♚ CHAPTER 1 ツ

171K 3K 198
                                    

A/N

Edited na 'to. Tinanggal ko lahat ng chapters so back to zero ulet pero ganun parin yung plot. Pinaganda ko lang at inayos ko. So, I hope na hindi kayo maguluhan.

.

Chapter 1

xxxxxxxxxxxxxxxx

"Tyang, tara na," Aya ko kay Tyang habang hindi parin natatanggal ang tingin sa puntod ni Tyong. Anibersaryo kasi ng pagkamatay niya, tatlong taon na ang nakakaraan.

"Mauna ka na Amara, gusto ko pang makasama ang Tyong mo ng matagal." Basag ang boses niya at patuloy na tumutulo ang luha ni Tyang. Wala akong magawa, lagi nalang siyang ganyan tuwing anibersaryo ng kamatayan ni Tyong.

Napabuntong hininga nalang ako. Walang mangyayari kung makikipag talo lang ako kay Tyang.

"Sige Tyang, kung may kailangan ka tawagan mo lang ako. Tsaka Tyang, umuwi ka ng maaga ha!" Bilin ko sakanya. Mapait niya akong nginitian at binaling muli ang tingin doon sa puntod ni Tyong.

Naglalakad ako pauwi ngayon. Malapit lang ang bahay namin sa sementeryo, sa tingin ko mga 25 minutes lang ang lalakarin ko pauwi.

Haay! Nakakaawa si Tyang. Simula ng mawala ang anak n'ya ay ganyan na 'yan. Laging depress pero hindi naman yung ganyang kalungkot dahil nandyan pa si Tyong para pasayahin siya. Pero n'ung namatay si Tyong, mahirap na 'yan makausap. Tanging si Tita Virgie nalang ang kinakausap niya, ang matalik nitong kaibigan.

Isang buntong hininga nanaman ang pinakawalan ko.

"Ineng, ang ganda mo naman, bagay sa'yo 'to oh." Napatingin ako sa paligid. Hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng mga paa ko sa Bayan. Maraming nagtitinda at mga tao.

"Hindi po." Sagot ko sa babae na nagtitinda ng mga kung anu-anong abubot.

Oo nga pala! Kailangan ko pang bumili ng ire-regalo ko kay Brianna sa darating n'yang kaarawan. Sa isang bukas, dise otso na siya at debut niya iyon kaya mahalaga ang araw na 'yon.

Palakad lakad lang ako at nag-iisip ng magandang iregalo sakanya. Ano bang magandang regalo?

"Ineng, gusto mo bang magpahula?" Napalingon ako sa isang matandang babae na naka upo sa gilid. Nakalahad ang kamay niya saakin at para bang niyayaya niya akong lumapit sakanya.

"Naku hindi po!" Agad na tanggi ko. Hindi ako naniniwala sa mga hula-hula. Hula nga diba so hindi iyon magkakatotoo. "Pasensya na po," Sabi ko at agad na naglakad palayo pero narinig kong sumigaw ang matanda.

"Tubig. ulan!" Tubig ulan? Anong ibig sabihin n'un? Ewan ko. Hindi ko nalang iyon pinansin. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad habang naghahanap ng magandang ipang regalo.

Ano kaya kung damit nalang? Kaso parang common na 'yon at sigurado akong marami nang magbibigay sakanya non.

"Amara!!" Napalingon ako sa likod ng marinig ko ang pangalan ko. Kunot noo kong hinanap ang taong iyon --

"Elene! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya nang makalapit ito saakin.

Kaibigan ko, si Elene Landan.

"Maghahanap sana ako ng magandang ipang regalo kay Brianna eh." 

"Ganun ba?! Parehas pala tayo ng gagawin dito. May naisip ka na bang magandang ibigay sakanya?"

"Oo. Ang totoo ay may nakita na akong magandang iregalo sakanya. Bibilhin ko nalang iyon." Sagot ni Elene. Mabuti pa siya, nakakainis! Bakit kasi ang hirap mag-isip ng pwedeng ipang regalo eh.

"Mabuti ka pa. Ako wala akong maisip eh. Tsk!" Singhal ko.

"Gusto mo tulungan kita?" Masayang banggit nito na ikinatuwa ko. "Oo naman!"

Celestial Princess ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon