Chapter 3
xxxxxxxxxxxxxx
Kain. Tulog. Ganyan lang ang naging buhay ko sa nakalipas na isang linggo. Wala na eh. Wala na si Tyang, pati si Brianna at si Tita Virgie ay wala na din sa bahay nila. Hindi nga natuloy yung debut ni Brianna kaya lahat ng imbitado ay nagtataka dahil wala namang cancellation na naganap.
"Amara, kumain ka muna." Narinig ko ang pagbukas ng gate. Pati na din ang pagsigaw ni Elene. Simula nung nawala si Tyang, sila na ng pamilya niya ang tumutulong sakin. Sila ang tumulong sakin para ipa-crimate ang bangkay ni Tyang.
"Salamat Elene, ilagay mo nalang d'yan. Wala pa akong gana."
"Kainin mo na 'yan Amara, namamayat ka na oh! Sige ka, mas aangat na ang ganda ko!" Simpleng ngiti lang ang sagot ko sakanya. Wala akong gana, kahit anong pilit. Gusto ko ng sagot sa mga katanungan ko.
Sino ba yung lalaking naka coat?
Bakit n'ya pinatay si Tyang?
Bakit nalang nawala bigla si Brianna?
Ano ang Evion na sinabi ni Tyang?
Ang gulo! Naguguluhan ako! Ang sakit maiwan ng mga mahal mo sa buhay.
"Tahan na Amara. Tahan na." Hindi ko namalayang tumutulo na ang luha ko. Imbis na tumahan ako, mas lalo lang akong naiyak dahil bigla akong niyakap ni Elene. Mabuti nalang at nandito siya -- sila ng pamilya niya kundi hindi ko alam kung anong mangyayari sakin.
"Maaayos din ang lahat Amara kaya tahan na. Tahan na."
Kailangan kong ilabas ang lahat ng sakit ng puso ko. Kailangan kong iiyak 'to.
.
May 21 X792. Halos dalawang linggo na ang nakakalipas ng mamatay si Tyang. Unti unti na akong nakaka move on at dahil yun sa accompany sakin ng pamilyang Landan.
Nandito ako sa bayan kung saan namin binili yung kwintas na ireregalo ko sana kay Brianna. Nandito ako ngayon sa isang comuter shop. Pinaputol ko na kasi yung internet sa bahay para mabawasan ang gastos isa pa hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera lalo na't wala na si Tyang.
Ngayon, naghahanap ako ng pwedeng ma-applayan ng trabaho. Yung tumatanggap ng high school graduated. Kahit waitress lang sa isang fast food restaurant. Nakakahiya na kasi kina Elene, baka nagiging pabigat na ako sakanila.
Nilista ko lahat ng possible requirments na kailangan. Barangay clearance, resumé , NBI clerance at kung anu-ano pang documents. Nilista ko din ang mga informations ng mga fast food restaurants para mapuntahan ko.
I created another tab to open my facebook account. Hindi na ako updated sa mga nangyayari through social medias. Hindi ko na din alam ang mga balita tungkol sa ating bansa.
12 notifications at 7 friend request ang meron ako ngayon.
Una kong binuksan ang friend request. Random lang 'yon at hindi ko kilala ang mga iba pero I accepted their request. Hindi ako famewhore at higit sa lahat ayoko ng discrimination in social sites. Kung gusto nilang makipag friend sakin, edi go.
Sunod kong binuksan yung notifications and I see a lot tagged post from Brianna and comments.
I click the post. Nakita ko ang picture ko, yung sinend kong picture na suot ang sana'y dapat na susuotin ko sa debut niya.
xxxxxx
"My gorgeous bestfriends." Ayan ang caption ng photo. dalawang pictures iyon at yung isa ang picture ni Elene na suot din ang sakanya.
BINABASA MO ANG
Celestial Princess ♚
Fantasia(COMPLETED) Isang simpleng dalaga lang si Amara ngunit nagbago ang lahat ng maganap ang trahedyang magbabago sa kanyang buhay. Pinatay ang kanyang Tyang ng hindi matukoy na lalaki. Dala-dala ang jewelry box na binilin ng Tyang, hinanap niya ang lug...