Although beauty may be in the eye of the beholder, the feeling of being beautiful exists solely in the mind of the beheld.
----
"Isa na lang pala ang winewelcome ng head ng welcoming committee.." Ang pagpaparinig ng babaeng nasa bandang likuran nila.
"Ah, eh, sinasamahan lang naman niya ako.. Kasi pasaway ako." Ang confident na confident kong pagsagot sa kanila.
Tinakpan ni Kuya Kai yung bibig ko.. At sumenyas ng shh...
"Britt, look at her. "
"Tiffany, Liberty, shut up please? Sayang ang lip gloss niyo kung lalagyan niyo lang agad ng laway. Sino bang titignan ko? This fine girl standing infront of me? Ang babaeng kasama ng boyfriend ko?", Ang dali daling lumabas sa bunganga ng nasa unahan nila.
Natahimik lang ako.. EH MAY GIRLFRIEND PALA TONG SI KAI EH, MAKAPAG-GUIDE NAMAN SAKIN, AKALA MO WALANG MAGAGALIT!
"Brittany, diba hiniwalayan mo ako? Tumigil ka nga. Di ba break na tayo. Pinagdiinan mo pa nga na ako yung mali eh." Ang 'pag taboy ni Kai sa maling sugod ni Brittany.
"Girl, baka you mean 'ex' ".. Ang pa-joke time na hirit ni Tiffany at sumang-ayon naman si Liberty.
"Later.. I think we can work this one out.. again." Ang malanding pagsasabi ni Brittany habang hinahawakan ang mukha ni Kuya Kai mula buhok hanggang labi.
At umalis na sila, sabay sabay pa ang kembot sa paglalakad at ang isang nakakatuwa sa paglalakad nila, ang ingay ng kanilang mga high heels. Sumenyas ako at pinaglaruan ang pagtalikod ng mga Cheeritos, nag-mock ng pambabato at napangiti ko si Kai.
"Ganyan ka ba talaga kakulit?"
"Makulit ba 'to?"
"Mahinhin pero makulit ka, ang cute."
Napahinto ako sa sinabi ni Kuya Kai, momentum para sa kilig, ay anu ba yan.. First day, lumalandi agad. Hindi rin nagtagal at narinig na namin ang school bell, palatandaan na kailangan pumasok na sa kani-kanilang mga school, tulad ng sinabi ni Kai, dahil kung hindi ka pa nakakapasok after ng mga 15 minutes sa room mo after ng bell, may nag ro-rounds na 'banana boys' ang tawag sa kanila, huhuliin ka nila at ipupunta kay Professor Bana.
Hindi raw rason ang hindi narinig ang bell kasi halos yanigin na ang buong school ng bell na yan aba, tila mga bingi ang estudyante dito!
*Kriiiiiiiing! Kriiiiiiiing!*
"Ahh.. ehh, sige, mamaya na lang ulit, Shindy. Late na ako sa jamming namin. I mean MAPEH class.", ang pagpapaalam ni Kai sa akin.
"Sige Kuya Kai. Maya na lang po ulit ha? Salamat!"
Ngumiti siya at naging visible yung dimples niya. Nakakasilaw. Daig pa ang araw.. Pinagmasdan ko lang siya habang papalayo sa hallway. Teka nga.. KUYA KAIIII! SAAN YUNG ROOM KO DITO??? :|
Nakalayo na siya ng maalala kong hindi ko pa alam kung saan yung first class ko, all I know is Literature class ang unang subject ko. HALA. Paano na? Baka maabutan ako ng 'Banana Boys'm unti unti ng nauubos ang mga tao sa hallway hanggang ako na lang natira sa kakahanap ng room ko. Hanggang may narinig akong nagtatawanan na grupo paliko sa hallway kung nasaan ako. Ayun na yata ang 'Banana Boys'!!
Hindi na ako nakalayo at nakita ko na sila, at nakita na rin nila ako.. Suot ang maiitim na damit na mga nakaleather jacket, at may mga kadena na nakadesign sa pantalon at nababalutan sila ng cool--ness sa aura. Tumalikod agad ako at nagtangkang maglakad papalayo.

BINABASA MO ANG
When the Clock Strikes 12
Teen FictionNandito ako, wala ka. Pinangakuan mo akong dapat magkasama tayo ngayong gabi, pero ayan ka.. May kasayaw na iba.