9.Missing

16 4 6
                                    

Naglalakad ako papuntang classroom ng makabungguan ko si Ruby at ang mga buntot nito na sina Ann, Jane, Via, at Karen. Napahawak na lang ako sa balikat ko dahil sa lakas ng pagkakabunggo nito sakin. Kung makatingin sila sakin parang napakalaki ng nagawa kong pagkakamali sakanila.

"Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!"

"Tinuringang apat ang mata hindi pa kami mata!"

"Ang pangit mong weirdo ka!"

"Kakairita sa mata!"

Tss, akala mo naman ang gaganda. Pagsisipa-sipain ko pa kayo.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Weirdo talaga" Rinig kong bulong ni Ruby.

"Kumikislap na parang tala,
Bulaklak na kay ganda,
Ruby na aking sinisinta,
Nasaan ka?"

Bungad ni Jann Mykelle pagpasok pa lang ng classroom. Si Jann Mykelle ang makata ng Room 3 at patay na patay kay Ruby. Tumingin ako sa kung saan nakaupo si Aivan

Wala pa siya.

Patapos na ang first period pero wala parin siya. Hindi ba siya papasok? Hindi man lang siya nagpasabi.

Nasaan kana ba Aivan?

"Good morning Ma'am. Sorry I'm late."

"Next time agahan mo na pumasok Mr. Tyler. Pumunta ka na sa upuan mo."

Bakit ka ba late Aivan?

Nginitian lang ako nito at parang wala talaga siyang balak na sabihin sakin.

"Late lang ako nagising Yan Yan"

Yun lang ba talaga?

"Oo Yan Yan, yun lang yun"

"Narinig mo 'ko Aivan?"

"Hindi. Ano ba sinabi mo?"

"Wala naman"

Aivan's POV

"Ayoko na po bumalik diyan Ma"

"Sa ayaw at sa gusto mo babalik ka dito. Kung ayaw mo, kami mismo ang pupunta diyan sa Pilipinas para sunduin ka!"

"Hindi po. Hindi ako sasama. Dito na lang po ako please Ma."

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Yan Yan. Gusto na nila akong pabalikin sa Australia. Samantalang sila mismo ang pumilit sakin para dito mag-aral. Ngayon pa ba? Ngayon pa ba at nabigyan ako ng rason para magstay dito? Ayaw kitang iwan Yan Yan. Ayoko.

Nakatingin lang siya sakin na para bang naghihintay ng kasagutan. Alam ko na kahit hindi siya magtanong kita ko sa mga mata niya.

"Late lang ako nagising Yan Yan."

Nakatingin parin siya sakin na para bang hindi siya kuntento sa sagot ko.

"Oo Yan Yan, yun lang yun."

"Narinig mo 'ko Aivan?"

Ano bang tumatakbo sa isip mo Yan Yan?

"Hindi. Ano ba sinabi mo?"

"Wala naman"

Inilabas ko ang phone ko at tinitignan ko lang ang nasa screen nito. Ginawa ko kasing wallpaper ang picture ni Yan Yan para pagbukas ko ng phone ko siya agad nakikita ko.

Nacucurious na 'ko sakanya. Palagi na lang siyang nagsusulat. Kapag kasama ako nagsusulat parin siya, kahit walang teacher nagsusulat parin siya, palagi pa nitong hawak hawak ang notebook na yun. Nahihiwagaan tuloy ako.

"Yan Yan?"

"Bakit?"

"Sino yung babaeng yun?" Sabay turo sa creepy na babae.

"Ah, si Ruby. Ruby Alfonso. Bakit? Type mo?"

"Hindi no. Kanina pa kasi siya nakatingin. Naiirita tuloy ako."

"Di pa ba obvious Aivan?"

"Obvious ang alin?"

"Wala"

Sabay sunsob ito sa desk niya. Ang gulo gulo ng babaeng 'to. Pati tuloy ako nawiweirduhan na.

"Tara sa burol Yan. Wala naman na tayong last subject e. Nakaleave daw si Sir."
-------

Umupo kami sa may damuhan kung saan ay tanaw na tanaw namin ang sunset.

"Kanina mo pa dala-dala yang gitara na yan. Anong meron?"

"Gusto mo ba subukan?"

Inilabas ko ito at saka ko iniabot sakanya. Tinutugtog niya ang... ang... love story ni Taylor Swift at bigla na lang itong kumanta.

"Bakit ka tumigil?"

"Pangit boses ko. Ito sayo na. Ikaw nagdala niyan kaya ikaw tumugtog."

"Paano kung sabihin ko sayo na para sayo yan?"

Para sayo talaga yan. Nakita ko kasi nung dumalaw ako sainyo ang sirang gitara mo na nakasabit. Tinanong ko si tita at sabi niya sayo daw yun at matagal na daw nakastock iyon. At noong nakita kitang nanonood sakin hindi mo napansin na sinundan kita na napahinto sa KATY. Binili ko 'to para sayo kasi baka bumalik na nga ako ng Australia.

Napatingin siya sakin dahil sa sinabi ko na tila hindi ito makapaniwala

"Sayo nga yan"

"Ano naman ang nakain mo at natripan mo akong bigyan nito?"

"Masama ba? Ayaw mo? O sige babawiin ko na"

"Okay"

"Loko talaga 'to. Di mo 'ko naaappreciate. Kakatampo 'to"

"Thank You Aivan. Kaso mahal 'to."

"E ganun din naman kita."

"Ha?" tanong nito na may pagtataka.

"Wala."

"Yung Ruby parang step sisters ni Cinderella. Inaaway ka ba nun?"

"Hindi naman..... Sakto lang"

Kailan naman kaya naging sakto ang pang-aaway aber?

"She's just making me pissed off all the time. Seems like she's always insulting me. That's it"

"I utterly hate people's attitude especially to those who's insulting my bestfriend! If she'll do it again there would be definitely world war 3. I'll bury her alive! How is that?"

"Cool" tipid nitong sagot.

"No worries I'll have some fun with that creepy one."

Viean's POV

Ang yabang nitong creature na 'to. Pero ramdam ko ang concern niya. Kaso hindi ko parin maintindihan kung bakit niya ako binilhan nito? Ano ba siya? Nagtatapon lang ng pera? Nakatingin na naman siya sa cellphone niya.

O, sige yan na lang ang kausapin mo.

"Ano ba kasing nandiyan sa cellphone na yan at palagi kang nakatingin diyan."

Inagaw ko ito mula sakanya. Pero bakit... bakit ganito? Nagiging abnormal na naman ang puso ko.

Will you just behave!

"Aivan, mauna na ako ha. Kita na lang tayo bukas!"

Kumaripas ako ng takbo at hindi lumingon sakanya. Rason para kapusin ako ng hininga. Napapahawak na lang ako sa dibdib ko. Kinuha ko agad ang inhaler ko sa bag at nilanghap ito.

Engot mo kasi Viean. Bakit ka ba kasi tumakbo?! Paano ako nagkaroon ng picture sa cellphone niya?

Natauhan ako ng hindi ko mahagilap ang journal ko sa bag. Chineck ko na sa lahat ng pocket nito. Inilabas ko na din lahat ng laman ng bag ko.

Saan na yun napunta?! Hindi maaaring may makabasa nun! Napakaburara ko talaga. Tss, engot mo Viean. Engot!


Sana nandito ka lang. Mamamatay ako kapag hindi kita nakita...

Time TravelWhere stories live. Discover now