♚ CHAPTER 4 ツ

86.4K 2.1K 144
                                    

Chapter 4

xxxxxxxxxxxxxx

Naglalakad na ako paalis pero may isang babaeng naka coat na puti ang tumakbo sa harap ko na naging dahilan ng paghinto ko.

Ang amoy niya. Alam na alam ko iyon. Hinding hindi ako pwedeng magkamali. Si Brianna iyon.

Dapat ko s'yang habulin! Marami akong katanungan na kailangang mabigyan ng sagot. Kung ano nga ba ang nangyari at bigla nalang silang nawala.

"Brianna!" Sigaw ko pero hindi niya ako nililingon bagkus ay mas binilisan pa niya ang pagtakbo.

Sigurado akong narinig n'ya ag pagsigaw ko pero bakit hindi niya ako nilingon? 'Bat niya ako tinatakasan? Ayaw ba n'ya akong makita?

Bigla siyang lumiko sa isang eskinita. Mas masikip at mas madilim.

"Hoy Brianna! 'Wag mo akong takbuhan! Pansinin mo ako!"

"Umalis ka na Amara! 'Wag mo akong sundan! Mapapahamak ka!" Huh? Mapapahamak ako? Bakit?

"Bakit? Hindi ako aalis hangga't hindi mo ako kinakausap!" Sigaw ko ulit. Binilisan pa niya ang pagtakbo at pumasok pa siya sa isang eskinita na mas masikip.

"Fvck!" Sigaw ni Brianna nang bigla siyang napahinto kaya nauntog ako sa likod n'ya.

"Amara?! Bat ka pa sumuno --"

"Wala ka ng takas Ms. alcetis." Napalingon ako sa likod ko. May mga tatlong lalaki na naka coat. Katulad na katulad ng suot nung lalaking pumatay kay Tyang.

"Fvck! Lagot na." Bulong ni Brianna. Hinawi niya ako papunta sa likod niya na para bang pinoprotektahan ako.

Naguguluhan na ako. Kung tama ang mga hinala ko kanina, sila Brianna ang pakay ng lalaki at nagkataon lang siguro na nakita iyon ni Tyang kaya pati siya nadamay.

"Trey, 'wag dito." Matapang na sagbi ni Brianna.

"Why Ms. Alcetis? Natatakot ka na makita ng kaibigan mo ang kaya mong gawin?" The middle man said. Inalis niya yung hoodie na nakasuot sa ulo niya at kahit madilim, kita ko ang mukha nito. Itim na itim ang buhok, matangkad at hindi maipagkakaila na may itsura siya.

"No. Gusto kitang bigyan ng consideration. Ayaw naman kitang mapatay sa ganitong lugar, ang cheap." Huh? Mapatay? I-i Can't take this anymore. Gulong gulo na ako sa mga pangyayari. Mamamatay tao si Brianna?

"I like your friend. Maganda s'ya huh."

"Fvck you Trey! ako lang ang kalaban mo dito for pete sake! 'Wag niyong gagalawin si Amara kundi --"

"Kundi ano Miss Alcetis?" He said in his playful voice.

"I will let you experience the blazing fire of hell." Sabi nito at mabilis na tumakbo palapit doon sa Trey.

"Get that girl. 'Wag niyo siyang sasaktan." tinuro ako nung Trey. Bakit pati ako eh wala naman akong ginawang masama sakanila. Gagawin din nila sakin yung ginawa nila kay Tyang?

Tumakbo palapit sakin yung dalawang naka coat pero nang magkalapit na sila ni Brianna, bigla nalang natumba ang mga ito. Ewan ko kung ano ang nangyari pero ang weird! Ang weird talaga!

Huminto na si Brianna sa pagtakbo. Magkatapat sila ni Trey at nagtititigan. Base sa pag-uusap nila, matagal na silang magkakilala.

"Sinabi kong ako lang ang kalaban mo dito Mister Hawkeye."

"You've became more tough, My Love."

"My looooove?!! What the -- My Love daw Brianna?!" Nakakagimbal ang mga nalalaman ko! May boyfriend na si Brianna?

Celestial Princess ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon