Chapter 1

130 10 12
                                    

(Sabrina's POV)

"Y-You bitch! Mang-aagaw ka talaga! Ang kapal mong agawin yung boyfriend ko!" sigaw sa'kin nung babaeng iskandalosa.

Hindi ko siya pinansin nagtuloy-tuloy nalang ako sa paglalaro ng flappy bird. Ano ba namang ibon to. Ang likot :v

"Hoy! Are you listening to me?! Pagkatapos mong agawin yung boyfriend ko nagawa mo pang maglaro?! At ngayon, break na kami! Lahat nang to kasalanan mo! Tas nagagawa mo pa kong snob-in?! Ang kapal kapal talaga ng mukha mo! Ang landi landi mo!" 

I just rolled my eyes.. Hayyyy nako! Panira lang ng umaga tong babaeng to! Hayszxc. Naha-haggard tuloy ang beauty ko! Di niya ba naisip na mukha lang siyang tangang sigaw ng sigaw sa harapan ng isang prinsesa/ diwata/ diyosa ng kagandahan? :3

"Hoy bitch! kausapin mo ko! Wag mo kong snob-in! Ang landi landi mo! Flirt! Slut! Whore! Mang-aagaw! Haliparot!"

"BOOM! GAME OVER!" sabi ko at tiningnan ko siya

"H-huh?"

"Sabi ko game over na ko dito sa nilalaro ko. Ang ingay ingay mo kasi. Makalayas na nga!"

Tumayo ako at aalis na sana kaya lang nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang braso ko.

"Wala ka bang manners?! Huh?! Ikaw na nang-aagaw ikaw pa may karapatang umasta ng ganyan?! Huh?!" Galit na galit niyang sabi. Mukha siyang dinosaur. Mas pumanget tuloy siya. HAHAHA! I just rolled my eyes again at aalis na sana ng bigla niyang hilahin ang buhok ko.. Mukhang gusto talaga ng panget na to ng away eh.. Tskk.

"Wag na wag mong uliting hawakan ang maganda kong buhok kung ayaw mo ng gulo." sinabi kong puno ng awtoridad, at biglang tumalikod. 

Maglalakad na sana ko nang bigla niya na namang hilahin ang buhok ko. Sinabihan ko na siya. 

Inalis ko yung pagkakahawak niya sa buhok ko, then I smile at her sweetly.. 

Then I punched her face. 


Oo, sinuntok ko siya sa mukha... sinapak, binoxing, minany pacquiao, jinombag or kahit anung gusto mong itawag dun. Di ko siya sinampal. Masyadong mahina yung para sa ginawa niya sa buhok ko. Halos ilang oras kong sinuklay at kung anu-anong shampoo at conditioner ginamit ko dito tas hihilahin niya lang?! The fck. 

Nakita kong dumudugo yung ilong niya. Yung PANGONG ILONG niya. 

"W-what have you done?!" natataranta niyang sabi habang pinipigilan niya yung pagtulo ng dugo. 

Nilapitan ko siya, tinaasan ng kilay at sinabing "una sa lahat, di mo ikagaganda at ikalilinis ang pagtawag sakin ng slut, whore, bitch malandi, flirt at kung anu-ano pa. Isa pa, kesa sakin ka magalit ng magalit bakit di ka dun sa harap ng boyfriend mong taksil mag iskandalo? Kung totoong mahal ka nun, kahit maghubad pa ang pinakamaganda at sexy na babae sa harap niya hinding hindi yun gagawa ng kalokohan! At higit sa lahat" mas lalo akong lumapit sa kanya "wag na wag mong hahawakan yung buhok ko. Ulitin mo pang hawakan ang buhok ko ifa'flying kick kita papuntang pluto! sigaw ko sa kanya atsaka ko siya tinalikuran. 

Bwiset na babaeng yun! Panira ng maganda kong mood! 

napahinto ako bigla ng mramdaman kong may humawak sa buhok ko. Aba! Gusto talaga nito ng sakit ng katawan ah? At bigla-bigla niya kong sinugod. 

"Bitawan mo yung buhok ko!"

"Ayoko! Dapat lang yan sayo! Malandi ka!"  sabi niya


At dahil ayaw niyang bitawan ang buhok ko, ginamit ko yung pinaka malupit kong technique.. Kinagat ko siya sa braso! Kaya napabitaw siya ng di oras

HAH! Kala niya ah! 

"WHAT'S HAPPENING HERE?!"

Bigla kaming natigilan nang makita namin si Ma'am Alex. Ang Vice Principal namin, na galit na galit na nakatingin saamin. 

"YOU. TWO. IN THE OFFICE. NOW!"

I sigh. 

I'm in trouble again -.-

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

(a/n) YEHEEEET! Chapter 1 published! Sana suportahan niyooo! Bukas na next UD :) 

-Ren♥

The Game Called LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon