Kapag sumapit ang alas-dose..
Para sa mga bata, todo kapit sa kumot at unan, todo takip sa mukha, baka sakaling may ibang makita. Totoo naman diba? Dahan-dahan, baka mapunit yang kumot sa kakahila, oy!
Para sa mga teenedyer na may lovelife, syempre inaantay na tumawag ang mahal nila. Bakit? Kasi diba may ganong unli tawag na tuwing gabi mo lang maaaring gamitin, mga 11PM-6AM lang ata yung ibang networks, at ayun ay para sa mga kuripot at nagtitipid.
Para sa mga nerd na subsob sa pag-aaral, mga gising pa yang mga yan, tiyak. Nagcacalculate pa ng mga formulas, gumagawa ng projects, o kaya dahil sa research nila. Tiis-tiis para makagraduate.
Para sa mga teenedyer na madrama ang buhay, (dito ako nabibilang) ayun, gising ng alas-dose kakaantay sa paborito nilang DJ, kakausap ng mga taong sawi sa pag-ibig, ife-feel mo naman kasi minsan makakarelate ka, tapos magpapatugtog siya ng mga pang-broken heart na kanta, kitams, damang-dama mo naman.
Para sa mga nagsasaya sa gabi dahil madilim.. Alam niyo naman na siguro kung anong pinupunto ko no? HINDI! Baliw ka, ang tinutukoy ko, yung mga nagpaparty ng gabi, hindi yang nasa isip mong nagsasaya sa dilim talaga. Papunta punta na lang sa Eastwood para mamasyal, hahanap ng chix o boylet na may hitsura. Pakakatandaan; itapat muna sa araw dahil may ibang cute na mga tao na sa dilim lang talaga cute.
At ang pinakamagandang pagsapit ng alas-dose.. ay ang pagtakbo ni Cinderella mula sa mahiwagang gabi ng pagsasayaw kung saan niya nakilala ang prinsepeng kanyang makakasama habang buhay.
Totoo naman diba???
Ako nga pala si Shindy Martinez, alam kong hindi ganon ka-inam o ka-ganda ang pangalan ko. Anyway, kung nakita mo na ako, ako yung magulo na straight ang buhok, hindi ganon kahaba, medyo singkit (sabi nila singkit eh), medyo maputi, na mahilig sa mga maluluwag na damit. Presko kasi yung maluwag na damit! Entrance-Exit lang ang hangin sa katawan mo dahil nga maluwag.
Third Year High School na ako sa isang publikong paaralan. Alam mo naman kapag publiko, mga party people ata mga nag-aaral dito. Ay hindi, actually, sama-sama pala yan. May mga conscious sa grade na makukuha nila, at may mga bartikal na nagcucutting kapag tinatamad na makinig.
Masaya kaya sa public! Andami mong makikilala, well, huwag ka na lang aasa na madaming gwapo, nako! Lahat ng gwapo nandoon sa private! Well, hindi naman lahat, I mean, bilang na bilang mo sa mga daliri mo ang mga gwapo sa public, totoo ba.. ?
O wala lang talagang gwapo sa paaralang pinasukan ko?
Pero alam mo kung anong meron sa mga lalaking nag-aaral sa public? Respeto sa mga babae at mga gentlemen, karamihan ng mga ganoon ay sa Third Year at mga Fourth Year, kasi may mga mature na ang pag-iisip kung tungkol sa pag-ibig.
Bakit hindi mga First Year? Mga baby pa kasi yan, hindi pa yan lalablayp, e kung maharot ka, nako, mahirap yan.
Bakit hindi mga Second Year? Kasi medyo wala pang experience yung iba, kung gusto mo naman lumablayp ng Second Year, siguro TAE method lang muna, TAE stands for Trial and Error. LOL. Para kung alam mo na ang mga dapat gawin, ayun, doon ka na lang magseryoso.
Nasabi ko na bang mag thi-third year na ako? Siguro oo, paulit ulit no? Unli to eh. Anyway, syempre tulad niyo, nagmahal at nasaktan na din ako.. at iyon ay kasalanan ni Rinel. Kilala mo ba yun? Si Rinel Deturbey? Isa siyang transfer sa paaralan kung saan ako pumasok, mag fo-fourth year na siya, isang taon ang pagitan.
Paano kami nagkakilala? Ganito kasi yon..
BINABASA MO ANG
When the Clock Strikes 12
Novela JuvenilNandito ako, wala ka. Pinangakuan mo akong dapat magkasama tayo ngayong gabi, pero ayan ka.. May kasayaw na iba.