaya ko to!"
Maglalakad na sana ako pero nakaka isang hakbang pa lang ako ay bigla na lang nagsilabasan ang mga estudyante at nagsimulang kumuha ng mga letrato. Yung iba nagtatawanan, ang iba naman dala dala pa ang mga malalaki nilang mga camera.
Pinipigilan ang mga luha na nagbabadya ng tumulo. 'Maglalakad ako.' Yan ang mga salitang parati kong iniisip pero hindi ko magawa. Nanigas ako sa kinatatayuan ko na para bang statua habang pinapakinggan ang mga tawanan at ang mga masasakit na salitang binibitawan nila.
"Haha buti nga sa kanya."
"Kulang pa yan, malala pa dyan ang matitikman mo bukas!"
"Shit! Ang panget mo tingnan!"
"Haha, ikalat mo yan sa internet girl."
Bakit hindi ko kayang igalaw ang mga paa ko. Tiningnan ko lang sila na para ba gusto ko rin ilublob ang mga mukha nila sa balde ng paint na ipinangligo nila sa akin pero bakit hindi ko magawa?
"Tama na yan!" Bigla akong may naramdamang towel na pinulupot sa akin. Parang pamilyar ang boses na yun. Pero hindi ko matandaan kung sino siya.
"Bes! Omg!" Agad akong tinulungan ni Cindy na makaalis sa scene na yun.
"Aalis na kami, ikaw na muna ang bahala dito. Thank you ng marami!"
Wala akong narinig na response galing sa kinausap ni Cindy. Malamang yung lalake na nagbigay sa akin ng towel. Naglakad kami palabas ng building na iyon pero liningon ko ng kaunti ang scene. Its enough para makita ko ang likod ng lalakeng tumulong sa akin.
"Bes! Okay ka lang ba? Hah? Ano? Sabihin mo may masakit ba sayo?"
"W-wala" Ang unang salita na lumabas sa bibig ko ever since na binuhusan ako ng paint.
"Wala? Anong wala?! Tingnan mo nga, may tumutulong dugo dyan sa may noo mo tapos wala?!"
Hinawakan ko ang sinasabi niya may dugo at tama nga siya, meron nga. Pero wala akong naramdaman sakit.
"Malamang yung balde ng paint ang nakatama dyan. Yung matulis na side siguro ang--"
"C-cindy? Bakit g-ganun sila? W-wala naman a-kong ginawa sa k-kanila."
Dinla niya ako sa isang bench malapit sa garden.
"Meg wala kang ginawa, alam mo yan sa sarili mo. Gumagawa lang sila ng paraan para masira ka at masaktan. Dont let them destroy you."
Nagsimula na akong umiyak. Ang luha na kanina ko pa pinipigilan, ang luha na nagpapakita na mahina ako pero hanggang kelan nila to gagawin sa akin? Hanggang kelan ako magtitiis?
"Halika na, kailangan mo pa magpalit ng damit."
Itinayo niya ako at inalalayan na maglakad papuntang building A-2 para makaligo at makapalit ng uniform.
YOU ARE READING
Mr. Bully vs Ms.Bullied
RomansaNakaraan, ang nakaraan nila ni Xander na gusto'ng gusto ng takasan ni Megan na akala niya'ng nagagawa na niya pero dahil sa di malamang kadahilanan, isang araw bigla na lang nagiba ang takbo ng buhay niya. Never siya nambully ng iba pero dahil sa ma...
