"Manong, bayad po"
Sabi ko sa driver bago ako bumaba. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Ang daming tao. Hindi ko alam kung saan na ako napadpad.Hindi ko tuloy alam kung saan lulugar dahil sa bawat sulok ng kalsada ay napakaraming tao. Maaga kasi akong umalis ng bahay pero ayoko muna pumasok ngayon. Mmm... Gusto ko lang. Gusto ko lang maglibot-libot. Mahirap lang ako, mahirap sa kaibigan kaya madalas nasa bahay lang ako, nagbabasa ng libro, naglalaro mag-isa, kinakausap ang sarili. Patawa ako. I know I'm weird but sometimes it makes me laugh and that just makes me super happy for no reason. Kaya gusto kong lumabas ng ako lang para naman maspread ko din ang wings ko kahit dito lang.
"Ang gwapo niya talaga!"
"At ang galing pa!"
"inlove na yata ako!!"
"tumigil ka diyan staycee! ipinanganak siya para maging akin. Wag kayong assuming!"
Rinig kong sabi ng mga babaeng etsyusera sa isang kumpulan.
Ano kayang andun?
Nakarinig ko ang isang beat ng drum na animo'y introduction upang umpisahan ang pagtugtog. Napako ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang imahe ng dahilan sa kumpulang ito. Napapasunod ang ulo ko sa bawat pag hit nito sa drum.
Parang familiar ang mukha niya. Parang nakita ko na siya. Saan nga ba yun? Sa isang camping? Prom? Journalism? Seminar? Saan nga ba? Sa isang audition? Hindi ko maalala kahit ang pangalan niya. Pero ang laki na ng pinagbago niya.
Naramdaman ko ang pagreklamo ng tiyan ko.
"My stomach is mad at me. Gutom na ako"
Gusto ko ng umalis dito sa kumpulan dahil hindi na din ako makahinga sa dami ba naman ng taong dumudumog sa palabas ng taong 'to.
Ganun ba siya kagaling upang magkaganito ang mga tao? Pero oo nga, magaling nga talaga siya.
Kainis naman e.
Para akong hihimatayin dahil sa kawalan ng hangin. Paano ko ba kasi mapapahinto ang taong ito. Hindi ako makaalis dahil ayaw ako padaanin ng mga tao.
"Excuse me po.."
"Ano ba yan!!!"
Sigaw sakin ng isang babae. Nabaling sa amin ang atensyon ng mga tao, napansin ko din na huminto ang nagdradrum. Parang huminto ang mundo ko dahil sa nangyayari, sobrang kahihiyan 'to. Bumibilis na naman ang pagtibok ng aking puso. Iniangat ko ang ulo ko para tignan kung sino ang walang hiyang sumigaw sakin. Si Ruby. Nandito din pala ang babaeng 'to. Si Ruby ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante sa school. Maganda kasi siya kaya wala akong laban sakanya.
Hindi din siya pumasok?
"Ow weirdo, bakit andito ka? Hindi ko alam na mahilig ka pala sa ganito." sabi nito habang ngumingisi ngisi pa.
At kailan ka pa nagkainterest na malaman yun ha?
"Sorry weirdo, ayoko lang kasi na iniistorbo ako."
Tss, ang o.a nun ha. Kailangan talaga sigawan?
Ikinuyom ko ang dalawa kong palad na animo'y handang sapakin siya anumang oras. Gusto ko siyang sumbatan ngunit ayokong sayangin ang oras ko sakanya. Napabagsak na lang ako ng balikat, inayos ko ang salamin ko at saka naglakad palayo sa lugar na yun.
"Good bye weirdo!"
Rinig kong pahabol nito.
Akala mo naman kung sino. E kung upakan kaya kita?! Hindi mo yata alam nag-aral ako ng taek wondo. Tss, ang hangin talaga ng babaeng yun. Kung hindi lang sa mga humahanga sayo binigwasan na kita.
Tumigil ako sa isang mahabang upuan sa hintayan ng bus dahil kanina pa ako ginugulo ng puso ko.Nahihirapan ako huminga, sumabay pa yung babaeng yun.
Hindi ko na kaya...
Relax ka lang Viean. 1 2 3 4 5 6 7
Tumayo ako at huminga ng malalim.
Sayang naman ang araw na ito kung hindi ako mag-eenjoy. Ngayon nga lang ako lumabas ng ganito dapat sulitin ko na dahil baka ito na din ang una at huli kong gagawin 'to.
Naglakad lakad ako at hinahayaan lang ang aking mga paa sa kung saan man ako dalhin nito pero hawak hawak ko parin ang naninikip kong dibdib. Napatigil ako sa harap ng isang store. Tumingala ako upang tignan ang pangalan nito.
KATY
Nilapit ko ang aking mukha sa glass cover ng nasabing tindahan, itinakip ko pa ang dalawa kong palad sa magkabilang gilid ng aking mukha upang makita ang nasa loob nito.
Ang daming iba't ibang klase ng gitara, may drums din, piano at madami pa.
Naalala ko tuloy yung gitara ko, ang tagal na palang nakastock nun, sira kasi. Namiss ko tuloy maggitara.
"Yes ma'am? What can I do for you? "
Nagulat ako ng narinig kong nagsalita ang isang sales man ng KATY store. Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakadungaw. Tumingin ako sa nagsalita at nginitian ko lang ito. And he smiled me back.
"mmm... No, nothing, sorry, thank you"
Sunod-sunod kong tugon sakanya at kita ko ang pagkunot ng kanyang noo na tila ba naguguluhan din sa sinabi ko. Nginitian ko ulit siya at naglakad na palayo.
Dinala ako ng aking mga paa sa isang amusement park. Napangiti ako ng abot tenga. Maluwang ang lugar na ito. May large picnic area, pleasure gardens, at iba't ibang rides. May carousel, roller coaster, flat rides, train rides, water rides, dark rides, at ferris wheel.
Ang saya naman dito.
Ngunit nawala din kaagad ang mga ngiti sa aking labi ng mapagtanto ko na hindi ko pala masasakyan ang mga rides. Nakakapanghinayang. Umupo nalang ako sa isang bench at tumingala.
"kailan kaya ako magiging malaya?"
YOU ARE READING
Time Travel
خيال (فانتازيا)The incredible things sometimes happens in life. This is a story of a helpless girl who wants to escape time and leave the world. A girl who hated her life, and hurting inside. But instead of killing herself she never stop hoping to go back in time...