"Iha Iha gising na kakain na ng tanghalian" habang niyuyugyog ako ni manang. Napaoo nalang ako. Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata. Ganito talaga ako pagkagising wala pa sa wisyo. Naghilamos muna ako ng mukha at nagpalit ng pambahay.
Bumaba na ako at dumeretso na sa dining room. At shocks.! Namiss ko masyado ang Filipino food.
^____^ Omo.! Menudong Gulay!!!
"Nilagay ko na ang mga napatahi kong uniform mo sa cabinet mo. Sabi ng iyong principal at adviser mo na maaari ka ng pumasok." Sabi naman ni manang habang ineenjoy ko ang pagkain ko. Tatangu-tangu lang ako habang ngumunguya.
"Eh,manang ano pong section ko? At yung mga things ko po na kailangan sa school?" Sunod sunod kong tanong kay manang. Umalis sya saglit at may kinuha sa cabinet na papel. Umupo sya sa harap ko at inabot sa akin yon. Binasa ko iyon.
9 notebooks
Pad paper
Half cross and lengthwise
One fourth
Black, red, and blue ballpen
Art materialsNang mabasa ko iyon. Kumunot agad ang noo ko. "Manang, I thoughts we will be using gadgets only not like this. In France we usually used gadgets only" sabi ko sa nagmamaktol na tono. Tumawa lang sya kaya napanguso ako.