Chapter One; With Head Held High

45 2 0
                                    

When all the guilt that's in your head, turns its back and plays for dead, you scorch the earth and torch the sky, conscience low and head held high.

----

"Motherhood! Nakapasa ako!"

YES! Nakapasa ako! Woohooooooo. :DD

Lumabas na ang resulta ng entrance exam! Pinangarap ko talaga na dito mag-aral. 2 taon ko ito pinaghandaan. High School na akoooooooooooooo!

Sa unang araw ng pagpasok ko..

Saan ba yung room ko dito? Maliit nga ang paaralang ito, pero lalamunin kang buhay dahil ignorante ka sa lugar. Suot ko ang unipormeng may shades ng kulay pula at green na pinagmumukhang matalino ang mga taong nag-aaral dito.

“HOY! Tumabi ka, dadaan ang mga boy scouts!”, May lalaking sumigaw sa likod ko at pagkalingon ko, napansin kong nakagilid lahat ng tao sa tabi ng mga lockers nila sa hallway at ako na lang ang natira sa gitna! May sumigaw na parang ang lalim ng boses na halos hinugot na ang lahat ng hangin sa katawan niya..

“Hhhhuughhh! Kaliwa, kanan, kaliwa, kanan..”

Napatulala ako dahil pinagmamasdan ko ang paa nilang sabay-sabay sa pag-martsa. Suot ang uniporme na kulay brown at may neckerchief na pula. Kapansin-pansin din ang madaming- - badge ba tawag doon? Yung parang mga bilog bilog na parangal sa kanila sa mga activities. Anyway, ayon, kapansin-pansin ang daming parangal nung nasa harapan. Tinignan ko ang namumuno sa kanila mula baba pataas..

Ang sapatos na kumikintab..

Ang maayos na pagtayo..

Ang madaming parangal na nakasabit sa kanyang damit..

Ang plantsadong neckerchief na pula..

Ang maayos na kwelyo..

Ang matapang na mukha..

Oyyy, gwapo siya ah. May tsura..

At ang matang nakatingin sa akin..

WAAAAAAAAAAAAAAAAIT! Ang matang nakatingin sa akin?!!! Shet, hindi ko na napansin na nakaharang ako sa dinadaanan nila! Masyado akong napatulala sa pagmamasid sa kanilang galaw at pag-examine sa namumuno sa kanila. Tumigil sila sa harap ko, at nagforward yung leader nila. Wow, napansin niya ako. :’’>

Nginitian ko siya at nag-‘hi’.

“Get.. out.. of my way.” Ang mataray niyang pagpapataboy sa magandang babae sa harapan niya, ay chos! Namula ako sa kahihiyan, ano ba yan! Unang araw pa lang, napahiya na ako! Hindi ko pa din alam kung anong gagawin ko, hiyang hiya na ako, tinakpan ko na lang yung mukha ko..

“Can’t you hear me? I said, get out. Ay wait, baka hindi mo lang naintindihan.. Sabi ko ALIS.” Pahabol pa niya, hindi naman pasigaw, pabulong pero medyo malakas, katamtamang lakas para marinig pa din ng iba..

May humila sa braso ko paalis ng dinadaanan nila, malakas ang pwersa kaya madali lang akong nahila..

“Wala ka bang alam? Alam mo ba kung sino yang hinarang mo?!”, ang tanong ng lalaking humila sa akin, hindi ko nga siya kilala eh! Ahhh, siya din yung lalaking sinigawan ako kanina.

“Ehh.. eh, hindi ko naman siya hinarang- -“ Paputol-putol kong sagot..

“Harangan mo na lahat ng tao, huwag lang siya.” Pinutol na niya ang sinasabi ko at sinabi ito.

Tinanggal ko na yung kamay ko sa mukha ko at tinignan ng maayos ang lalaking kumakausap sa akin.

Maputi at may sobrang ayos na buhok na medyo umaabot hanggang mata.. Hindi yung pa-emo na buhok.. Yung buhok na pang-gwapo na medyo buhaghag.. Singkit siya at nakasalamin.

Tinitignan ko lang ang bukas-sara-bukas-sara niyang bunganga sa pagsasalita sa akin, matangos ang ilong, at medyo mapulang mga labi.

“Shindy! Hindi ka na naman nakikinig sa akin. Huuuy, alam m ba ang mali sayo? Wala kang focus.” Ang nagmamatigas niyang hirit.

“Hay nakooo, mga baguhan talaga oh, hindi pwedeng maiwan mag-isa ang mga taong katulad mo. This is a top school, Shindy, hindi pwedeng ganyan. Kung gusto mong tumaga—“ Pahabol pa niya.

“Oo na.. alam ko na. Teka, sinu ka nga ba? Paano mo nalaman pangalan ko??” Ang mapaghinala kong tanong.. Ito yata yung gwapong nag-add sakin sa Facebook eh.. Sino ba yun? Ano nga palang pangalan nung lalaking nag-add sakin? Ayun! Si Dane!!

“Ako yung head ng welcoming committee. Sorry for being rude, where are my manners, I’m Kai. Paano ko nalaman pangalan mo? Shindy, kunin mo nga sa galaxy yang utak mo, may name tag ka.” Ang pabaril niyang balik sa akin ng mga salita.

Akala ko puro sungit lang ang lalaking ito.. pero ang gentleman pala niya. Lalo na nung nagpakilala, tinanggal niya yung glasses niya at inoffer ang kamay *hand shake*, ngumiti siya at sinabing..

“Kababae mong tao, hindi ganon ka soft ang kamay mo. HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA.”

AGH. Nakakahiya naman. At least, naglalaba ako ng damit ko. Sa kinis at lambot ng mga kamay ni Kuya Kai, halatang mayaman sila at hindi pa nga ata siya nakakahawak ng bareta. Nagpaikot-ikot kami sa campus, siya ang nagsilbing tour guide.

Ng napansin kong nahahati na naman ang mga tao, muling gumigilid sa kanilang mga lockers.. Hinarangan ni Kai ng braso niya ang paglakad ko at sinabing, “O ayan, dadaan naman ang mga Lavender Cheeritos, tumabi ka.”

Mga naka-ponytail ang mahahaba nilang medyo kulot at itim na buhok, suot ang medyo purple.. ay, lavender nga eh diba? Suot ang lavender at may touch ng yellow na pang-cheerleader na may nakalagay na ‘Cheeritos’ sa harapan ng kanilang pang taas na damit. Ang gaganda nila, nakaka-identity crisis..

Identity crisis?

Masyado na kasing pangit at gasgas ang ‘insecure’.

Kaya mas sosyal ang ‘Identity Crisis’.

Napansin nila kami.. at naglakad sila pa-diretso sa harap namin..

When the Clock Strikes 12Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon