Kasalukuyang nagdidiscuss si Sir Charles pero nasa malayo parin ang tingin ko. Nawawalan na din kasi ako ng interest na mag-aral sa tuwing iniisip ko na mawawala din ako. Narinig ko na nagchichismisan ang mga nasa likod namin. Okay lang 'to kasi para kay Sir Charles wala siyang pake kung makikinig o hindi ang mga estudyante niya.
"Narinig niyo na ba yung balita? Yung kapatid ni Fredirick patay na."
"Sabi nila dahil daw sa sakit sa puso."
"Huli ko siyang nakita parang wala siyang sakit."
"Kawawa naman"
Nagkaramdam ako ng takot dahil sa narinig kong iyon.
Paano kung ikaw ang susunod Viean? Paano nga kung magaya ako sakanya? Paano nga kung oo? Natatakot ako.
Pagkatapos ng klase ay agad akong pumunta sa burol upang mabigyan ng alone time ang sarili ko.
Kakalimutan ko muna yung narinig ko kanina dapat wag ako masyadong mag-isip baka mangyari na naman yun.
Kitang kita ko mula dito ang dagat. Humiga ako sa damuhan at saka ibinuka ang aking mga kamay.
"Ang saya mabuhay"
Sandali pa ay may napansin akong isang matayog na puno, medyo nasa mababang parte ito kaya hindi ko agad napansin noong unang beses akong pumunta dito. Bumangon ako para puntahan ito. May nakasabit ditong duyan.
"Bukod sakin siguro may pumupunta din dito. Hindi lang pala ako ang nakakaalam sa paraisong ito."
Sinubukan kong higaan ang duyan at inugoy ko ang aking sarili gamit ang paa ko.
"Sana may mapagsabihan ako. Gusto ko ng makakausap."
Wag ka ng mapagparamdam sa akin Viean. I don't need an Immature Bestfriend. Isip bata ka talaga. Tss
Immature ba talaga ako? Isip ba talaga ako? Siguro tama siya. Pero wala siyang karapatan na saktan ang feelings ko. Hindi niya ako inintindi, sarili lang niya ang palagi niyang iniisip. Simula nung pinagselosan ako ng girlfriend niya lumayo na siya sakin, palagi niya akong iniiwasan hanggang sa hindi na siya nagparamdam tapos bigla bigla na lang siyang magtetext sakin na layuan ko na siya? Na ayaw na niya sakin? Hindi naman niya kailangang sabihin yun sakin e dahil simula nung iniwasan niya ako kinalimutan ko na din na may kaibigan ako. Hindi ganun ang tunay na friendship. Pati ba naman sa isip ko hindi niya ako tinatantanan
Gusto ko ng makapagtime travel baka sakaling sa dimension na mapuntahan ko ay wala akong alalahaning iba kundi ang magpakasaya lang ng magpakasaya. Baka sakaling magawa ko na din ang mga bagay na hindi ko kayang gawin.
Kitang kita ko mula dito ang paglubog ng araw. Bumangon ako at inilabas ko ang aking camera upang kunan ito ng litrato.
"Napakaperpekto"
Bata pa lang ako pinangarap ko na maging isang professional photographer pero second option ko lang yun dahil pagluluto talaga ang passion ko. Alam ko puro sunog ang mga niluluto ko, kung hindi sunog, maalat, kung hindi maalat, matabang. Naaaral naman yun e, matututo din ako.
Pero kahit gaano man kasaya ang mabuhay hindi parin mawawala sa isipan ko na mawawala din ako. Na matutuldukan din ang lahat.
For now on, I choose to enjoy life. As Lao Tzu once said "A journey of a thousand miles begins with one step." And that one step I know is time traveling.
YOU ARE READING
Time Travel
FantasyThe incredible things sometimes happens in life. This is a story of a helpless girl who wants to escape time and leave the world. A girl who hated her life, and hurting inside. But instead of killing herself she never stop hoping to go back in time...