12.Time Traveling

29 2 3
                                    

Aivan's POV

"Tao po"

"Oh, Aivan. Ano sadya mo?"

"Si Yan Yan po?"

"Hindi mo ba nakasalubong? Kakaalis lang niya anak"

"Ah, eh, sige po tita. Salamat po"

Kumaripas ako ng takbo, wala akong pakialam kung may mabunggo man ako. Bigla akong napatigil ng may mahagilap ang mga mata ko sa isang garden dito sa bayan.

"Y-Yan Y-Yan?"

Ang tamis na mga ngiting pinapakawalan niya ngayon. Gusto ko yan, mabuti at masaya ka.

"Bakit andito ka?"

"Eh, bakit andito ka din? at tsaka bakit hindi ka nakaschool uniform? Hindi ka ba papasok?"

"Umm... Kasi ano, susunduin ko sina mama ngayon sa airport Yan Yan."

"Ganun ba"

"Bakit wala ka kahapon?"

Alam mo bang pinag-alala mo ako ng sobra

"A-ano k-kasi sumakit yung tiyan ko. Oo, yun nga. Sumakit yung tiyan ko kaya hindi ako nakapasok. Sorry a"

"Okay lang Yan Yan, okay ka na ba ngayon?"

"Mmm...."

"Challenge me Aivan"

"Challenge? Bakit?"

"kung ayaw mo ikaw na lang ichachallenge ko."

Ano bang nangyayari sayo Yan Yan?

Napapakamot na lang ako sa ulo sa mga iniisip nito.

"Live a day without me. No communication at all. And if you passed it I swear I'll love you forever."

Bakit?

"Mmm... Okay"

Nag-agree na lang ako kahit na ayoko sana. Alam kong cheesy man o kacornyhan 'to. Hindi ko kaya iyon.

"Aivan, I must go"

"Take care Yan Yan. Avoid that white stingy frog as well as the chimpanzee okay."

Ingat ka Yan Yan

Viean's POV

kapag nagawa mo ang challenge na 'yon Aivan hindi ka na mahihirapan pa mag-adjust kung sakaling may mangyari na hindi inaasahan.

"Palagi ka na lang nakayuko,
Napakamahiyain mo naman masyado,
Hindi ka mahal nun
Sinasabi ko sayo"

Napakunot ako ng noo at tumingin sakanya ng diretsyo dahil sa bungad ni makatang si Jann Mykelle. Kung ano-anong pinagsasabi ng taong 'to. Mahal daw tss. 'nu daw yun. Nakita ko naman si Dylan na nakaupo sa may likuran na tila ba inaabangan ako. Uupo na sana ako ng biglang mayroong humila sa upuan ko at napaupo sa sahig. Umaalingawngaw ang tawanan nilang lahat. Para akong inililibing ng buhay dahil sa kahihiyan.

"Siguraduhin mo na magiging maayos ang kalagayan mo ha. Umuwi ka ng maayos."

Oo, tama. Wag kang papaapekto Viean. Inhale.... Ex-----

"Apat na nga ang mata mo hindi mo pa makita ang uupuan mo. Tatanga-tanga kasi!"

Napatigil ako dahil sa sinabing iyon ni Dylan. Gusto ko sanang umiyak pero ayokong ipakita sakanila na naaapektuhan ako. Agad akong tumayo at tumingin ng masama kay homo sapiens.

"Iiyak na yan! Iiyak na yan! Iiyak na yan!"

Rinig kong sigaw ng mga classmates ko. Ikinuyom ko ang aking mga kamao. Gusto ko siyang sugurin at tanggalan ng ulo. Ngunit umalis na lamang ako sa lugar na iyon at tumungo sa comfort room. Doon lumabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Akala ko ba malakas ka? Wag ka ngang magpaapekto sakanila! Malakas ka okay? Malakas ka!"

Pinunasan ko ang aking mga luha, tumingin sa salamin at saka ngumiti.

"Fighting!"

Napahinto ako bigla ng maaninag ko na bumukas ang isang pinto ng toilet cubicle.

S-si R-Ruby.

Nilapit nito sa akin ang kaniyang mukha at saka bumulong.

"Weirdo"

Gusto kong umalis, gusto kong tumakbo ngunit tila may nakadikit na super super super glue sa aking mga paa para hindi ako makagalaw.

Napabagsak ako nang maramdaman ko ang malamig na tubig na bumabalot sa aking buong katawan. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng mga luha. Hinawakan ako sa kwelyo at pilit ako itinayo, pinagtutulak ako ng limang babae hanggang sa masandal ako sa pader.

"Ano ha?! ano?! Ang epal epal mo kasi e. Sino ka ba para angkinin ang sa akin?!"

"Ano bang ipinagmamalaki mo? Ang specs mong makakapal ang frame?"

Hinubad nila ang suot kong salamin na nagpalabo sa aking paningin rason upang hindi ko makita ang mga halimaw na ito.

"Gusto mo bang ilibing ka namin ng buhay ha? Okay, para may choice ka naman. Ililibing ka namin ng buhay o ililibing ka namin ng patay? Pili na"

Wala akong makita, nanlalambot ang aking katawan. Wala man lang akong magawa upang ipagtanggol ang aking sarili.

"Aivan."

"Ow poor weirdo."

"Where is your prince? He isn't be here to save her princess. Give me the scissor Karen"

"A-are y-you s-sure Ruby?"

"Ano ba Karen!! Give me the scissor I said!"

So, si Ruby pala at ang mga tentacles niya. Sila pala ang halimaw na nagtatangkang patayin ako.

Akmang gugupitin na ni Ruby ang aking buhok ng marinig kong bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Zoe na tila walang pake sa mga nasasaksihan. Nagawa ko pang pumiglas at nakawala sa mga kamay ni Ruby. Kumaripas ako ng takbo at hindi iniinda ang sakit ng puso ko. Wala na akong pake kung mayroon man akong mabunggo kailangan ko lang makaalis sa lugar na ito.

Hinahayaan ko lamang ang aking mga paa na dalhin ako sa kung saan man nito naisin. Rinig ko ang samut-saring ingay ng mga tao sa paligid, ang ingay ng mga sasakyan. Napaupo ako sa aking kinatatayuan. Napakahelpless ko. Nakakaawa akong tignan.

"Aivan"
-------

Napaangat ako ng ulo ng marinig ko ang busina ng mga sasakyan. Napagtanto ko na nasa gitna pala ako ng kalsada.

Nakakapagtaka, paano ako napunta sa gitna ng kalsada?

Nakakapukaw ng pansin ang mga sasakyan. Nag-iba ang modelo ng mga ito, nauutusan mo ito saan mo man gusto pumunta, lumiwanag din ang paligid at napakaraming buildings, parang naging mas advance.

Kailangan ko ng umuwi.

Tumayo ako at pinagpag ang uniform ko. Maglalakad na sana ako ngunit hindi ko na alam ang daan pauwi.

Nawawala ba ako? Saang lupalop ako naroon?

"Manong anong lugar po ito"

"Amherst, Evenson Street"

Hometown ko 'to na nagtransform bigla? Paano?

"Kailangan ko na talagang umuwi pero hindi ko alam kung saan tutungo. Para akong nasa kawalan. Sino ba ang makakasagot sa mga katanungan ko?"

"M-miss? O-okay ka lang?"

Nilingon ko ang taong nagsalita. Napakaplain ng mukha nito, ang cold ng boses niya, nakapantalon ito, nakatshirt at longsleeve at saka rubber shoes, ang gulo din ng buhok na animo'y dinaanan ng pitong bagyo.

"O-okay lang po ako"

Nginitian lamang ako nito saka nagpatuloy sa paglalakad. Ibang iba siya sa mga tao na nasa paligid, napakasimple niya.

"Miss!"

Huminto ito ngunit hindi lumingon.

"Anong taon na po ngayon?"

"2027"

Na-stiff ako na parang isang yelo. Nang mapagtanto ko








N-nasa future ako. Paano?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 13, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Time TravelWhere stories live. Discover now