experience ni mama

280 5 0
                                    

"Experience ni Mama" (aswang)

Hi admins and readers of spookify! Gusto ko lang i-share sa inyo yung experience ng mama ko nung college pa lamang sya. Ikinwento nya kasi sakin to eh. So here it goes.

Nung college pa lamang si mama eh nagbo-boarding house daw sya. Malayo kasi yung university nya sa bahay nila. Nasa ibang lugar pa.

Sa boarding house daw nila eh marami daw silang nagbo-board dun na puro girls. Sa 2nd floor daw yung room nya (dalawang palapag daw kasi yung boarding house nila). Isang gabi, siguro mga 11pm na daw yun habang natutulog na daw sila ng room mates nya, nagising daw sila bigla nang may malakas na tunog sa kanilang bubong. Para bang may nag landing dun na tao. Nagtanungan daw sila kung ano yun. Maya-maya, may naglalakad daw sa kanilang bubong papunta sa tapat ng room nila. Takot na takot daw sila nun. Ang lakas pa nga daw ng kabog ng dibdib ni mama nun eh kasi first time nya pang makaexperience ng ganun. Hinintay daw nila yung susunod na mangyari pero wala naman daw kaya bumalik na sila sa pagtulog. Ilang oras na siguro daw ang nagdaan ng biglang nagising na naman si mama ng walang dahilan. Nakaharap sa pintuan yung position nya. Naisipan nyang humarap sa left side nya which is makakaharap nya yung bintana. Nung humarap na sya eh halos lumabas na daw yung puso nya sa sobrang gulat nang may makita syang mukhang paa ng pusa sa bintana. Pero mukhang kakaibang paa ng pusa daw yun kasi malaki at mataba daw yun parang kasing size daw ng tao tapos magkadikit daw ang mga paa nun. Nasabi nyang sa pusa yun kasi parang ganun daw yung shape nun eh. Hindi nya matukoy kung anong kulay nito dahil nakapatay ang ilaw. Bale, shadow lang ang makikita. Nakaharap daw ang paa nito sa kanya. Paa lang din ang nakita nya kasi medyo maliit lang daw ang bintana nun. Pero mas nagulat daw sya nung pag blink nya eh biglang nawala daw yung paa nun.

Hindi nya alam kung pano sya nakatulog ulit nun pero pag gising nya eh 3am na daw nun. Bumangon daw sya para mag review at sinilip nya yung bintana. Nagulat daw sya nung nakita nya yung matandang babae na kapitbahay nila dun sa may poso habang naghuhugas ng paa. Nagtaka daw sya kung bakit sya nandun eh ang aga-aga pa tsaka usually mga 5am pa daw sya lumalabas ng bahay para magwalis. Sabi-sabi din kasi ng mga tao dun eh aswang daw yung matandang yun tsaka ang lakas-lakas pa daw nun nasa 80 pataas na daw yun kaya imposible na ganun pa daw yun kalakas. Feling ni mama eh baka sya daw yung naglalakad sa bubong at yung may-ari nung mga paa sa bintana nun.

Kinabukasan, ikinwento nila mama yung nangyari sa mga nagbo-board na mga boys na kapitbahay lang din ng boarding house nila (separate kasi yung boys at girls). Sabi ng isang kaibigan nyang lalake, kapag naulit daw yun, sabihin daw nila na "Kilala kita! Pupuntahan kita sa bahay mo bukas!" matatakot daw yung aswang pag ganun tsaka manghihina o magkakasakit din daw sila nun kinabukasan.

Kinagabihan nun, nagising na naman sya ng mga 1am at naulit na naman yung may naglalakad sa bubong nila. Sya lang yung gising nung oras na yun kaya naisip ni mama na subukan yung sinabi ng kaibigan nya kaya sumigaw sya "Kilala kita! Hindi ako natatakot sayo! Pupuntahan kita sa bahay mo bukas!" tapos nawala na daw yung tunog sa bubong.

Kinabukasan ulit, naisipan ni mama na dumaan dun sa bahay ng matanda para silipin yung matanda. Nagulat sya dahil nakita nya yung matanda na nakahiga sa kama na hinang-hina na daw at mukhang malubha na raw ang sakit. Nakakapagtaka raw dahil ang lakas-lakas pa daw nya kahapon tas bigla-bigla nalang daw syang nanghina ng sobra timing pa talaga na saka lang sya nagkaganun nung sinabihan nya yung matanda nung sinabi ng kaibigan nya sakanya.

By the way, buntis pala yung room mate ni mama kay dinalaw ng aswang. 4 months na pala nung time na yun pero hindi nya alam na buntis sya.

End.
Sorry po kung naguluhan po kayo at sorry din kung mahaba.
Hindi namin alam kung totoo ba talaga na maghihina o magkakasakit ang mga aswang kapag binabantaan sila. Pero effective kasi sya nung ginawa ni mama eh. Siguro coincidence lang? Pero parang totoo kasi eh. Ewan ko lang sa iba kung ginawa ba nila yan at kung effective ba.

Lili
Mindanao

spookified stories part 2Where stories live. Discover now